I Don't Regret Anything

16 2 0
                                    


Fifth Wonderland

I Don't Regret Anything


HOKE


"Yow guys! Miss me?" Sigaw ni Jax pagpasok palang niya sa room namin.

Grabe talaga 'tong batang 'to. Akalain mo, nakapasok siya sa recording room na banned na banned sa mga estudyante. He really made things impossible to possible.

Naalala ko pa dati, pumasok siya sa faculty at hinack ang laptop ng advisor namin na si Sir Pilato. Kaya nung naglecture na siya at ginamit ang projector, nakita namin ang powerpoint niya na puno ng mga babaeng nakahubad na alam kong kagagawan ni Jax. Tawang-tawa nga ako sa pagmumukha ni Sir Palito (Nah..it suits him. Para kaya siyang matchstick). His face was priceless at kapag napicturan ko 'yon, ibebenta ko talaga 'yon. I'm going to be priceful (Dude laugh. It's a joke). Kaya simula nun, lagi ng galit sa'min 'yong palitong 'yon. Alam niyang si Jax ang may gawa, pero malinis magtrabaho ang bunso namin kaya hindi siya pinaniwalaan. Well, no one messed up with my group.

Back to Jax, saan kaya napadpad 'tong batang 'to at ngayon pa nagpakita.

Nilapitan siya ni Shiro at binatokan. "Hoy! Saan ka ba galing? Alam mo bang matagal kana naming hinahanap? At anong ginawa mo kanina? 'Wag mong sabihing pumasok ka sa recording room? Naku, Jax kababalik mo palang gumagawa ka kaagad ng kabalastugan!" Walang prenong sabi ni Shiroh at halos hingal na hingal siya pagkatapos.

"Grabe siya oh! Ganyan mo ba talaga ako iwelcome Shiro? Brutal hah! Akala ko talaga ikikiss mo ako. Ihahug mo ako. Tapos sasabihin mo 'I miss you Jax. I love you. Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka.' Pero syempre sasabihin ko 'Mahal kita pero ayokong saktan ang kuya ko. Mas pipiliin ko ang dugo kaysa sa puso. Kaya hindi maaari.' Ganun!" Binigyan lamang siya ng what-the-heck look ni Shiroh.

"Ayaw mo lang mabugbog ni Ryuu eh." Sabi ko sa kaniya. At sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Saan ka ba talaga galing Jax?" Tanong sa kaniya ni Jazmyn.

"Ehh..nahihiya ako eh."

"Sabihin mo na." Sabi sa kaniya ni Zion.

"Sige na nga." He paused. "Nadengue ako." Natahimik kami.

"Ahhh.." Sabay naming sabi. Akala ko pumunta siya sa ibang bansa. Manghihingi sana ako ng chocolates.

"Ahhh? 'Yon lang?! 'Yon lang reaksyon niyo? Grabe. Hindi niyo ba alam kung anong hirap ko kakahiga sa kamang 'yon? Sa mga injections na tinuturok sa'kin, hindi niyo ba alam na ang sakit nun? Tapos 'ahhh' lang sasabihin niyo? Grabe ramdam ko talaga love niyo guys!"

"Wala ka ngang alam." Ang tanging sabi ni Shiloh.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" Tanong ni Jax. Sasagot na sana si Shiloh ng biglang dumating si Ryuu na hingal na hingal. Parang galing sa karera.

Bigla niyang sinandal si Jax sa pader habang hawak ang kwelyo nito.

"Ku..ku.kuya Ry...yuu." Gulat at takot ang makikita mo sa pagmumukha ni Jax. Sinubukan naming awatin ni Zion si Ryuu pero hindi parin ito bumibitaw.

Maya-maya, dahan-dahan niyang binababa si Jax at bigla niya itong yinakap. "Bunso, pinagalala mo ako."

"Kuya Ryuu naman, tinakot mo naman ako. Akala ko may gagawin ka sa'kin. Tsaka kuya, ang bakla mo! 'Wag mo nga akong ihug. Straight kaya ako!"

"Tss..baliw!" Sabay gulo niya sa buhok ni Jax. Lahat kami tumawa ng nagpout siya. Para kasing bata. "Kuya naman, ang buhok ko!"

Tiningnan kaming lahat ni Jax habang nakangiti. "Buo yata ang grupo hah. Teka, saan si Kelly?" Nagtataka niyang tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alice in Dead WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon