Chapter 8: One sided love..

43 1 0
                                    

Ken's POV

Sh*t! Ano ba tong nangyayare sakin? Bakit nagkakaganito na naman ako? Bakit pakiramdam ko mula nung dumating yung dale na yun, nagiba ulet ako? Pakiramdam ko hindi na ako yung dating Ken.

Si Ken na malambing sa lahat dati pero ngayon ay kay Amielle na lang. Dating friendly kahit kanino, ngayon e sa mga taong mabait na lang kay Amielle. Yung masayang Ken kapag may gwapo, ngayon masaya na makasama lang si Amielle.

Napaisip tuloy ako. Am I really gay? O sadyang naging malapit lang ako sa mga babae dahil lumaki ako ng walang tatay?

.

.

.

Napatigil ako sa mga bagay na naiisip ko. Napansin kong nasa tapat na pala ako ng library. Naupo ako sa ilalim ng puno, hanggang sa may dumaang lalaki at babae, magbestfriend sila. Babae pa nga yung nakaakbay eh. Napangiti na lang ako, bigla kasing nasagi sa isip ko nung highschool pa kami ni Amielle, yung unang pagkakataong narealize ko na hindi lang bestfriend ang tingin ko sa kanya.

[[Flashback]]

Uwian na nun, Amielle wanted to walk home, tutal 20 minute walk lang naman yung school sa bahay, pumayag nako. On our way, tawa ng tawa si Amielle. Hindi ko na nga maintindihan sinasabi niya nun kasi nauuna yung paghalakhak niya kesa sa kwento niya.

Maingay talaga yan si Amielle, kaya kapag may problema siya at sobrang tahimik, hindi kami sanay.

Patuloy lang kami sa paglalakad at patuloy din siya sa pagkkwento. Nagsasalita ako nung marealize kong ndi ko na pala kasunod si Amielle. Nakita ko lang siya dun, nakatayo, parang nakakita ng multo. Tiningnan ko kung san siya nakatingin. Naku naman! Kapag umiiral talaga pagiging bata nito. Nilapitan ko siya sabay sabing

"Laway mo natulo!"

"Gaga ka! Hindi kaya!" hahaha. Ang kulit niya talaga kasi pinunasan din naman niya yung bibig niya.

"Gusto mo ba? Bili ka kaya?"

"Eh.. Hehe. Naiwan ko kasi pera ko eh. Hehe."

"Sus. Halika na. Ibibili na lang kita."

"Yeyy! Labbyuu bestfriend! *_*"

Sabay kiss sa pisngi ko with matching hug pa. Nagulat ako sa ginawa niyang yun, napabilis kasi yung tibok nung puso ko dahil dun. At sa pagkakataong yun nasabi ko sa sarili ko na

"Matagal ko na pala siyang mahal. Ngayon ko lang narealize."

"Labbyuu bestfriend!"

"Labyuu bestfriend!"

"Labyuu bestfriend!"

Nakalimutan ko. Bestfriends nga pala kami, for her I'm just her GAY bestfriend. I'll never know what I'll do kapag nawala siya sakin. Siguro hindi na niya dapat malaman, ipapagpapatuloy ko na lang to. Siguro nga yun ang tama. Nakakalungkot lang isipin na dapat ko ng isuko yung pagmamahal ko sa kanya sa mismong araw na narealize kong mahal ko pala siya.

"Keeeeeenn! Halika dito! Binili na din kita ng isa oh!"

Habang naglalakad ako papalapit ako sayo, pinapangako ko sa sarili kong iingatan kita, hindi kita sasaktan, kahit na ang ibig pang sabihin nun ay ang pagtago sayo ng katotohanan.

[[End of flashback]]

Hayy, nakakalungkot naman yung naalala ko, pero masaya naman kasi hanggang nayon ganun padin kami sa isa't isa. Oo, mahal kopa din siya. Salamat sa pagdating ng Dale na yun sa buhay namin, nakapagpasya na ko. Siguro hindi naman masama kung ipaparamdam ko sa kanya kahit konti, sa paraang hindi niya mahahalata ang pagmamahal ko sa kanya na matagal kong tinatago diba? Kelangan ko lang talagang magingat ng extra para hindi ako mabuko.

_________

A/N

Thanks for reading this chapter! Pasensia napo kung lame tong update nato. Bored lang talaga tska hindi makatulog. ^__^v

sobrang saya ko kasi kahit papano, dumadami yung readers ko. Hehe! babaw ko nuh??

Sorry din sa mga errors. Gabi nadin kasi kaya mejo tinamad nakong ireview kung may mga typo.

LABBYUU ALL! <3

bestfriends..INLOVE ?! [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon