Chapter 1
It's been a month... simula nung iwan nya ako. Buan na ang lumipas eh, pero bakit hanggang ngayon damang dama ko pa din 'yung sakit? Bakit hanggang ngayon naririnig ko pa din sa isip ko kung paano nya tapusin ang lahat? Bakit pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat?
Bakit hanggang ngayon sobra sobra pa din akong nasasaktan?
"Ga..." hindi ko nilingon kung sino man ang tumawag sa akin.
"Ga, mag didinner na tayo." Dagdag nya.
"Wala akong ganang kumain, lumabas ka na." Sabi ko sa kanya
"Ga naman! Hindi ka na nga kumain ng almusal, miski tanghalian! Ni-hindi ka nga lumalabas ng kwarto mo. Tama na 'to." Dahan dahan akong tumingin sa kanya na naka-upo na din pala sa kama ko.
Kitang kita ko yung awa sa mga mata nya. Na aawa sya sa akin. Hindi ko kailangan ng awa nya, o awa ng buong pamilya ko. Dahil kahit ako pa lang, sobrang awa na yung na ibibigay ko para sa sarili ko.
"Ghalia... please... kalimutan mo na lang sya." Dagdag nya.
At heto na naman, nag simula na namang pumatak ang mga luha ko. Kailan ba kayo mauubos? Pagod na pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na ako sa sitwasyon ko. Pagod na pagod na ako sa mga nararamdaman ko. Pagod na pagod na akong maramdaman yung sakit.
Pero bakit ganito?
Bakit ayaw huminto? Bakit ayaw tumigil?
Tinitigan ko si Bea sa mga mata nya. Gusto kong sabihin sa kanya na, 'Paano ba kasi!? Paano ko ba dapat kalimutan yung hayop na lalaking 'yon!? Yung lalaking sobrang minahal ko! Minahal ko lang naman ng sampung taon! Sampung taon syang naging parte ng buhay ko! Tapos pakikiusapan nyo ko na kalimutan sya sa loob ng isang buan!? Sana nga, ganon na lang kadali!'
Na pailing na lang ako ng dahan dahan. "Hi-hindi ko... kaya." Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko, at na pahawak sa may dibdib ko kung saan nakalagay ang puso ko.
"Ang sakit pa din kasi! T-ngina mahal ko pa eh! Sobrang mahal ko pa!" Hindi ko alam kung anong klaseng emosyon ang bumalot sa boses ko. Galet? Galet kasi nakakainis, sinaktan na nga ako ng paulit ulit, na gagawa ko pa ding mahalin ng sobra!
Hinawakan ni Bea ang magkabilaang pisngi ko at pilit akong pinapatingin sa mga mata nya.
"Bestfriend mo ko diba? Ano pang silbi ko sa buhay mo? Silbi namin ng buong pamilya mo? Nandito kami, Ga. Nandito kami para tulungan kang kalimutan sya." Namumuo na din ang mga luha nya sa mga mata nya.
Pag katapos nyang sabihin iyon ay niyakap na lang nya ako.
Flashback...
'Hiwalay na ba kayo ni James? Kailan pa? Matagal na ba? I saw him kasi a while ago sa hospital, may kasama syang buntis na girl. Sobrang ingat nga sya don sa babae eh.'
'Dude, makipag hiwalay ka na kay Ghalia! Wag mong hintayin na malaman nyang engaged ka na pala matagal na, at magkakaanak ka pa!'
'Hi Ghalia. Ahm, i feel sad kasi break na pala kayo ni James.'
'Kilala mo Si James?' -girl 1
'Oh yeah. Ghalia's boyfriend. Sino ba namang di makakakilala sa kanila? Since first year college tayo eh kilala sila sa buong university.' -girl 2
'Boba! They Broke up.' -girl 1
'What!? When!? The f-ck, why!?' -girl 2
'Actaully i really don't know what happened. Pero you know what, may bago na si James.' -girl 1
'Seriously?' -girl 2
'Yep. Actually magiging ama na sya.' -girl 1
'Ga ano ba!? Nakita ng dalawang mata ko! May kasama syang babae! At yung kasama nya pang babae... buntis!'
Pinunasan ko ang mga luha ko kahit na wala pa rin namang silbi, patuloy pa rin kasi sa pag buhos. Wala na akong pake kung nag oover speed na ba ako sa pag mamaneho ko, kailangan ko syang makita ngayon.
*Buzzz* Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag, ng makita ko na si Bea ang tumatawag ay hindi ko na lang iyon pinansin.
Pagkarating na pagkarating ko sa parking lot ng condo building na tinitirhan ngayon ni James ay agad akong bumaba sa kotse ko. Nilibot ko muna ang mga mata ko, hinahanap kung nandito ba ang kotse ni James.
Ng makita ko na nandito nga, agad akong nag lakad papasok sa loob. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko. Hindi na ako pinigilan ng mga guard na pumasok sa loob dahil kilala naman na nila ako. Binati pa nga ako ng mga ito kahit na makikita mong nag tataka sila kung bakit ganito ang itsura ko.
Agad akong pumasok sa elevator, na nginginig ang kamay ko ng i-press ko ang number ng floor kung saan ang condo unit ni James.
'Think positive ka lang Ghalia... hindi 'yon totoo. Walang babae si James... ako lang mahal non. Ikaw lang ang mahal ni James.' Pilit na sinasabi ko sa isipan ko.
-----------------------------------------X
BINABASA MO ANG
Our Happy Ending (Short Story)
Novela JuvenilMay Pinaiyak. Umiyak. May Sinaktan. Nasaktan. Nang Iwan. Iniwanan. Pinag Mukhang Tanga. Nag Pakatanga. Binitawan at Bumitaw.