Chapter 1

11.6K 159 5
                                    

Buo ang araw ni Jade dahil sa nakausap nya ang pinakamamahal nyang kasintahan.
Ngayon, kausap nya ang bestfriend nya at sabik syang magkwento dito.
"Bestie, ang saya ko !"- Jade
"Oo nga bestie eh. Di nga masyadong halata. Tumawag ka ba naman ng madaling-araw. Di talaga halata best" pamimilosopo ni Sally.
"Tse ! Nakausap ko kasi sya at buo na naman ang araw ko" Masayang kwento ni Jade.
"Madaling-araw best ! Madaling-araw pa lang ngayon" saad ni Sally.
"Ewan ko sayo. Sige na. Kwentuhan na lang kita bukas. Matulog ka nga." - Jade.
"Mamaya best ! Hindi bukas dahil madaling-araw na. At talagang matutulog na ako ! Nako ! Mornight !" Paalam ni Sally sabay baba sa telepono.

Alam ni Sally na may kasintahan si Jade pero hindi pa nya ito nakikita. Kilala nya lang ito sa pangalang Al Galura. Alam nyang mayayaman ang mga Galura dahl kilala ang G Group of companies. Masaya sya dahil masaya si Jade, kahit palagi itong tumatawag tuwing madaling araw.

Si Jade Howell naman ay isang magandang babae. Anak-mayaman din pero di makakaila na mas mayaman talaga ang mga Galura. Gayunpaman, hindi ito alam ni Jade dahil walang binabanggit si Al sa kanya.

Simple lang si Jade kahit mayaman at yun ang isa sa mga nagustuhan ni Al sa kanya dahil pareho silang simple lang.

Kinabukasan.

Habang nag-uusap ang magbestfriend sa kwarto ni Jade, bigla namang tumawag si Al.
"Teka lang bes huh ? Sagutin ko lang 'to. Tumatawag si MK ee"-Jade.
"Sus, kahit di mo sabihin, alam ko naman yun ! Patay na patay ka sa Al na yan ee ! Nako ! Wag ako Jade ! Kilala kita !" Sabat ni Sally.
"Bes, nagpaalam lang ako na sasagutin ko yung tawag, ang dami mo ng sinabi. Dyan ka na nga !" Sabi ni Jade sabay alis.
"Yan naman kayo eh ! Bigla na lang kayo nang-iiwan !" Pagdadrama ni Sally.

Habang nasa sala si Jade, kausap nito sa Al sa kabilang linya.
"Good morning my Lady. How was your sleep ?" - Al.
"As usual, it was the best sleep because I dreamed of you, I dreamed of us." -Jade
"Well, that's good to know. What was your dream about ?" -Al.
"You and I are getting married, we are planning to have kids and build our own family" masayang kwento ni Jade.
"I guess, that dream will no longer be a dream anymore. Haha." - Al.
"Why ?"- takang tanong ni Jade.
"Nothing. By the way, I'm planning a dinner for two , tonight. Are you going with me , honey ?" Tanong ni Al.
"Of course. Why would I say no ?" Masayang sagot ni Jade.
"Okay then. I'll pick you up at 7 ?"- Al.
"Sure."- Jade.
"Okay, I'll resume to work. I love you baby."- Al.
"I love you more" - Jade, and she ended the call.

Bumalik sya sa kwarto nya at nakitang natutulog si Sally.
"Walang hiya talaga 'tong bestfriend ko eh ! Dito pa talaga natulog." Sabi ni Jade.

"Uhhmm. Halikan mo pa ako"
Biglang nagsalita si Sally habang tulog.
"Kita mo na ! Ang laswa ng panaginip nya !" Sabi ni Jade.

Naligo na sya at naghanda. 6:30 na at anumang oras ay dadating na si Al. Si Sally ? Ayun, tulog pa din !

*beep beep*
Bumusina na si Al sa tapat ng bahay nila Jade. Wala kasi ang mga magulang nya, nasa business trip kaya malaya syang gumala ngayon kasama ang kasintahan.

Lumabas na sya at iniwang mag isa si Sally.

"Advance ka ng 15 minutes MK ah" - Jade.
"Haha. Mabuti na yung maaga kesa sa mahuli at masermonan ng isang Jade Howell." Biro ni Al sabay baba ng kotse at pinagbuksan ng pinto si Jade.
"Ang sweet ng MK ko" sabi ni Jade sabay kurot sa ilong ni Al ng very light.
"As always for my Lady" -Al.
"Nako ! Hihi. Umalis na tayo bago pa ako mangisay sa kilig dito." - Jade.

Umalis na sila. Dinala sya ni Al sa isang mamahalin at sikat na resto.
CASMOS RESTO

Binasa ni Jade. Tiningnan nya si Al kung seryoso ba ito na dito sila kakain.
"MK, dito talaga tayo kakain ? Eh mahal dito di ba ?" Tanong ni Jade.
"Oo MK. Alam mo minsan, nagdududa na ako sayo. British ka ba talaga o Chinese ? Ang kuripot mo" - Al.
"Eh kasi mahal naman talaga dito MK eh" pagmamaktol ni Jade.
"Ano nga ulit apelyido mo ?" Tanong ni Al.
"Howell. Bakit ?" - Jade
"Oh, anak ka ng isang mayamang tao tapos makareklamo ka akala mo nalulugi kumpanya nyo. Hahaha. Don't worry MK, it's on me, my treat" - Al.
"Hati na lang tayo sa bayad." - Jade.
"Wala akong naririnig" makulit na tugon ni Al.

Pumasok na sila sa resto. Ang gara talaga at ang bongga. Pumunta sila sa nakareserve na upuan. Nagbabasa na sila ng menu ng may lumapit. Nakatalikod kasi si Al kaya di nya ito nakikita.

"Ehem ! Excuse me pero amin itong seat na ito. Nabayaran na namin ito" yung babae.
Nakayuko silang dalawa kaya di sila agad nakilala ng babae.
Tumingala si Jade at nagulat ang babae na isang Howell ang kaharap nya. Nagsalita si Jade.
"Pardon please ?" - Jade
"A-ano ka-kasi, uuhhmm." - babae

Tumingala naman si Al at mas nagulat pa ang babae. Si Al Galura ang nakatingin sa kanya ngayon.
"Ohh. Pasensya na miss. Lilipat na lang kami." Pagpapakumbaba ni Al. Di na nakapagsalita ang babae dahil sa gulat. Dalawa sa mga pinakamayayamang angkan ang nakaharap nya.
Umalis na si Al at Jade at pumunta sa VIP room ng resto.
Habang papasok sila, may nakasalubong silang lalaki.
"Jade ?!" - Lalaki
"Dave ?! Is that you ?!" Tuwang sabi ni Jade.

------------------
Sino kaya yung lalaking yun ? At bakit ako nagtatanong sa inyo gayung ako naman ang awtor nito ?

A Not So Perfect Love Story (RaStro FanFic)Where stories live. Discover now