Nakatingin pa rin ako sa papalayong likod ni Kai. Inaasahan kong lilingunin niya ko matapos kaming magkabunggo, pero bigo ako. Ni katiting na recognition sa mga mata nya nang saglit kaming magkatinginan ay wala. Pwera na lang nung bigla siyang kabahan kanina.
Tapos na ang flag ceremony at nagsisibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom. Kasabay kong maglakad si Baekhyun as usual papunta sa mga room namin. At kahit anong daldal ng katabi ko, eto ako, di pa rin maka-get over sa encounter namin ng kababata nya kanina.
Gagong Kai to. Parang di kami magkakilala samantalang bestfriend ko nga yung dating bestfriend din niya. Lintek yun ah. Simula nang sumikat dahil sa pagiging atleta nya, nang iwan nalang bigla.
Napailing na lang ako, sabagay, ganun naman ang unspoken rule ng magkaibang standing sa heirarchy ng campus diba: PRETEND YOU DON'T KNOW EACH OTHER, COS YOU WON'T LOOK COOL TOGETHER. Kaso minsan parang pointless din noh? Tulad na lang ng case namin ng kapatid ko---
"miss me, sister?"
pucha ang ganda ng timing niya talaga nga naman.
"anong ginagawa mo ditong punyeta ka?" tanong ko habang nag-fist bump sila ni Baekhyun. Humarap sya sakin, at putangina gusto kong suntukin ang ngisi sa mukha nya.
"Aww come on now, Drea. You don't want your little brother hanging out with your friends here?"
"seryoso ako, Drew. punyeta ka talaga, di ka dapat nandito," sabi ko at akma ko sana siyang babatukan pero nakaiwas siya. "gusto mo bang magka-detention sa first day mo sa SBS, ha? bumalik ka don."
Nakataas ang kilay ko habang tinitingnan sya ng masama sa kanya. subukan nya lang mag-cutting kung gusto niyang mag-rosaryo ng limang beses sa detention niya, dahil oo, catholic school ang pinapasukan niya. iniikot niya lang ang mata niya.
"Fine. I just stopped by to remind you that Dad has a meeting this afternoon and I'll be the one to take you to—"
Bago pa man maituloy ni Drew ang sinasabi niya at masabi ng di sinasadya kay Baekhyun ang kundisyon ko, tinakpan ko na kaagad ang madaldal na bibig niya.
"ang aga-aga ang lakas ng bunganga mo, sige intayin kita sa bleachers mamaya," sabi ko sakanya at lumapit para may ibulong sa tenga niya. "di pa alam ni Baekhyun gago punyeta ka talaga."
Nginitian ko sya ng mapait saka tinggal ang kamay ko.
"You still haven't—"
Pinanlakihan ko siya ng mata saka inakbayan si Baekhyun na siya namang abala kapipindot sa phone niya. Nakuha naman niya ang gusto kong iparating at ngumiwi na lang.
"My bad, sis. See ya later."
Matapos niyang sabihin yon ay kaagad na siyang tumakbo at humarurot papasok sa katapat na school. Kahit naman kasi nakakainis paminsan minsan si Drew, mas responsable pa sa pag-aaral yun sakin. Ewan ko ba kung bakit sobrang taliwas ang ugali namin sa isa't isa. Kung anong ikinasungit at unsociable ko, siya namang ikinagaslaw at ikina-bibo ng kakambal ko. Pero kahit na ganoon, maaasahan pa rin namin ang isa't isa kung tawagin man ng sitwasyon.
Naglakad na kami uli ni Baekhyun papuntang homeroom. May mangilan-ngilang schoolmates na nangamusta at bumati, pero tinatanguan ko lang sila at diretso pa din sa paglalakad. Sawang-sawa na ko sa pag-tolerate sa mga ugali ng mga tao na kakausapin ka lang sa tuwing may kailangan sila. Nanggagago lang din naman madalas yung iba.
Sinanggi ni Baekhyun ang balikat ko bigla, napatinging ako sakanya.
"hoy," sabi niya na salamat kay lord ay inilihis na ang tingin niya sa telepono nya. "umalis na si Drew?"
BINABASA MO ANG
PAASA 101 // Chanbaek ft Kaisoo
Fanfiction"Sa lahat ng umasa, ako na ang pinaka tanga. Biruin mo ba namang mahulog ako sa isang kaibigan na may pagtingin sa iba? At ang masaklap pa, ngayong nadudurog ang puso ko sa bawat iniwan mong alaala, wala man lang akong kaide-ideya kung sino ka." ...