Chapter 2
Sumirado na ang dalawang palad ko dahil sa sobrang panginginig ng dalawang kamay ko. Hindi ko na pinupunasan ang basa kong mukha, ayaw rin naman kasi talagang huminto sa pag buhos ng mga luha ko eh.
Wala pa naman Ga eh. Hindi naman totoo ang mga narinig mo mula nung isang araw eh. Yung sinabi ni Bea kanina? Binibiro ka lang non. Bestfriend mo yun eh... di ka non sasaktan. At hindi yon mag sisinungaling sayo.
Pilit kong di pinapaniwalaan ang mga narinig ko. Ayaw kong maniwala. Sampung taon eh. Sampung taon ko syang minahal ng sobra sobra. Sampung taon-- halos sya na ang naging kaluluwa ko. Kaya hindi nila magagawang ipaniwala ako na engaged si James--na engaged sa iba ang mahal ko.
At... magiging ama sya? Tsk. Kalokohan!
Halos sa condo unit na nya ako nakatira, o minsan sa condo na binili naming dalawa. Dahil kahit hindi kami engaged o hindi pa kami kasal... alam ko na doon din naman kami darating.
Malalim na yung merong kami. Kaya hindi 'yon basta basta masisira. Hindi 'yon basta basta mawawala. Hindi ako papayag!
Ng tumunog na ang elevator, senyales na nandito na nga ako sa floor kung saan ang condo unit nya--eh agad akong lumabas. Katulad ng ginawa ko kanina, lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad sa unit nya.
Ng makarating ako sa tapat mismo ng pinto ng unit nya, damang dama ko na yung panghihina ng tuhod ko. Na kahit anong oras pwede na akong maupo sa sahig dahil hindi na kaya ng mga paa ko.
"Think positive Ga." Bulong ko sa sarili ko.
Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. At tsaka sinimulang ilagay ang code ng unit nya, at nag dadasal na sana ganon pa din. Ng makita kong ayon pa rin nga ang code, ay dahan dahan kong binuksan yung pinto.
Ng makapasok ako, narinig ko agad ang tawa nya. Dahan dahan akong nag lakad papunta ng sala nya, at na pahawak agad ako sa pader ng makita kong... totoo nga.
Naka-upo silang dalawa sa sofa. Naka-akbay ang James ko sa babaeng 'yon. Parang sirang gripo ang pag buhos ng mga luha ko.
"Honey na iihi ako." Rinig kong sabi nung babae. Nilingon ng James ko 'yung babae, hinalikan nya muna ang gilid ng ulo nito bago alalayan 'yung babae sa pag tayo.
Pag harap nila sa may direksyo ko ay halos mabitiwan ng James ko yung babae dahil sa gulat.
"G-ghalia..." rinig kong tawag ng James ko sa pangalan ko. Hindi ko sya tinignan, dahil nakatitig lang ako sa napaka-umbok na tyan nung babae.
'Hindi nya 'yan anak Ga... pag paliwanagin mo muna sya!' Pilit na sinasabi ng isipan at puso ko.
"Ghalia I'm sorry..." Rinig ko ulit na sabi nya, this time tumingin na ako sa kanya.
"G-ghalia?" Pagtataka ko, hindi pa rin humihinto ang pag buhos ng mga luha ko.
Hindi nya ako tinatawag sa pangalan kong 'yon, sa loob ng sampung taon!? Hindi nya ako tinawag sa pangalan kong 'yon. Dahil nangako sya sa akin... na once na tatawagin nya ako sa pangalan ko... ibig sabihin lang non ay hindi na nya ako mahal.
'Wag kang mag alala Love, dahil habang buhay kitang mamahalin. Kaya halos makakalimutan ko na ang pangalan mo!' Narinig ko na lang bigla sa isip ko yung sinabi nyang 'yon.
"I'm really sorry." Sabi ulit nya.
Pinilit kong ngumit, pilit na pilit na ngiti. Dahan dahan kong itinuro yung babae, habang naka-pilit pa rin na ngiti. "Si-sino sya? Pi-pinsan m-mo?" Sige lang Ga... mag pakatanga ka lang. Sohrang mahal mo diba.
Hindi ko na hinintay na sumagot ang James ko dahil mabilis akong nag lakad papunta sa harapan nong babae. Inalok ko agad yung kanang kamay ko sa kanya, "H-hi. I'm Ghalia Evanghilista,soon to be Ghalia Evanghilista Haymorie. 10 years na kaming mag kasama, actually yung 6 years eh iisa na kami ng tinitirhan. You are? Pins--"
"Ghalia!" Na putol ang sasabihin ko ng hawakan ako ng James ko at medyo inilayo sa iniisip ko na pinsan nya.
"Ba-bakit? Love... kilala ko na lahat ng relatives mo! Well... except sa kany--"
"Oo, dahil hindi ko sya pinsan!" Pinutol na naman nya ang sasabihin ko.
Pinunasan ko saglit ang tumakas na naman na luha ko.
"Ah! S-so ikaw yung girlfriend ni Marcus?"
"Ghalia ano ba!" Na papikit agad ako ng marinig ko ang sigaw ng James ko.
Pag mamay-ari ko pa rin sya! Ipaglalaban ko 'yun.
BINABASA MO ANG
Our Happy Ending (Short Story)
Ficção AdolescenteMay Pinaiyak. Umiyak. May Sinaktan. Nasaktan. Nang Iwan. Iniwanan. Pinag Mukhang Tanga. Nag Pakatanga. Binitawan at Bumitaw.