CHAPTER 5

183 7 2
                                    

"Ken, anak! anong nangyari sayo? ang sabi ni Amber-"

"Pahinga lang po ako ma."

"Teka anak!"

"Wala pong nangyari saken. Ayos lang po ako."

"Pero bakit sabi ni-"

"Ma, pagod po ako."

Nagdiretso nalang ako sa kwarto ko at dun humilata.

[ Amber's POV ]

"Tita? nandiyan na ho ba si Ken? kanina pa po ako nag aalala sa kanya eh."

"Ah, oo iha.. nandun sa kwarto niya, teka puntahan ko nalang."

"Salamat po."

Kumusta na kaya siya? baka sinaktan na naman siya ng mga lalaking yun..!

"Amber.. anak, eh ayaw paistorbo ni Ken eh.. pagod daw siya."

"Eh, tita kumusta naman po si Ken? ayos lang po ba siya? may mga pasa po ba siya?

"Eh wala naman.. ano ba kasi talagang nangyari Amber?.. sabi niya ayos lang daw siya.. wala naman daw nangyaring masama sa kanya."

"G-ganun po ba? eh w-wala naman po talagang nangyari eh.. sige po, una na po ako! bukas ko nalang po kakausapin si Ken."

"Sige Amber.. ingat ka anak.."

"Sige po.. salamat."

Naglakad nako papunta sa bahay namin at nagmukmok nalang ako sa kwarto.

Ano na kayang kalagayan ni Ken ngayon?.. ayos lang naman daw siya sabi ni tita.. pero bakit hindi manlang siya tumatawag saken? o nag te text manlang.

"Subukan ko kaya siyang tawagan."

*Dialing ken..

"The number you have dialed is unattended or out of coveraged area please try your'e  call later.."

*Toot toot..

Bakit ganun? sinubukan ko siyang i-text pero di niya nirereplayan mga text ko sa kanya.

Gabi narin pero wala manlang akong alam sa kalagayan ngayon ni Ken.. kamusta na kaya ang bespren ko?..

***

"Ken?.. tao po.."

Kanina pa ko nag do-door bell pero wala parin nagbubukas ng gate.

"Tao po.."

Sa wakas at may nag bukas na.

"Oh! Ambe, kanina pa umalis si Ken.. akala ko pupuntahan ka sa inyo?.."

"Wala po eh.. sige po una na po ako."

"Sige."

Bat ang aga naman ata niyang pumasok? hindi manlang ako pinuntahan sa bahay.

Hayaan mo na nga, magkikita rin kami sa shool nun.

School:

Kanina pa ko tingin ng tingin sa paligid ko pero wala akong nakikitang mukha ni Ken.. nasan kaya yun? magsisimula na ang klase pero wala parin siya.. saan ba siya nagpunta? akala ko ba nauna na siya?.. 

"Sta. cruz, John Kenneth."

"Absent.."

"Hindi po siya absent..!"

"Eh ano? cutting?,,"

"Ahahahhaahha!! hahaha!!"

"Pumasok siya! pumasok ho siya ma'am..!"

Tears In Heaven [KathNiel] ~ Short StoryWhere stories live. Discover now