Chapter 6

8 0 0
                                    


Isang napakaganda nanamang umaga ang masisilayan ko. Maaga pa lang ay umalis na ko sa bahay para pumasok, nag lalakad nako sa street namin around 5:30am marami na rin tao sa paligid, may mga nag wawalis sa tapat ng bahay nila, may nag bubukas ng tindahan, mga taong nag aalmusal sa canteen, ready na rin ang mga nakapilang tricycle ksabay nito ay ang mga estudyanteng papasok sa paaralan at mga papasok sa trabaho, nandyan na rin ang nag titinda ng taho na umaga kay lakas ng sigaw at syempre sa pag bukang liway-way ng araw maamoy mo ang bango ng bagong lutong pandesal at mainit na kape.

Haayy..kay sarap talagang gumising ng maaga makikita mo ang ganda ng buhay at magiging masaya ka na.

Pag pasok ko sa hospital sa 3rd floor area kami palang ni Ate Susi ang nauna...

Good Morning Ate Susi! Bungad na bati ko sakanya

Hindi siya umimik tumango lang at nag patuloy sakanyang ginagawa. Saamin si ate susi lang talaga ang hindi namin ganung nakakausap masyado kasi siyang seryoso at medyo mataray.

Nag handa na ko ng mga kailangan ko at isa isa ko ng pinuntahan ang bawat room assign.

Magandang Umaga po! Sabay bukas ko ng pinto at nakita kung gising na ang pasyente pero walang tao o kamag anak na bantay..

Kamusta po? Sabi ko sa pasyenteng lalaki siguro mga nasa edad 45 palang siya

Nurse nasan ang anak ko? Tanung niy sakin

Lumabas lang po saglit at babalik din. Sabi ko naman kahit ang totoo hindi ko alam, important kasi hindi na siya mag isip pa ng kung anu anu.

Bigla siyang tumalikod sakin humarap sa kabilang side...

Nakaramdam ako ng lungkot at kaba kaya...

Alam mo ba may good news ako sayo, na check ko na kasi yung result ng check up sayo at ok na lahat sayo stable naman na kelangan mo lang ng mahabang pahingga at kumain ng marami. Nakangiting sabi ko sakanya kahit nakatalikod siya sakin

Salamat! Sige iwan mo na ko. Tugon niya sakin

Pero kelangan mo na uminom ng gamot mo, eto hinanda ko na. Sabi ko naman at ipapainom ko na sakanya ang gamot niya

More than wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon