Nakatulugan ko ang pagbabasa sa alyden group/shipper. I didn't know those pictures exist. Yep! May picture ako ky Alyssa and Denden pero hindi yong mga ganun. Nakikita ko naman sila dati pero hindi ko binibigyan nang meaning. Siguro ganun lang kase ganun naman kami ni never mind.
What to do next? Off my smart phone bahagi nang paglimot ni...
Bakit ba hirap akong banggitin ang pangalan niya?Matext nga lang si mama.
Mama: ma I need new phone.
Sana naman magreply si mama agad. Kailangan ko new phone. After 3minutes finally nagreply si mama. Ganun siguro pag wala kang ginagawa inip na inip ka o mas iniintindi ko ang sakit sa dibdib ko. Hays! Mabasa nga ang reply ni mama
From mama: okay! 9k lang ang budget.
Reply: okay ma, thankies.
Hahaha ang bait ni mama. Hano?
Pero bakit 9k lang? Di nalang ginawang 10k. Salamat pa rin.From mama: money sent
Wow si the flash lang si mama?
Reply: ang bilis ma.
From mama: bakit ayaw mo? Kung matagal nagrereklamo, kung mabilis nagtatanong.
Ingat ka. Call ako mamaya I'm busy.Naks si mama muntik nang magsermon. Love ako niyan.
Reply: okay ma. Ingat ka din. Loveu. Mwaaaah!
Need to get ready na. Pupunta akong mall bibili nang new phone. Ma text nga si sino bang kaibigan ko? Hay wala pala. I'm alone! Yon kase dapat di mo binigay ang lahat sa isang tao lang. No. Erase. Erase. Erase. Ayoko na siyang isipin pa. Aaminin ko masakit pa rin. Oo masakit naman talaga. Ikaw ba naman lagi kayong magkasama ng best friend mo araw araw Gabi Gabi tapos nawala lang bigla. Minsan pag punong-puno ka na. Minsan kailangan mong makiramdam kung kailangan ka pa ba niya. Minsan bigyan mo naman ng respeto ang sarili mo. Minsan.... Bakit ba ako nagdadrama? Diba nga kaya ka pupunta ng mall para bumili ng bagong cp hindi para magdrama?
Para talaga akong criminal. Pagdating na pagdating ko sa mall wala akong inaaksaya na panahon bumili agad ako nang cp tapos umuwi na. Hindi na ako nag abalang maglibot. Hindi na ako tumitingin tingin pa. Alam ko. Alam ko na takot ako makita o makabangga siya."o di inamin mo rin na takot kang makita siya" my other self told me.
"oo na. Inaamin ko na, kase hindi pa ako handa na makita siya".
Hindi pa naman talaga ako handa. Kaya nga bumili ng bagong phone kase natakot ako. Natakot ako bigla kaseng nangumusta yong kapatid at mama niya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bumalik na naman ako. Nangako ako sa sarili ko na tama na. Tama na yon. Mahalin ko naman ang sarili ko.
New phone. New number. New life.
Dahil may bagong phone so technically bagong Sim. Bagong number. Ipapaalam ko muna kay mama.
To mama: ma. Bought new phone. Here's my new number. Kindly save it. Thanku. Wag mong ipamigay number ko ha. Love you.
BINABASA MO ANG
More than Friends but less than Lovers
RandomDo you have a friend? Have you ever met a person who gives a big impact in your life? or a person who is just there challenging you, give meaning to your life in the end, left you hanging because she is just a passer. Have you ever met a person you...