Night at bed.....
Hindi ako ganung makatulog ngayon kahit alam kung may duty na ko bukas ng umaga pakiramdam ko ang sama-sama ko para sa ginawa ko kanina kay mama.
Dumungaw muna ako sa bintana ganito ang madalas kung gawin mula ng bata pa ko sisilip lang ako sa labas umaga man o gabi makita ko lang ang kalangitan, ulap man,araw,ulan, buwan o bituin sa langit ang makita ko ok lang dahil sa langit ko lang na pag mamasdan ang magandang buhay at alam niya lahat ng nangyayari sakin. Sa tuwing nakikita ko ang kalangitan nawawala ang problema ko.
Tulad ng buhay natin ang langit marami ring problemang dadaan sakanya... Liliwanag ang kalangitan pag umaga kasabay ng pagising ng mga tao, makikitang lilitaw ang araw at liliwanag ang kapaligiran, makikita din ang mga ulap na nagiiba ng porma parang satin sa mga nangyayari satin sa araw araw ay mag iiba din ang mood mo, iinit ang ulo mo tulad ng araw na napakainit, nilalamig ka kapag di mo nakapiling ang mahal mo sa buhay, ang hanggin ang hahaplos sa mga balat mo na tulad nila dadaanan ka lang... Pag patak ng mga luha mo sa tuwing masasaktan ka lalo na ang puso mo, tulad din yan ng ulan na ibinubuhos lahat ng sama ng loob kaya bumabaha, pag galit na galit ka na lumalabas ang tunay mong galit na parang isang kidlat bigla nalang puputok minsan na man may dadamay nga sayo tulad nalang ng ibon at eroplano pero dadaanan ka lang nila at aalis din lilipad sa ibang ibayo at pag nag iisa kana natatakot ka, tulad ng gabing madilim malungkot ka dahil hindi mo sila makita. Pero hindi ka pa rin nag iisa may nag mamahal sayo, tulad ng mga butuin sa langgit at ang buwan lalabas sila para ilawan ang madilim mong gabi tulad ng iyong mahal sa buhay. Ginawa sila na makikita mo sa kalangitan para maisip mo na lahat may dahilan at lahat maaaring magbago pero sa huli makikita mo ang magandang dahilan ng lahat ng nangyayari. Tumingin ka lang sa langit mababawasan ang yung lungkot. Higit sa lahat mararamdaman mo na d'yan si God para sayo at muling kukulay ang buhay mo na parang isang rainbow sa kalangitan.
Ang sarap isiping bago ako matulog naibsan ang lungkot ko sa pag tingin ko sa kalangitan. Maraming salamat po lord at alam ko sa susunod pong mga araw lakas loob kung haharapin ang buhay na meron ako.
Kasabay ng pag silip ko sa langit nag dasal na rin ako. Sinara ko na ang binata at matutulog na ko.
6:00am na karating na ko sa hospital back to work...
Jenny! Dyan ka na pala... Nga pala ibigay ko daw sayo to. bungad sakin ni karen ng makita niya ko sabay abot ng isang sobre
Sakin? Kaninu naman galing yan?
Agad kung sabi at nagtakaGaling yan dun sa pasyente natin si kuya mike, sinundo siya kahapon nung anak niya at asawa. Hinahanap ka nga e,kaso sabi ko day off mo. Pag kukuwento sakin ni karen
Ah,talaga asawa at anak niya Ang sumundo sakanya kahapon? Gulat na sabi ko

BINABASA MO ANG
More than words
RomansaAng love daw walang pinipili lahat yan ay kusang darating kahit kanino kahit sino pero kailangan mong ipakita ang tunay na halaga nito. Susugal ka ba sa pag mamahal na ibibigay sayo? Ito ang sugal na handa mong gawin lahat para sakanila para pag nan...