CHAPTER 2

248 8 0
                                    

"Ano ba! bitiwan mo nga ako!!"

"Aray! nasasaktan ako! bitiwan mo sabi ako eh! nasasaktan ako! ano ba..!"

"Hoy!"

"Ken.."

"Hindi mo ba narinig yung sinabi niya?! ang sabi niya bitawan mo siya!"

"At sino ka naman?!"

"Ha! wag mong sabihing syota mo to?"

"Grabe pare!, may syota pala to? akalain mo nga naman.. sabagay, may ganda rin naman to eh.. pwede ng pag tiyagaan! haha!"

"Hindi niya ko syota! bestfriend ko siya! kaya bitiwan mo na siya pwede?!"

"Aba! tingnan mo nga naman, uso pa pala ang ganun??"

"Ang dami niyong dada!"

*BOOOGS! *PAK!

"Oh ano? ano?! lalaban ka pa ha?!! ano? lalaban ka pa!!!"

"Ken tama na, hayaan mo na sila."

"May araw rin kayo saken! tandaan niyo yan!"

"Tara na pre!"

Kumaripas na ng takbo yung dalawang lalake.

"Ayos ka lang ambe? anong ginawa sayo ng mga yon?!"

"W-wala naman.. salamat ken ah."

"Ha! ayos lang! budyakan ko pa yung mga yun eh!"

"Siguro kung di ka dumating, malamang nangyari na naman yung-"

"Ssh.. wag mo ng isipin yun."

Ginulo niya yung buhok ko at inakbayan.

"Sabi ko naman kasi sayo, hintayin mo lang ako dun sa garden eh.. yan tuloy."

"Ang tagal mo kasi eh.."

"Kaya naglakad lakad muna ko."

"Haay! tara na nga."

"Ay teka, sumali ka daw sa badminton competition?"

"?"

"Ah.. nasa likuran mo lang kasi ako nun.. hindi muna ako umextra.. hindi ko naman alam na sasaktan ka ng mga yun eh.. hehe."

"Oo, sumali ako nung first year ako.. kaso.."

"Natalo ka?"

"Hmmm.."

Umupo siya sa may swing.

"Alam mo, sumasali rin ako sa mga competitions sa school namin dati.. tulad mo, talunan rin ako.. hehe."

Umupo naman ako sa katabi niyang swing.

"Talaga?"

"Hmm.. may football competitions kasi dati sa school namin."

Inugoy naman niya yung swing gamit ang mga paa nito. Sinusundan ko lang siya ng tingin.

"Wag mong i-swing."

Huminto naman ito.

"Ha?"

"Nahihilo ako sayo eh.."

"Ah. hehe.."

"Ano nga palang dahilan kung bakt natalo ang school niyo?, hindi lang naman ikaw yung may kasalanan ah? grupo ang football kaya it's not you're fault."

"Naks! don't english me.. im bleeding! haha!"

"Ano ba?! umayos ka! tinatanong kita eh.."

"Eh teka, sinabi ko bang sinisisi nila ako? tyaka, bakit sa badminton, double rin naman yun ah? bat ikaw lang ang sinisisi nila?"

"Iba naman yun!"

"Eh teka nga, ikaw yung tinatanong ko diba?"

"Sige na nga.."

"Ako kasi yung goal keeper sa team."

"Lahat ng tira ng kalaban, pumapasok.. malamang hindi ko na ka-catch kaya pumupuntos yung kalaban."

"Ahh.."

"Kaya lahat, saken sinisisi.. hehe.."

"Anong?.. eh ang gulo mo naman! sabi mo di ka nila sinisisi! ewan ko sayo!"

"Haha! oh, kwento mo naman sayo."

"Hmm.. hinidi ko rin kase alam eh.."

"Pwede ba yun?"

"Medyo nahihilo kase ko sa mga oras na yun eh.. parang umiikot yung utak ko?.."

"Ahh.. kaya hindi mo napapalo yung shuttle cock?.."

"Hmm.."

"Eh bat hindi mo pinaliwanag sa kanila?"

Umiling lang ako habang nakatingin sa mga paa ko.

"Tara na nga! baka hinahanap na tayo saten eh."

Tumayo na siya at inabot ang kamay nito saken.

Iaabot ko na sana yung kamay ko pero iniwas niya ito.

"Bag mo.."

Ahh.. oo, sabi ko nga eh.

"Ahh.."

Kinuha niya yung nakakandong na bag sa binti ko at binitbit niya iyon.

"Tara?"

"Hmm."

Tumayo nako at naglakad na kami pauwe.

Nang makarating nako sa tapat ng bahay namin, binigay na niya ang bag ko at hinintay akong makapasok sa bahay.

Nagpaalam narin kami sa isa't isa at naglakad narin siya patungo sa kanila.

Tears In Heaven [KathNiel] ~ Short StoryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt