Chapter 5

3.4K 107 4
                                    

"Bakit sya pa ? Bakit ang taong lihim kong minamahal pa ang mahal ng kaibigan ko ngayon?"
Yan ang mga salitang nagpapabalik balik sa isipan ni Sally.
Ang di kasi alam ng iba, lesbian din si Sally.
"Gagawin ko lahat, maagaw lang si Althea sa kanya. Pasensya na Jade, nagmamahal lang ako" - Sally.

Sa bahay naman ng mga Howell, masayang nagkukulitan ang magkasintahan sa kwarto ni Jade.
"MK, ganun ka pala talaga kayaman ?" - Jade
"Haha. Hindi naman MK eh, mayaman din naman kayo ah"- Al.
"Hindi kasing yaman nyo, akalain mo yun, pangalawa sa pinakamayaman sa buong mundo." - Jade.
"Sus, magiging pag aari mo na rin yun noh, papakasalan kaya kita !" - Althea.
"Ang sweet ng MK ko ! Ako lang ang mamahalin mo ha ?" sabi ni Jade sabay kiss sa cheek ni Althea.
"Pangako yan, Mahal ko" sagot ni Althea sabay halik sa noo ni Jade.
"Matulog na tayo at may pupuntahan pa tayo bukas" - Althea.
"Ha ? Saan tayo pupunta ? Eh, may trabaho ka bukas di ba ?" nagtatakang tanong ni Jade.
"Sa office nga, oras na para makilala nila ang future wife ng Lady Boss nila noh. Haha" sagot ni Althea.
"Sigurado ka, Mahal ko ?" nakangiting tanong ni Jade.
"Oo Jade. Mahal kita at gusto kong ipaalam sa lahat na akin ka at sayo naman ako." sincere na sagot ni Althea.
"Ang sweet ng MK oh. Mahal din kita, mahal na mahal. Good night MK" - Jade.
"Good night MK" sabi ni Althea sabay kiss ulit sa noo ni Jade.

Natulog na sila.

Kinabukasan
Maaga pa ay nandun na si Sally sa bahay nila Jade para abangan si Althea. Dinalhan nya rin ito ng breakfast.

Nasa kwarto naman ang love birds. Naunang magising si Althea kaya pinagmasdan nya muna ang babaeng pinakamamahal nya na natutulog.
"I'm so lucky to have you in my life right now, MK. You're my great love and my joy. I love you so much" - Althea.

Nakabaluktot si Jade at nakayakap kay Althea. A perfect morning para sa kanila.
Nagising na si Jade at kinusot ang mga mata.
"Ang cute naman ng Mahal ko. Good morning, My Lady." bati ni Althea kay Jade.
"Good morning Mahal ko." bati ni Jade na medyo husky pa ang boses. Halatang bagong gising.
"Ang sarap ng tulog natin ah. Haha." panunukso ni Althea.
"Sobra. Katabi ko kasi yung pinakamamahal kong babae. Hihi" sagot naman ni Jade na parang batang kinikilig.
Naligo na sila at nagbihis.
(Wag kayong mag alala, di sila sabay )

Bumababa na sila at nakita nila si Sally na naghihintay sa baba.
"Good morning" bati sa kanila ni Sally. Nagulat si Jade dahil si Althea ang unang nilapitan ni Sally.
"Kumain ka na ba ? Dinalhan kita ng breakfast." bati ni Sally kay Althea at parang hindi lang nakita si Jade.
"Sa office na lang kami kakain ni MK, halika na MK, malelate na tayo" pag iwas ni Althea kay Sally dahil nahahalata nyang iba ang kilos nito.
"Ganoon ba? Sama na ako" pagpupumilit ni Sally. Tumahimik na lang si Jade at sumunod kay Althea. Nagpaalam na rin sila sa mga magulang ni Jade.
Habang nasa sasakyan, si Althea lamang ang kinakausap ni Sally.
"Ano ba ang gagawin natin sa office?" tanong ni Sally kay Althea.
"Ipakikilala ko ang pinakamamahal ko sa harap ng mga empleyado ko" nakangiting tugon ni Althea sabay hawak sa kamay ni Jade na tahimik lang na nakikinig.
"Ahh" yun lang ang nasagot ni Sally.

Nakarating na sila sa company ni Althea.
"MK? Okay ka lang?" tanong ni Althea kay Jade.
"Oo MK, kinakabahan lang " nakangiting sagot ni Jade.

Nakaismid naman ang mukha ni Sally.

Nakapasok na sila. Binati na si Althea ng mga empleyado nya.
"Good morning sa lahat!" nakangiting bati ni Althea sa lahat habang hawak ang kamay ng girlfriend. Nakasunod lang si Sally sa kanila.
"Good morning ma'am." sagot ng mga empleyado ni Althea.
"Sino yung kasama ni ma'am?"
"Di ba anak-mayaman din yan?"
"Nag-iisang anak ng mga Howell yan"
"Ang ganda nya noh?"
"Pwede kayang ligawan yan?"
Yan ang mga bulong na naririnig ni Althea pero nakuha agad ang atensyon nya dun sa huli nyang narinig.
"Walang pwedeng manligaw sa kanya" Althea exclaimed with authority.
Napasmile naman si Jade dahil alam nyang nagseselos ang girlfriend.
"I'm sorry guys pero I'm happily taken" sagot ni Jade.
Nagbulongan naman ulit ang mga bubuyog, este ang mga empleyado ni Althea.
"Taken na daw. Sino kaya ang nagmamay ari sa kanya? Baka pwede pang maagaw. Haha."
Narinig lahat ni Althea ang sabi ng empleyado nya kaya di na ito nakapagpigil.
"Subukan nyong agawin ang girlfriend ko, mawawalan kayo ng trabaho habang-buhay" medyo galit na sabi ni Althea.
Napatahimik naman ang lahat sa sinabi ng boss nila. Nakangiti si Jade dahil naku'cute'an sya sa girlfriend.
"Yes, I'm taken by this beautiful Lady." masayang sagot ni Jade. Nagulat naman ang mga empleyado sa sinabi nya. Di na nagsalita si Althea at pumasok sa office nya. Nakasunod naman si Jade sa kanya. Pati si Sally.
"Oh? Bakit ka nakangiti? Gusto mo din yung mga may gusto sayo?" tanong ni Althea kay Jade na nakangiti. Halatang nagseselos si Althea.
"Ang cute ng Mahal ko! Di ko sila gusto, kaya ako nakangiti kasi ang cute mo magselos" sabi ni Jade sabay kurot sa ilong ni Althea. Naglalambingan ang dalawa ng biglang magsalita si Sally.
"May tao dito oh" saway ni Sally. Nagtaka naman ang dalawa sa inasal ni Sally.

----------------------
Abangan ang mga plano ni Sally para makuha si MK ni Jade.

A Not So Perfect Love Story (RaStro FanFic)Where stories live. Discover now