Chapter 11

2.2K 88 3
                                    

"Sa kalsada lang kayo nagkaaminan? Wala man lang bang magandang scenery ? Sa gitna lang ng kalsada sa tapat ng bahay nina Jade ?" reklamo ni Bianca.

"Sige cous, ikaw ang magkwento ng maiba ang setting" pambabara ni Jade. Natawa naman si Althea.

"Tsee! Pero seryoso ah. Di ba parehas kayong mayaman ? Bakit sa kalsada talaga ?" usisa ulit ni Bianca.

"Hindi pa kasi ako kilala ni Jade nun eh. Di nya pa talaga alam yung profile ko nun" paliwanag ni Althea sabay kamot ng kilay.

"Whhaaattt? Di mo kilala ang isang Galura na ito? My gaahhd Jade ! Saang planeta ka ba galing ?" pagsermon ni Bianca.

"Sa yekok Biancs. A-ko si Ko-key. He-llo !" sagot ni Jade habang ginagaya ang boses ng isang robot.

Hinampas naman sya ng unan ni Bianca.

"Seryoso nga kasi! Di mo talaga sya kilala nung una?" tanong ulit ni Bianca kay Jade.

"Hindi nga kasi! Nung isang araw lang. Kung di ko pa dinala yan dito, di ko pa malalaman na pangalawa pala yan sa pinakamayamang tao sa mundo !" sagot ni Jade.

"Pasensya na MK. Akala ko kasi di mo na kailangan malaman eh." saad ni Althea

"Okay lang yun noh! Ano ka ba MK! Di naman tayo naging magjowa dahil sa pera." sagot ni Jade.

Ngumiti lang si Althea at yumakap sa bewang ni Jade.

"Nakakamiss magka jowa lalo na kung ganyan kasweet. Haayyy! " saad ni Bianca sabay buntong-hininga.

"Eh di magjowa ka na din para di ka mainggit." komento ni Jade.
"Hoy! Sinong nagsabing naiinggit ako? Hindi noh!" pagdeny naman ni Bianca.

"Sus ! Hindi raw" tukso ni Jade

"Di naman kasi talaga eh." sagot ni Bianca

"Cous, sama ka pala bukas ?" tanong ni Jade

"Saan ?" - Bianca

"Pupunta kaming New York. I'll just meet some clients there but Jade wants to come with me, so why don't you join us ?" alok ni Althea

"Hindi na ako sasama. Magiging third wheel nyo lang ako dun." nakasimangot na tugon ni Bianca.

"You sure ? Yung first class na private jet ni Althea yung sasakyan natin" saad ni Jade

"Weeehhh ? Ikaw wag mo akong pinaglololoko ha ?!" sagot ni Bianca

"Totoo yun. Di kasi ako sanay sa congestion sa mga airports, kaya sa jet ko ako sumasakay." saad ni Althea

Lumaki ang mata ni Bianca sa narinig

"Totoo ? Sige, sama ako !" masayang saad ni Bianca sabay labas ng kwarto ni Jade at pumunta sa kwarto nya para maghanda.

Naiwan ang dalawa

"Thank you MK for being so good." sabi ni Jade.

"So good saan ?" nagtataka si Althea

"Sa amin, sa pamilya ko at especially, sa akin." sagot ni Jade

"Of course. Mahal kita kaya dapat lang na mahalin ko ang mga taong mahal mo" sagot ni Althea

"Basta, salamat" saad ni Jade

Nginitian lang sya ni Althea

Maya maya ay tinawag na sila para kumain.

Habang nasa mesa sila, naisipan na ni Althea na ipagpaalam si Jade.

"Tito, tita, gusto ko po sanang dalhin si Jade sa NY bukas" simula ni Althea.

"Bakit hija ?" - Mr. Howell

"Para po may kasama ako at may gusto rin po akong makilala ni Jade." sagot ni Al

"Sino ?" - Mrs. Howell

"Isang importanteng tao po sa buhay ko maliban sa mga magulang ko at sa inyo ni Jade. Ang unang nagturo sa akin kung paano magmahal" sagot ni Al.

-----------

Sino kaya yun ?

TBC :)

A Not So Perfect Love Story (RaStro FanFic)Where stories live. Discover now