Chapter 9

2.4K 120 7
                                    

Bumukas na ang pinto ng eroplano. Pilit na inaaninag ni Jade ang mukha ng taong bumababa mula sa eroplano, at ng mamukhaan nya ito,
"Cooouussss !!!" sigaw ni Jade.
"Ay timang na kambing!" gulat na saad ni Althea dahil sa biglang pagsigaw ni Jade.
Tumakbo naman si Jade patungo sa babaeng kakababa lang. Naiwan si Althea na hawak ang dibdib dahil sa puso nyang muntik ng mahulog dahil sa gulat.
"Zarhiaaaannn !" sigaw naman ng babae habang sinasalubong si Jade.
"Charlotte !" sigaw ulit ni Jade.
"Ano ba 'tong dalawang 'to ?! Parang nasa soap opera, kulang na lang buhatin nila yung isa saka paikot-ikutin." side comment ni Althea.

Dahil malayo ang dalawa, di nila ito narinig (buti na lang dahil patay sana itong si Galura kay Howell)

"Kumusta ka na ? Ang tagal nating di nagkita ah ! Namiss kita" saad ni Jade.
"Tseee ! Anong matagal ? Nagskype kaya tayo nung isang araw lang !" pambabasag ni Bianca.
"Nagmomoment yung tao eh !" sagot ni Jade sabay sila nagtawanan.
Nakatanaw lang si Althea sa kanila.
"Nakalimutan na yata ng girlfriend ko na nandito ako. Kawawa naman ako. Huhu" pagdadrama ni Althea.

Lumakad na sila papunta kay Althea. Nakayuko naman si Althea habang dumudutdut sa phone nya.
"Eheerm !" pagkuha ni Jade sa atensyon ni Althea.
Ng tumingin na Althea ay para namang nakakita ng multo si Bianca.
"Ikaw ?!" sigaw ni Bianca.
"Bakit ? May gusto ka rin sa kanya ? Yan din yung sabi nung Sally eh ! Nako ! Bianca Charlotte King ! Sinasabi ko sayo, itigil mo na kung gusto mong maging pinsan pa kita." pagbabanta ni Jade.
"Kung di ka ba naman isa't kalahating timang Jade Zarhian ! Nastarstruck lang naman ako ! Si Althea Ghlian Galura ito oh ! Nasa harap ko ! Wow ! Just wow cous !" paliwanag ni Bianca.
"Buti at nagkakaintindihan tayo Charlotte" saad ni Jade at nagcross arms.
Natawa naman si Althea sa pagka possesive ni Jade.
"Hi ?" bati ni Althea kay Bianca.
"Hello. I'm Bianca Charlotte King, pinsan ni Zarhian." bati naman ni Bianca.
Ngumiti naman si Althea.
"Ang ngiti, itago. Maraming naiinlove dyan." singit ni Jade.
"Wow ! Zarhian ! Ang possesive ah ! Bakit ? Ano mo ba si Ms. Galura ?" tanong ni Bianca.
"Althea na lang. Girlfriend pala ako ni Jade." si Althea na ang sumagot.
Nabigla naman si Bianca. "W-what?! Gi-girlfriend ni Althea Galura ang pinsan kong ito ?"
"Yes." tipid na sagot ni Althea sabay ngiti.
"Weeeehhh ?" di makapaniwalang sagot ni Bianca.
"Pektusan kaya kita ! Iniinsulto mo yata ako ah ! Sigurado ka bang tunay kang anak nila tito at tita ?" saad ni Jade.
"Hoy Zarhian ! Kahit ipa Deoxyribonucleic Acid test mo pa ako noh, wala kang magagawa, pinsan mo talaga ako." ganti ni Bianca.
"Sus ! Nagpasikat ka lang eh ! DNA test lang naman yung ibig mong sabihin. Hahaha" saad ni Jade.
Nagtawanan lang silang dalawa. Napakamot na lang ng kilay si Althea dahil sa kakulitan ng girlfriend at ng pinsan nito.

Sumakay na sila at umuwi. Puro sila kwentuhan at tawanan sa loob ng sasakyan.

Nakarating na sila ng mansyon ng mga Howell. Nakaabang naman sina Mr. at Mrs. Howell sa loob.
"Tita, tito ! I miss you !" saad ni Bianca habang papalapit at nagbeso sa mag asawa.
"Haha. Namiss ka rin namin hija. Nasorpresa mo ba si Jade ?" tanong ni Mr. Howell.
"Opo tito. Ang laki nga ng bunganga nyan eh. Buti na lang talaga private hangar nyo yun, kung hindi eh napahiya na talaga ako." sumbong ni Bianca.
"Hoy Charlotte. Ikaw nga itong muntik na akong malunok dahil sa laki ng bunganga mo eh!" ganti ni Jade.
Natatawa na lang ang mag asawa sa pagtatalo ng dalawa. Maging si Althea ay natatawa na rin dahil nakikita nya ang kakulitan ng girlfriend nya.
"Oh, oh tama na yan ! Kayo talagang mga bata kayo oh, di na kayo nagbago. Umakyat na kayo at ng makapagpahinga. Ipapatawag ko na lang kayo pag kakain na." ani ni Mrs. Howell.
"Sige po Mrs. Howell." sagot ni Althea.
"Tita at tito na lang. Masyadong pormal ang Mrs. at Mr. Howell." nakangiting tugon ni Mrs. Howell.
"Sige po, tita." magalang na tugon ni Althea.

Umakyat na sila at pumasok silang tatlo sa kwarto ni Jade.
"Sooo" pagsisimula ni Bianca.
"Anong so ?" tanong ni Jade.
"Paano mo nakilala ang nag iisang anak ng mga Galura ?" pag uusisa ni Bianca.
"Okay, ganito kasi yun" pag uumpisa ni Jade.

---------------
Flashback tayo sa next chapter tungkol sa kung paano nagkakilala ang magsyota. :)

Salamat pala sa mga nagtatyagang magbasa. Kahit konti lang kayo, masaya na po ako na kahit papano ay may nagbabasa at may napapasaya ako(di ko alam kung nasisiyahan ba talaga kayo)
Basta, salamat po ^_^ Dahil po sa inyo kaya patuloy pa rin akong nagsusulat. Salamat po talaga. Words are not enough to express how grateful I am. Thank you po talaga. :*

A Not So Perfect Love Story (RaStro FanFic)Where stories live. Discover now