Simula na naman ng panibagong klase. Ibig sabihin, bagong classroom. Bagong teachers. Bagong school supplies. Parehong mga mukha ng mga kaklase na sa totoo lang ay nakakasawa na ang mga itsura na nakikita ko araw-araw sa nakalipas na tatlong taon na pamamalagi ko rito sa Mnet High.Wala akong nadamang ni katiting na galak o ligaya sa pagsapit nitong taon ano pa't sigurado akong puro pasakit lang ang dadalin nito sakin.
Huling taon ko na sana rito sa Mnet High School kung hindi lang sa trip ng tadhana na abutan ako ng K-12. Dagdag na dalawang taon? Aba, kung kinakailangan ko pang manatili sa school na to nang mas matagal, magbibigti na lang ako.
Ako siguro ang pinka-salungat sa idea ng gobyerno ng pag-iimplemento ng bagong sistema. Handang handa na kasi akong umalis,
...kung hindi ko lang siya nakilala.
***
"pucha 'tol. manaway ka na nga dun sa labas ng mga late. humayo ka't magpaka-beastmode."
Palibhasa girl scout and naka-assign mag-ayos ng mga pila ng late na mga estudyante sa labas, itong mga boy scouts na to kung makapagsuot ng uniform akala mo naman may ginagawa bukod sa tumayo ng diretso habang nakapaligid sa flag pole.
Okay, no offense, alam ko naman na trabaho talaga namin yon bilang girl scouts at di ako dapat magreklamo, pero aba naman 'tong mga lalaki na to akala mo kung sino makautos.
Actually, isa lang pala sakanila.
"first day na first day Baekhyun ah. tantanan mo ko."
"paano ba naman kasi Drea, di maipinta yang mukha mo. mas lalo ka tuloy pumapangit."
Tinitigan ko lang siya ng masama habang siya tawa ng tawa. Dahil isa siya sa matatalik kong kaibigan, walang habas ang panlalait sa akin. Siguro kung iba ang nagsabi sakin nun, nabasag ko na ang panga.
"bakit nga ba kasi ang tahimik mo? di ko na papansinin yung naka simangot mong mukha dahil natural na yan, pero yung pagiging tahimik? hindi ikaw yan eh." sabi ni Baekhyun saka ako tiningnan ng maigi sa mukha. "meron ka ba?"
napapikit nalang ako ng mata. aba talaga nga naman. pasalamat talaga sya at di ko papatulan.
"wala. may iniisip lang." sagot ko.
Tumalikod na ko't nagsimulang maglakad palayo. Pati ba naman ang buwanang daloy ko itinanong? Ibang klase talaga.
Jusko pag nakarinig pa ko ng isang hirit dito kay Baekhyun ngayong hindi maganda ang araw ko, patawarin sana ako ni lord, pero hindi ko alam kung anong magagawa ko.
Habang naglalakad palabas ng oval ay iniisip ko rin kung ano bang dahilan at masyado akong iritable nang alas-sais imedia ng umaga, kaso sumakit na naman ang puso ko. Saka ko naalala na, oo nga pala, broken hearted ako.
di ako nagjo-joke, broken hearted talaga ako.
as in wasak and puso ko.
Literal na napupunit ang puso ko sa tuwing naalala ko kung paano pinaglaruan ng isang lalaki ang feelings ko.
Kung paano ako umasa sa wala, nagpakatanga sa kanya, ginawa ang lahat para mapansin niya, tapos noong napadpad nga ang tingin nya sa lugar ko, ginamit nya naman ako.
Tangina.
Napakapit ako sa dibdib ko bigla, parang hinihiwa ang puso ko sa sakit na hatid ng mga alaala. Ito ang hindi alam ng iba, dahil sa nakalipas na bakasyon, na-diagnosed ako ng doctor ng Broken Heart Syndrome. Kung saan unti-unting naghihiwalay ang tissues ng sensitive kong puso dahil sa sobrang emotional stress at trauma. Hindi ko pa nasasabi sa iba maliban sa pamilya ko. Ni hindi pa nga alam ni Baekhyun na bestfriend ko na nagkasakit pala ko dahil pinaasa ako ng kung sino.
Tangina, times 2.
Pero ang hindi ko talaga matanggap, hindi ko man lang maalala kung sino ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.
Naaalala ko ng vivid ang lahat ng pakiramdam at feelings. Naaalala ko din ang mga nangyari, pero hindi malinaw. Blurred. Hazy. Para akong nanonood sa tv na black and white noon pang 60s.
Kasabay kasi nitong BHS, nagkaroon din ako ng Post-Traumatic Stress Disorder. Para bang temporary amnesia. Pero mga piling memorya lang ang hindi ko magawang matandaan. Sabi ni doc, siguro daw paraan ng katawan ko yon para maka-cope sa sakit ko. Ayaw pang sumuko ng sistema. Ayaw nang umalala. Ayaw pumayag na matapos ang miserable kong buhay nang dahil lang sa sawing pag-ibig.
Kaya ang pinaka mabisang medication ko daw ngayon, ay ang subukang umiwas sa mga posibleng triggers ng nakaraan.
Ginagago lang ata ako nung nagsabi non eh. Kasi, putangina, paano ko nga malalaman kung ano o sino ang iiwasan kung wala nga akong matandaan?
Sa biro ng tadhana, may bigla pa kong nabunggo dala ng lalim ng pag-iisip ko. Di ko na pala alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Lilinga pa sana ako para hanapin kung sinong nakabunggo sa balikat ko, pero hindi ko na pala kailangan maghanap pa, kasi kapansin-pansin ang lalaking nakatayo sa harap ko dahil sa tangkad nya.
pucha may kapre ata sa campus na to? ah, di naman siguro sya ganon katangkad. maliit lang siguro ako. Pero kahit na, kinailangan ko pang tumingala para lang maaninag ang mukha niya.
"Sorry." Sabay na sabi naming dalawa.
Pero parang nagbago ang expression niya nang makakuha sya ng mas magandang anggulo ng mukha ko. para bang nagulat. Biglang nagpawis. Hindi magawang tumingin sakin ng diretso. Nagsimulang mamula ang mga pisngi.
Hindi ko alam pero parang kumalam ang sikmura ko. Hindi naman ako gutom o natatae o kahit nauutot man lang, pero parang nakikiliti ako na ewan.
Ano ba 'to?
Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa may tumawag sa pangalan niya. Lumingon siya agad sa boses na pinanggalingan nung sigaw. Sigaw ng babae, hindi ako pwedeng magkamali.
"Kai! Ang bagal mo, halika na!"
Humakbang na siyang papalayo, at muli na naman akong nakadama ng sandaling pagpunit sa dibdib ko.
Dè jàvu. Bakit parang nangyari na to dati?
puta napahawak ako sa dibdib ko bigla, tinitingnan pa rin si Kai kahit papalayo na siya.
Hindi kaya siya yung lalaking nag-paasa sakin?
Pero imposible eh, dahil naalala ko siya.
Si Kai, yung kababata ni Baekhyun.
Anong papel niya sa sawi at nalimutan kong pag-ibig?
BINABASA MO ANG
PAASA 101 // Chanbaek ft Kaisoo
Fanfiction"Sa lahat ng umasa, ako na ang pinaka tanga. Biruin mo ba namang mahulog ako sa isang kaibigan na may pagtingin sa iba? At ang masaklap pa, ngayong nadudurog ang puso ko sa bawat iniwan mong alaala, wala man lang akong kaide-ideya kung sino ka." ...