He's Not Done Yet

36 2 1
                                    


The Third Wonderland

He's Not Done Yet


SHIRO

"Uwaa... Alam kong marami akong kabalastugan sa buhay at suki ako sa guidance. Pero hindi pa ako nakakapasok sa Principal's office. Kung ano man ang kasalanan ko, sorry na po. Uwaa..." Ngawa ni Hoke habang papunta na kami sa Principal's office.

"Tumahimik ka nga! Ang ingay-ingay mo. Parang kang bakla. Tss. Wala ka talagang kwenta. Makapaglaro nga ng Asphalt." Ang tanging sabi ni Shiloh sabay kuha ng kanyang cellphone at naglaro nga ng Asphalt.

"Sungit talaga. Meron ka?" Kaya ayun. Bugbog na naman si Hoke.

"Pero, oo nga guys. I mean, wala pa talagang nakakapasok sa Principal's office. It is not called the Sacred Room for nothing. Hindi ba kayo nacucurious kung ano talagang nandoon sa loob. Diba parang ang cool kung tayo ang mauunang makapasok doon. Diba?" Sabi ni Zion na parang na aaamuse sa nangyayari.

"Weird mo talaga." Natatawang sabi ni Hoke. Ayun, nakatikim ulit.

"Ang kulit talaga nila noh?" Sabi ni Jazmyn na ngayo'y katabi ko na.

Tiningnan ko ulit sina Hoke na parang bagyo na ang buhok dahil sa ginulo ito ni Zion. Inlove pa naman niyan sa buhok niya. Si Shiloh naman focus na focus naman sa paglalaro.

"Oo nga. Kung nandito siguro si Kelly. Chaos talaga ang mangyayari." Sabi ko. "Nakakamiss talaga 'yong babaeng 'yon. I miss my bestfriend."

"I know right." Sabi ni Jazmyn.

Nang malapit na kami sa Principal's office ay nakita namin ang isang police car sa harap nito. Anong ginagawa niyan dito?

"Bruh! I'm imagining that behind that door is a creepy place with full of crappy shits and a devil sitting in its desk. That's not awesome!" Sabi ni Shiloh nang nasa harap na kami ng pintuan.

Pagkapasok namin ay nakita namin ang aming principal na nakasuot pa ng pantulog at may kausap siyang dalawang lalaki. Nandito rin si Ryuu na nakaupo sa couch.

I didn't expect that. Thinking what Shiloh said earlier, it is more like hell to me.

Tiningnan ko ang kabuuan ng office. Actually, bahay? It looks like a house. May ref, may tv, may kama rin and did I just saw an underwear on the table? Gross. Marami ring nagkalat na mga pagkain at mukhang panis na ito. Hindi pa nga nahuhugasan ang mga pinggan at parang dinaanan ng bagyo ang lugar. Kaya pala wala pang nakakapasok rito at kapag may meeting sa auditorium ito hini-held. No one should enter this room, it is like going straight to hell. And what's that damn smell?

Siniko ni Hoke si Zion. "Pare, eh parang hindi naman tayo ang nauna dito eh. Nandito na si Ryuu eh. Tsaka sir! Ganda ng office natin hah. Kaya pala hindi kayo nagpa-papasok eh ginawa niyo na pala 'tong condo. Pinaalis ba kayo sa inyo sir? Baka naman nambabae ka sir? Wow sir! Multi-purpose rin pala office niyo. Office na tambakan pa. Hahaha.."

Sinamaan lang siya ng tingin ng principal. "Gusto mo bang makick-out?"

Lumaki ang mata ni Hoke sa narinig at napalunok ito.

"Ahh..sir. Ang ganda po ng office niyo po. Home style. Feeling ko nga po at home ako. Ang ganda-ganda po talaga sir. Kaya peace na po tayo sir! Kalimutan niyo pong may sinabi kayo tungkol sa kick-out na 'yan." Sabay pacute niya sa harapan ni Principal.

Lumapit sa'kin si Ryuu. "Babe. Anong ginagawa niyo dito?"

"'Di ko rin alam eh. Pinatawag lang kami." Sagot ko sa tanong niya. "Ikaw?"

Alice in Dead WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon