Chapter 4

11 0 0
                                    


Nag lalakad na ko sa street namin ng may sumigaw...

Tulong!!!! Mga kapitbahay!!!

Nagulat ako at agad nag madali papalapit sa bahay...

Jenny! Isang malakas na tawag sakin...

Agad kung nilingon ang boses ng tumawag sakin, ang kapitbahay namin na si Nitch...

Bakit mitch anung nangyari? Agad kung tanung na halatang kinakabahan

Ang tatay mo! Inatake sa puso...

Ramdam ko ang pamumula sa aking mukha na kinakabahan at di malaman ang gagawin agad nalang akong napatakbo papuntang bahay...
Nakita ko sa may gate namin na maraming tao, at agad kung tinignan si tatay...

Tay!!!

Hinawi ko ang mga tao sa paligid at nakita ko na isasakay na si tatz sa ambulance...

Teke lang ho! Ako po ang anak niya sasama po ako. Agad na sabi ko

Habang nasa loob ng ambulance, hinawakan ko ang kamay ng tatay ko,

Tatz, magpakatatag ka! Napaluha ako sa kabang nararamdaman ko..

Nurse, kamusta po ang heart beat niya? Tanung ko sa isang nurse na babae na kasama ko sa loob..

Ok, naman siya wag ka magalala kelangan lang talaga natin malaman ang tunay na lagay ng tatay mo susuriin siya ni doc.mamaya.

Maya maya pa at nakarating na kami sa hospital..

Hayaaan mo tay ako na ang mag aalaga sayo ako na ang magiging nurse mo... Bababa na kami at papasok na sa loob ng hospital

San Bartolome Hospital!

Nagulat ako ng di ko akalain na dito pala kami sa san bartolome hospital.. Hindi ko pa man na sasabi kay tatz na pasado ako sa interview eto at nandito kmi sa hospital na pag tratrabahuhan ko.. Isang araw na puno ng saya at lungkot.

Ma'am pasensiya na po hanggang dito nalang po muna kayo at kami na po munang bahala sa tatay mo. Sabi ng nurse sakin na pinapakalma ako

Sige ho kayo na pong bahala kay tay...

Pumasok na sila sa loob ng emergency room, narinig ko pa na tinawag ng nurse ang doktor bago nag sira ang pinto...

Nakakaba pero kelangan kung maging matatag para kay tay. Nasa labas ako ng room habang nag hihintay at nag dadasal na sana maging ok si tatz.

More than wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon