Alam ko naman na hindi dapat, pero hindi ko pinigilan.
Alam kong may iba pero hindi ako sumuko.
Alam ko na pamalit lang ako, pampalipas oras sa tuwing hinihintay mo siya o nagkatampuhan man kayo
Alam ko na sa bawat ngiting binibigay mo sakin, gaano man katamis ang mga iyon, ay walang mas malalim pang kahulagan
Alam ko na sa tuwing kakawayan mo ko, ginagawa mo lang iyon dahil hindi magandang isipin ng iba na inii-snob mo ang isang kaibigan
Alam ko na kada lalapitan mo ko't kakausapin, gaano man kawalang-kwenta ang paguusapan natin, ginagawa mo lang dahil ikaw ay napipilitan
Alam ko na kadalasan ang dahilan kung bakit ka nagtiya-tiyagang hintayin ako at sabayan sa pag-uwi ay dahil ika'y may kailangan sakin o mayroon kang pabor na hihingin
Alam kong kilala ka sa eskwela natin, sikat ka sa mga babae. Gwapo ka kasi, matalino, malambing, magaling mag-paikot.
Pero alam mo din na may gusto ako sayo at tinanggap mo iyon. Nagbigay ka ng motibo. Hinayaan mo na umasa ako kahit na may gusto ka ring iba.
Hinayaan mo akong umasa.
At ang masaklap pa, ngayong ayoko na, hindi ako makahanap ng iba.
Hindi ko magawang ipagpalit ka din dahil hindi na kaya ng puso ko ang muling umibig pa.
Kung ang bawat sandali palang ginugol ko noon upang kunin ang atensyon mo ay kapalit ng sakit ko ngayon
Sana pala hindi na lang ako umasa
Sana pala hindi nalang ako nagpakatanga
Sana pala hindi na lang kita nakilala
teka...
kanina pa ko nagda-drama dito pero parang wala naman akong pinatatamaan
sino ka nga ba?
*********
PAALALA:
KUNG AYAW MO NG KADRAMAHAN AT SAWA KA NA SA KABADUYAN, MANGYARI LAMANG PONG ISARA ANG AKDANG ITO DAHIL PUNONG-PUNO ITO NG HUGOT AT PASAKALYE. MAY PAGKA-MAKATA ANG PAGKAKASULAT NA MISMONG AKONG NAGSULAT AY HINDI MATUKOY KUNG NOBELA PA BA ITO O ISA NG TULA. JK. MULI, BABALA SA KADRAMAHANG MABABASA SA INYONG PAGPAPATULOY SA SUSUNOD NA MGA PAHINA.
READ AT YOUR OWN RISK.
Dahil ang akdang ito ay tatalakay sa kwento ng dalawang taong patuloy na nagpapakatanga at umaasa sa isa't isa.
Kwentong magpapahiwatig ng mga sintomas ng paasa at umaasa;
muling maguugnay sa mga taong lumimot at nakalimot;
pagtatagpuin ang tumalikod at tinalikuran;
at magtuturo kung paano pagalingin ang pusong sugatan at mamamatay na.
DISCLAIMER:
throughout the story, may mga random idols akong babanggitin mula sa iba't ibang kpop groups. Kaya wag kayo magugulat at mag-abang nalang. Charing mahal ko kayo
BINABASA MO ANG
PAASA 101 // Chanbaek ft Kaisoo
Fanfiction"Sa lahat ng umasa, ako na ang pinaka tanga. Biruin mo ba namang mahulog ako sa isang kaibigan na may pagtingin sa iba? At ang masaklap pa, ngayong nadudurog ang puso ko sa bawat iniwan mong alaala, wala man lang akong kaide-ideya kung sino ka." ...