Time Machine (one shot)

274 16 16
                                    



Time Machine.

"I wanna go back to the way we used to be,
I wanna feel your skin your lips so close to me,
I wanna go back when I call you mine all the time, Every smile and every moment
If only I have a TIME MACHINE.."

-

"Ericka Keil Saavedra!!!!!"

Nagising ako sa sigaw ng bestfriend ko. Patay ako nito, nasigaw na sya. Agad agad akong bumangon at baka masapak na ako ng bestfriend ko.

"EK! Ano ba?! Kanina pa kita ginigising. Nako pag tayo nalate. Lagot ka sakin!"
Sabi nya at padabog na lumabas ng pinto.

Laging high blood yang bestfriend ko eh. Sya nga pala si Patricia Fernandez. Magkasama lang kami sa dorm. Mabait naman yan eh, pagtulog.

Makapagayos na nga at beastmode na si Pat. Ayoko din naman malate no, yung tipong pagpasok mo ng room nakatingin lahat ng mga kaklase mo na parang may nagawa kang kasalanan.

-
"Hoy EK! Lagi ka nalang ganyan. Di mo pinapansin mga tao sa paligid mo! Hindi na ikaw yung EK na bestfriend ko. Nagbago ka na."

Ayan na naman yung sigaw ni Pat lagi nalang nya ako sinisigawan na wala daw ako sa sarili at pati sya kinakalimutan ko na. Hays.

"Nagsimula yan nung naghiwalay kayo eh. Kasalanan mo naman kung bakit kayo naghiwalay eh."

Alam ko namang kasalanan ko eh. Lagi nalang ipinapamukha sakin. Masakit. Kung di lang ako tanga eh edi sana kami pa din hanggang ngayon. Kung di ko lang sya binalewala akin pa din sana sya. Kasalanan ko! Di naman ako bobo para paulit uliting sabihing kasalanan ko eh.

"EK! Ayan ka na naman! Iiyak ka na naman dahil dun sa lalaking yun. Alam mo di kita maintindihan eh. Kasalanan mo naman kung bakit kayo naghiwalay, ginusto mong mangyari to tapos iiyak iyak ka dyan kasi may kasama na syang iba."

Dahil sakin nawala sya. Yung lalaking mahal na mahal ako DATI may mahal ng iba Ngayon.
Napahagulgol ako ng yakapin ako ni Pat. Buti nalang nandito tong bestfriend kong pagsasabihan ako sa katangahan ko at the same time dadamayan ako.

-

Kahit torture ang pagpasok napasok pa din ako. Sayang tuition at masokista mang isipin gusto ko sya makita kahit pa kasama nya si Chesca Ceman yung current girlfriend nya. 💔 makita ko lang sya masaya na ako.

Maaga ako pumasok para iwas sa mga mapanghusgang mata ng mga studyante. At syempre dahil kay Pat, na napaka OA na kala mo laging malelate. Magkaiba kami ng section ni Pat. Section A ako at section B naman si Pat. Buti nga at magkaiba kami ng section para walang mangrireal talk sakin at pumipigil sakin sa pagtingin kay Arc Cervantes, yung Ex ko. At dahil uso ang alphabetical nasa likod tuloy ako at putakteng pagkakataon sinasaktan ako. Magkatabi naman si Arc at Chesca, sa harap ko tuloy naglalandian.

Napatingin ako sa pinto ng bigla kong marinig ang pamilyar na boses. As usual magkasabay sila ni chesca. Kaya siguro ngayon lang dumating si arc ay dahil sinundo pa nito si chesca sa kanila. Bat ko alam?
Ganyan kasi kami ni Arc DATI...

Nakatingin lang ako kay arc habang papunta sila sa upuan nila. Nakangiti sya, halatang masaya sila sa isa't isa. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng magtama yung mga mata namin, pero agad din itong nawala nung bawiin nya yung tingin nya. Pinadaanan nya lang ako ng tingin na parang di nya ako kilala na parang walang nageexist na EK Saavedra para sakanya.

Pinipigilan kong tumulo yung luha ko. Masakit na ngang makita syang masaya sa iba tapos kung tignan nya ako parang wala lang ako sakanya. Ako din naman dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon eh. Kung di ko lang sya binalewala at tinake for granted di sana ako nasasaktan ngayon. Nagsisisi ako sa nagawa ko kung pwede lang ibalik yung dati eh. Kung may time machine lang, itatama ko lahat ng mali ko at hinding hindi ko sya papakawalan. Isang taon na din ang nakakalipas pero mahal na mahal ko parin si Arc.

Nagsitahimik lahat ng kaklase ko ng Biglang dumating yung teacher namin na puro paseatwork.

"Okay class. Answer this question, if you were a scientist what thing you'll make and why. I'll give you 30 minutes to think and i'll call you one by one to recite it here in front. Do it now." Sunod sunod na sabi nito.

Activity na naman. At irerecite pa sa unahan. Kinakabahan tuloy ako. Bahala na.

Mabilis natapos ang 30 minutes at nagtawag na isa isa si Teacher Nicole.

May mga sumagot ng kalokohan, meron din namang mga seryoso at humuhugot.

"Ms. Saavedra."

Nagulat ako ng ako na pala ang susunod. Kinakabahang tumayo at naglakad ako papunta sa unahan.

"Ahm. Ano. Kung ako ay isang scientist ang bagay na gagawin ko ay Time machine."
Sabi ko na nauutal pa sa kaba. Di ko to masyadong pinaghandaan kaya kahit ano nalang lumabas sa bibig ko.

"Time machine kasi gusto kong maitama lahat ng nagawa kong mali, gusto kong bumalik sa dati yung taong pinahalagahan ako noon na binalewala ko lang."

Tahimik silang lahat na nakikinig sakin. Tumingin ako kay Arc, umaasang may makikitang emosyon sa mukha nya pero blanko iyon. Wala kang makikitang emosyon sa mukha nito na parang wala syang pake.

"Gusto ko syang bumalik sakin, yung mga panahong akin pa sya, yung ako pa din ang mahal nya. Kaya gusto ko ng time machine para maibalik ang lahat ng iyon at kung mabibigyan ako ng pagkakataong maibalik yun, hinding hindi ko na sya papakawalan pa kasi hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din sya."

Sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni arc. Pinipigilan kong lumuha habang sinasabi yun.

Tahimik akong bumalik sa upuan ko.

"Good. May pinagdadaanan pala itong si Ms. Saavedra."
Pabirong sabi ni Teacher nicole na ikinatawa ng mga kaklase ko.

Anong nakakatawa?

"Mr. Cervantes."

Kahit hindi ako yung tinawag kinakabahan pa din ako. Sya na kasi eh. I wonder kung ano ang bagay na gusto nyang gawin. Sana time machine din.

"Robot na Forever."

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni arc. May ilan ding nagsabing 'walang forever'

"Yung robot na kayang magpatagal ng isang bagay yung magbibigay ng forever sa dalawang taong nagmamahalan. Yun ang napili ko kasi gusto ko magtagal kami ni chesca. Nakakabakla mang sabihin pero gusto ko Forever kami ni chesca."
Sabi nya habang nakamot sa batok wari'y nahihiya.

Tumagos sa puso ko lahat ng sinabi nya. Para akong paulit ulit sinaksak pero buhay pa rin.
Kung ako gusto ko ibalik lahat nung kami pa, sya naman ay ang maging forever sila ni chesca. Ang sakit isipin na iba na ang mahal nya. Siguro kung magmamakaawa ako sakanya ngayon na balikan ako di sya papayag. Huli na kasi ang lahat, di na nya ako mahal. Nakapagmove on na sya, kinalimutan na rin nya ako. Samantalang ako hindi pa rin nausad.

Siguro ito na yung time para maglet go ako, mahal ko sya pero iba na mahal nya. Gusto ko akin sya pero pag mamay ari na sya ng iba. Gusto ko maging dahilan ng bawat saya nya pero iba na ang nakakapagpasaya sakanya. Siguro hindi lang kami nakatadhana. Na kahit siguro magkaroon ng time machine eh, di na maibabalik yung dating kami. Tatanggapin ko nalang na hindi kami para sa isa't isa, at kakalimutan ko na lang din sya gaya ng paglimot nya sakin. Sapat na lahat ng narinig ko mula sakanya para sumuko na ako at itigil ang pagasa. Sana lang maging masaya sya.

"Class dismissed."

Dali dali akong lumabas ng hindi na natingin sakanya. Parte ng pagmomoveon to.

Nagmamadali akong sumakay ng jeep ng biglang may nangkulbit sakin.

"EK. Panyo mo."
Si arc, na nakalahad ang kamay para iabot sakin ang panyo ko.

Ngumiti ako dito yung hindi plastic.
"Salamat."
Sabi ko at naglakad papunta sa isa pang sakayan.

"Sorry kung nasaktan ka kanina."
Sabi nya. Naglalakad kami ng sabay. Walang malisya, tanggap ko na namang hindi na pwede.

"Kalimutan mo na yun! Kasabay ng paglimot natin sa isa't isa."
Sabi ko dito at iniwan na syang magisang nakatayo doon para sumakay ng jeep.

Mas mabuti tong ganito. Para di na lumala pa yung sakit na maramdaman ko.

-- THE END. --

Sorry, Ang lame :(

Time Machine (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon