Chapter 5
Nag lakad agad ako papunta ng banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa whole body mirror dito sa banyo ko. Ipinony ko ang buhok ko. At dahan dahan kong hinubad ang lahat ng damit ko, except sa bra and panty ko.
Dahan dahan kong hinaplos ang leeg ko. At agad na nag flashback sa isipan ko kung paano ako pinapasaya noon ni James tuwing gabi. Kung paano nya ako palaging minamarkahan para malaman ng iba na kanya lang ako.
At nag simula na namang tumulo ang luha ko.
Dahan dahan kong hinaplos ang buong braso ko. Katulad ng pag haplos nya sa akin noon.
"Palayain mo na ako... palayain na natin ang isa't isa. Ghalia... I'm really really sorry. Tama na 'to." Narinig ko muli ang huli nyang sinabi sa akin noon.
Palayain mo na ako.
Palayain na natin ang isa't isa.
Tama na 'to.
"Siguro panahon na para gumawa na ako ng mga hakbang... hakbang para unti unti kong mapalaya ang lahat ng nararamdama ko ngayon." Sabi ko na tila kinakausap ko ang sarili ko sa salamin.
Inabot ako ng ilang oras sa pag liligo. Nag babakasakali na maalis ng sabon o pag babad sa sabon ang mga na iwang ala-ala nya sa katawan ko. Pero alam kong hindi mangyayare iyon.
Ng matapos akong mag bihis--simpleng kasuotan lang. Puting T-shirt, maong na short at sapatos lang ay ok na. Habang nag susuklay ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Ga?" Pagtataka ni Bea ng makapasok sya.
"Na gawa mong maligo?" Halatang na bigla sya. Sa loob kasi ng isang buan, sya talaga mismo ang nag papaligo sa akin. Dahil nga halos hindi ko na alam ang mga nangyayare sa paligid ko.
Pinilit ko na lang ngumiti. Magandang simula na rin ito, sasanayan ko uli ang sarili ko na ngumiti.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya. Kinuha ko na ang bag ko at humarap sa kanya.
"Kailangan kong huminga pa ng maluwag." Simpleng sagot ko sa kanya.
"Ga nam--"
"Wag kang mag alala babalik ako mamaya... sasabay akong kumain sa inyo sa dinner." Putol ko agad sa kanya.
Agad nya akong niyakap. "Miss na miss ko na yung bestfriend kong baliw." Bulong nya. Niyakap ko din sya pabalik.
"Babalik din sya, medyo matatagalan... pero babalik sya." Sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang mangyare ay ang maarawan naman na ang balat ko. Makalanghap ng preskong hangin--totoong hangin. Makakita ng ibang tao. At mailakad naman na uli ang paa ko.
Dahil simula ng iwan nya ako--huminto halos ang pag ikot ng mundo ko. At pakiramdam ko ay hindi ko na alam kung paano mamuhay muli. Oo ang weird. Dahil nung hindi ko pa naman sya kilala ay naging maganda naman ang takbo ng buhay ko.
Pero once kasi na maranasan mong mag mahal ng sobra at mahalin ng sobra, makakalimutan mong mamuhay mag isa. Dahil ang na sa isipan mo lang ay mamuhay ng masaya kasama sya.
After 2 years...
Nag mamadali akong pumunta sa church kung saan gaganapin ang kasal. Hindi ako imbetado at wala din naman akong balak mang gulo, gusto ko lang makita kahit kaunti kung anong mangyayari sa kasal nya... nila.
Dalawang taon na ang lumipas simula ng matapos ang sampung taong pagmamahalan. Akala ko nung nanganak na si Trisha ay ikakasal na sila, ayun pala ay gusto muna nilang maging dalawang taon ang anak nilang si Jasha bago sila ikasal.
Oo, updated pa din ako sa kanila. Oo, mahal ko pa din sya. Pero wala na akong kahit anong sakit na nararamdaman. Na gawa kong palayain ang galet at sakit na nararamdaman ko noon.
Oo, sobrang hirap. Pero gusto ko eh. Gusto kong tuldukan na yung pag hihirap ko, kaya kinaya kong pakawalan. Hindi sa paraang pakikipag date sa iba, dahil alam ko... na kahit anong pakikipag date ko sa iba kung sya at sya lang din ang maiisip ko wala ding mangyayare at makakasakit lang ako.
Nag hanap ako ng pag kakaabalahan. Nag bakasyon kasama ang bestfriend kong si Bea, upang bumawi dahil sa pag aalaga nya sa akin ng isang buan. At syempre pinriority ko din ang pamilya ko. Pati na din yung kapatid kong lalaki na malapit ng gumraduate ng koleheyo.
At habang ginagawa ko 'yung mga iyon, unti unti kong tinatanggap ang sitwasyon.
Hanggang sa isang araw na gising na lang ako na ok na ako, na wala ng bigat sa dibdib ko, yung di na sumisikip ang pakiramdam ko. Magaan na ang pag takbo ng araw-araw ko.
Siguro nga mahal ko pa sya at mananatili sya sa puso ko. Pero kontento na ako don. Na mahal ko sya. Kahit na masaya na sya ngayon sa buhay nya na wala ako.
Salamat na din sa Panginoon... na hindi ako pinapabayaan. At binigyan nya ng lakas ang bestfriend at pamilya ko noong mga panahon na sila ang nag papalakas sa akin.
Ngayon kaya ko ng ngumiti ng totoo. Kaya ko ng maging masaya kahit wala sya sa tabi ko. Eto na nga siguro yung ending ng storya nating dalawa. At tanggap ko naman iyon ng buong puso. Ngayon... kaya ko na silang pag masdan na masayang mag kasama. At kaya ko na ring sabihin na...
"Sobrang masaya ako para sa relasyon nyo ngayon."
-----------------------------------------------------X
A/N: Maraming salamat ho sa pag babasa. Thank you soooooo much for the support. :* -xxsiang
BINABASA MO ANG
Our Happy Ending (Short Story)
Fiksi RemajaMay Pinaiyak. Umiyak. May Sinaktan. Nasaktan. Nang Iwan. Iniwanan. Pinag Mukhang Tanga. Nag Pakatanga. Binitawan at Bumitaw.