Wonderland Zero

84 3 4
                                    


Wonderland Zero


Wonderland Zero

...One short sleep past, we wake eternally

And death shall be no more; Death, thou shalt die.

- Death, Be Not Proud by John Donne

Madilim. Masikip. At halos 'di na ako makahinga. Pero tiniis ko, habang nagtatago ako dito sa loob ng aparador.

Kailangan kong magtago mula sa kaniya. 'Di ko alam kung ano ang dahilan kung bakit hinahabol niya ako at nais niya akong patayin.

Sa pagkakaalala ko, nagkita kami mula sa isang bar. Nagkausap. Pagkatapos, sinamahan niya ako sa pag-uwi. Habang nag-uusap kami ay parang may bumabagabag sa kaniya ngunit 'di ko nalang 'yon pinansin. Baka may problema lang siya at kung meron man, alam kong hindi niya 'yon sasabihin.

Nang nagpaalam na kami sa isa't isa ay bigla nalang siyang natulala. Tinanong ko siya pero hindi siya sumasagot. Maya-maya, ay bigla siyang pumasok sa bahay ko at dumiretso sa may kusina. Sinundan ko siya at nakita kong kumuha siya ng kutsilyo. Aanhin niya yan?

Humarap siya sa'kin na walang halong emosyon sa mukha. Blanko, 'yan lang ang nakikita ko. Ngunit biglang may kumurbang ngiti sa mukha niya. Isang malademonyong ngiti. Parang may hindi tama.

Nang humakbang na siya papunta sa'kin at akmang sasaksakin na niya ako ay doon na ako kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko at nagtago dito sa aparador.

'Di ko inaasahan na gagawin niya sa'kin 'yon. Isa siya sa mga kaibigan at pinagkakatiwalaan ko. At alam kong mabait siya, o sadyang nilinlang niya lang kami.

Nakarinig ako ng mga apak ng paa at alam kong papunta na siya rito sa kwarto. Tinakpan ko nalang ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Gusto ko ng umiyak sa kaba. Ganito ba talaga kapag alam mo ng malapit ka nang mamatay?

Biglang nawala ang mga apak ng paa at naging tahimik ang buong paligid. Nakaalis na ba siya?

Pero hindi ko inaasahang bumukas ang pinto ng aparador. Hinablot niya ako at itinapon sa pader. Nahilo ako dahil sa lakas ng impact ng pagkatapon niya sa'kin. Hindi pa masiyadong malinaw ang nakikita ko pero hindi ko mapigilang tanungin siya.

"Why are you doing this? May ginawa ba ako kaya mo ako ginaganito? Kung may problema ka sa'kin, sabihin mo! Hindi ganito. For fuck's sake! I'm your friend!" Hindi ko na napigilan. Umiyak na ako. Inilabas ko na lahat ng frustrations ko. Pero ng tiningnan ko siya, blanko pa rin ang kanyang mukha. Walang emosyon.

"I barely know you. No... I don't think I know you. Who are you?" Malamig. Masyadong malamig ang boses niya na nagbigay sa'kin ng kilabot. Umiling lang ako.

"Prank lang 'to diba? Hidden camera? Haha.. Guys lumabas na kayo diyan. Oo na, nadali niyo na ako. Lumabas na kayo diyan. Hindi na nakakatuwa."

Lumapit siya sa'kin at bigla niya akong sinaksak sa tagiliran. "I don't think so." Fuck! Hindi nga talaga 'to isang prank.

Mas idiniin niya pa ang kutsilyo at ipinaikot pa ito. Bigla niyang hinugot ang kutsilyo at mas maraming sariwang dugo ang kumawala. Ramdam na ramdam ko ang sakit.

"Hindi... hindi ikaw... ang nakilala ko. S-sino ka?" Hindi siya ang nakilala ko. Malayong-malayo siya sa taong nakilala ko, naging kaibigan ko at naging kapamilya ko. Malayong-malayo.

Inilapit niya sa leeg ko ang kutsilyo at walang ano ano'y ginilitan niya ako. Masakit. Pero kalaunan ay naging manhid rin ako. Katapusan ko na nga yata 'to.

Pero naaninag ko parin siya at may suot na siyang hat. At ang ngiti niya, hindi ko yata makakalimutan. Unti-unti ko ng pinipikit ang mata ko.

"By the way, my name is Mad Hatter and Welcome to Dead Wonderland. Enjoy!"

Dead...Wonderland?

A/N: Expect typo and grammatical errors! I'm first timer so don't expect. And I dedicate this to Nanang Serialsleeper. I'm a big fan!! And ako po ang long lost sistah ni bruh Sisa! So yeah. Thank you for inspiring me. Love lots!





Alice in Dead WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon