[ Ken's POV ]
Dumaan kami sa nagtitinda ng bangled banda dun sa may tabi ng kalsada.
Sabi ko kasi sa kanya ako na ang bibili para sa amin.
"Talaga ken? ikaw na ang magbabayad??"
"Oo nga.. ang kulit neto!"
"Yehey! thank you!"
Nagtata talon naman ito sa tuwa.
Para talagang bata ang isang to.. ewan ko ba dito! =___=
(A/N: See the picture at the right side :))
"Magkano po ulit to manong?"
"Si Ken po kasi ang magbabayad.. hehe."
"200 lang iha."
"Po?"
"Eh ang sabi niyo po dati kung di ako nagkakamali, 500 ang sabi niyo.. binargain niyo na po?"
"200 ang bigay ko sa inyo nito iha ah?.."
"Ah, pasensiya na po manong.. nabingi lang po yang kaibigan ko.."
"Ahaha!"
"Bat di mo sinabi saken? di sana nabili ko na yan!"
"Wag ka na ngang maingay diyan..! eto na nga oh! ako na ang magbabayad! galit ka pa niyan..?!"
"Manong eto na ho ang bayad."
"Salamat iho."
"Sige po.."
"Oh! isuot mo na tong iyo.. ."
"Opo boss!"
"Ang cute no? parehas pa tayong may ganitong suot? ang saya..! ^_^"
"Anong cute ka diyan?! mas cute pa nga ako sa bangled nato eh."
"Sus! ikaw talaga! baket?, umiiliaw ka ba? ha? cute daw.."
"Bilog lang naman to eh.. anong cute dito?! Psh."
"Hoy ikaw!"
Bigla nalang may humarang saming grupo ng mga kalalakihan at hinablot ng isang lalaki yung kwelyo ng polo ko.
"Ano bang kailangan niyo?!"
"Tama na! ano bang kasalanan niya sa inyo?"
Sigaw ni Amber habang hawak nito ang braso ng lalaking nakahawak sa kwelyo ko.
"H'wag kang mangialam dito!"
Dinanggil naman nito si Amber.
"Amber! ano ba! bitiwan niyo ko! wag na wag niyong sasaktan ang kaibigan ko!!"
"Ano bang atraso namin sa inyo!"
"Ken, sila yung bumugbog sayo."
Tumingin naman ako dun sa dalawang lalaking tinutukoy ni Amber.
"Ha! buhay pa pala yang kaibigan mo?! bakit ba hindi mamatay matay yan?"
"Oo nga eh! ano?.. tuluyan na naten?"
"Waag!! bitiwan niyo ko! wag niyo sabing gagalawin ang kaibigan ko eh!!"
Tinuhod ko yung sikmura nung lalaking may hawak ng kwelyo ko at agad-agad akong pumunta kay Amber at niyakap ko ito.
"Wag niyong subukang lumapit kay Amber! kundi, ako ang makakaharap niyo!"
"Ken.."
"Ha! ano daw? narinig niyo ba yung sinabi ng patpating to?! ang lakas rin ng loob mo no?!"
"Wag kang mag-alala Ambe.. nandito lang ako, hindi kita pababayaan.."
Bulong ko sakanya.
Dahan dahan kong tinayo si Amber.
Binulungan ko ulit ito.
"Amber.."
at lumingon sa mga lalaking yon.
Sabay sigaw..
"TAKBO!!!"
Hawak-hawak ko ang kamay ni Amber habang tumatakbo.
"Ken, baka maabutan nila tayo.."
"Hindi yan! basta tumakbo lang tayo! wag kang bibitaw sa kamay ko! kumapit ka lang!"
Sigaw ko habang palingon-lingon sa likuran kung wala na yung mga humahabol sa amin.
"Ken, natatakot ako.."
"Basta humawak ka lang!"
Huminto kami sa may nakaharang na pader.
"Ambe umakyat ka! bilisan mo umakyat ka na..!"
"P-pero pano ka Ken?"
"Susunod ako! basta umakyat ka na lang at humingi ka kaagad ng tulong..!"
"Bilisan mo na..!"
Sinimulan na niyang umakyat habang inaalalayan ko siya.
"Bilisan mo Ambe..!"
"Eto na..!"
Sigaw niya habang humahagulgol sa iyak.
"Ken.. susunod ka ah.. hihintayin kita.. hihingi ako ng tulong.. pangako.. basta ipangako mo ring susunod ka.."
"Talon na!! Ambe tumalon ka na!! bilisan mo!!"
Sigaw ko kasabay ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
Sinunod naman niya ang ang sinabi ko.
"Oh! nasan na yung kaibigan mo? sayang hindi namin naabutan.."
"Ano bang kailangan niyo?!"
"Simple lang naman eh.."
"Ano?! may pera si dad! bibigyan niya kayo kahit magkano..! tantanan niyo lang kami ng kaibigan ko."
"Ayy.. marami na kami nun eh.. hindi na namin kailangan ng pera ng DAD mo..! haha!!"
"A-anong gusto niyo?! kahit ano! basta lubayan niyo lang ang kaibigan ko..!"
"Kahit ano?.."
"Oo! para sa ikatatahimik ng buhay ni Amber!"
"Sige.. payag ako.."
"Hindi na namin gagalawin ang kaibigan mo.. sa isang kondisyon.."
"Kondisyon?.."
"Oo! tatantanan namin siya kung sasama ka sa amin."
"H-ha?"
"Hindi lang yon! wag mo na siyang lalapitan! simula ngayon iiwasan mo na siya at sa amin ka na sasama! sa amin ka na kabilang! naiintindihan mo ba yon?!!"
"P-pero.."
"Walang pero pero! kung gusto mo pang mabuhay ang kaibigan mo!"
Napaluhod nalang ako at niyuko ang ulo ko habang umaagos ang luha sa aking mga mata.
Amber.. para sayo to.. gagawin ko to para sayo.. kasi magkaibigan tayo.. hindi ka na nila saaktan.. patawarin mo ko Amber..
"Ano?! naghihintay kami dito..!"
Hinarap ko naman sila at sa mga oras nato, nakapag desisyon nako.
"Sasama ako sa inyo.. basta wag niyo lang sasaktan ang kaibigan ko..!"
"Madali ka lang palang kausap eh..!"
"Haha! tara na..!"
Naglakad na sila palayo at pinili ko nalang umuwi sa amin.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Tears In Heaven [KathNiel] ~ Short Story
Ficção AdolescenteSa kwentong ito, malalaman natin kung gano kahalaga ang friendship para kay Ken at Amber. Pinagtagpo sila ng tadhana upang bumuo ng pagkakabigan sa pagitan nilang dalawa. Ito po ay sad story.. sana po magustuhan niyo.. :D Subaybayan po natin sila K...