Chapter 2 - Clash

68 5 1
                                    

Venice's POV

OMG!! Paglabas namin sa classroom ay nakita naming nagsuntukan sina Kent at Christian. Habang nagsuntukan sila ay nakita sila ng presidente ng student council na napakacute at napakaresponsableng si Denrei. Isinumbong niya ang suntukan nila kay Mrs. Cruz at pinagsabihan silang dalawa. Pagkatapos ng gulo ay nagtungo na kami sa canteen para kumain.

Sa canteen..

Nakasalubong namin sina Kent, Joshua, Alex, Mark, Matthew, Aaron, Ethan at Denrei, Naku!! Ang presidente kasama pa. Sa kasamaang palad nahulog ang mga gamit ni Mythel. Tinulungan naman siya ni Aaron, pabida talaga tung si Aaron. Hays naman, si Matthew on the other hand, nagtutunganga lang. "Uy, Mythel, magingat ka nga. Hahaha." sabi ni Aaron sabay hawak kamay ni Mythel. "Ah-eh... P-Pasensya na." ani ni Mythel."Huwag ka ngang humingi nang tawad." sabi naman ni Aaron, "Tulungan na nga kita. Saan ka ba pupunta?" tanong niya kay Mythel. "S-sa l-library...." Nauutal na sagot ni Mythel. Habang tinutulungan ni Aaron si Mythel, ang kanyang mga kasamahan naman, nag-smirk lang at si Alex merong binulong kay Lawrence. "Ano ba yan'!" Naririnig kong sigaw ni Athena "Swerte naman tung si Mythel!" "Girl, don't get jealous." Natatawang sabi ko. "HINDI NGA AKO NAGSESELOS EH! Naiingit lang ako at sana naman ganyan din si Lawrence sa akin." "Haha. Meron ka pang chance." Sabay na sabi namin ni Gwynyth.

Athena's POV

"Class dismissed. And don't forget to bring your requirements tomorrow."

"Hoy Athena, ba't tunganga ka diyan?" tanong ni Sharmaine.

Sabay hagis ng notebook sa akin. "Wow naman, kung makahagis wagas." sabi ko sabay tingin ng masama kay Sharmaine. "To naman, sorry na gurl. Eh kanina pa dismissed tapos naka tunganga ka lang sa harapan. Uy, iniisip mo si Etha- Damn!" Sigaw niya nang tumama ang hinagis kong libro sa kanya. "Kailangang isigaw?! Buti nga sayo!" Linigpit ko ang mga gamit ko habang lumalapit si Vashti sa akin. "Tina, may chika ako." ani ni Vashti habang tumitili ng wagas. "Hoy! Napano ka na diyan? Kung makatili, parang ang OA naman." sabi ko. Nagpout siya at tumili ulit. "Eh kasi tina, may nakita ako kanina." tugon niya. Ang creepy ng smile niya. Juice colored! Baka papatayin ako nito eh. "Oy! What's the chika?" Biglang sulpot nina Venice, Bea, Gwynyth, Jannah and Elzane. "Gurls, alam niyo, nakatingin si Ethan kay Tina kanina!!!!!" Biglang tili ni Vashti.

*boogsh! boogsh!*

Wag nalang kayong magtanong kung ano yan, eh yun lang naman ang bugbog na natanggap ko galing nila. "Yiie Tina, improving!!" Binatok ako ni Sharmaine. "Hephep! Wag tayong umasa sa mga taong paasa!" Sigaw ko sa kanila. "Bitter mo brad. May dalaw?" Kumunot yung noo ko sa sinabi ni Gwynyth. "May red tide nga." Bulong ni Bea. "Hay nako! Diyan na nga kayo!"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon