"Anong kukunin mong course?" Tanong ng mga classmate ko sa'kin apat na araw mula sa graduation day.
"Accountancy." Maikli kong sagot.
"Parang sa Ate mo?"
"Yep." Pagsang-ayon ko sa sinabi nila. "Ayaw mo bang kumuha ng iba?" Tanong naman sa'kin ng bestfriend kong si Gretchen. "Ewan. Wala rin kasi akong plano para sa college ko e." Sagot ko sakanya.
"Kaya kukunin mo nalang yung gustong ipakuha sa'yo ng family mo?" Tumango ako bilang sagot. Pero hindi naman kasi ganoon katotoo yung mga sinasabi ko. I wanted to pursue a different course. I wanted to be different from the rest of them.
In my family, if you weren't a CPA, then you should be an Engineer. But I wanted to be an Architect. The thing is, I've always never been sure with my decisions. Lagi akong half-hearted. I'm indecisive. Although I know that if I tell my Mom and my sister about what I really want, they will support me no matter what and they wouldn't get in my way.
But I have already a mind set. I will pursue Accountancy just like what my sister and Mom wanted me to. Why? Because I feel like I should. It feels like a responsibility for me.
My whole life, I was always regarded as a disappointment. Oo nga't nakakahabol ako sa honors kahit wala akong review dahil tamad ako mag-aral pero feeling ko kasi, this time, I need to give my best and make them proud of me.
Kaya naman without even having second thoughts, I took the entrance exam in the Top 6 Accountancy school in the whole Philippines para subukan kung makakapasok nga ba ako.
It's hard to be a part of the Accountancy program sa school na 'to. Dahil out of thousands of takers, only one hundred mahigit ang nakakapasa sa required average sa kursong 'yon.
"Paano kung hindi pumasa yung average mo?" Tanong ulit ng bestfriend ko.
"Wow, Gretch ha! Ang supportive mo! Hindi ba pwedeng pa-lift nalang ako ng self-esteem at pakisabi sa'kin na papasa ako?" Sarcastic kong sagot sa matalik kong kaibigan. "Gaga! I'm just being realistic! May bilib naman ako sa'yo e. Kaso nga diba, there will be times wherein the least you are expecting e yun pa yung mangyayari sa'yo." Sabi niya and I get her point.
Feeling ko rin kasi hindi ako makakapasok sa kursong yun e. Hindi naman ako ganon katalino para maging parte ng Accountancy. Kaya dapat may back up plan nga talaga ako. "So ano nga?" Tanong ulit ni Gretch.
"E di kukuha ako ng Engineering. O kaya Architecture." Sabi ko sakanya.
"Naks naman. Gusto ko yan! Engineer Alyssa C. Valdez or Architect Alyssa Valdez! Bongga!" Sabi niya at hinampas pa ako sa balikat. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Parang mas maganda yata kung, 'Alyssa C. Valdez, CPA' no?" Nakangiti kong tanong sakanya. "Whatever. Maganda naman lahat." Sabi niya.
"Maganda rin naman 'yung Gretchen Ho, M.D. ha!" Sabi ko sakanya at nag-apir pa kami.
Dumaan na ang graduation pero hanggang ngayon wala pa ring resulta sa entrance exam. Si Gretch ay nakapasa sa Entrance Exam ng pupuntahan niyang University sa Baguio para sa pre-Med course na kukunin niya, Medical Laboratory Science.
"Ano ba 'yan. Ang tagal naman ng result. Nakakaloka mag-hintay." Reklamo ko sa mga kaibigan namin. Sa aming buong batch ay lima lang yata kaming kumuha ng Accountancy. Ako, yung Valedictorian at Salutatorian naming sina Kiefer at Jem tapos may dalawa pa. "Hayaan mo kasing lumipas ang oras, bakla. Kapag naghihintay ka, mas lalong bumabagal." Sabi ni Kiefer na bestfriend ko din naman habang nag-aayos ng lip balm sa labi niya. May date raw kasi siya mamaya kasama yung boyfriend niya. Nasa bahay kami ngayon nina Gretch, dito kami laging tumatambay kapag nagbabonding kami. "Pffft. Buti kasi sainyo pwede na kayong mag-enroll ni Jem. Bakit kasi kailangang sa ibang school pa kayo? Pwede naman sa Vigan na lang tayong tatlo para happy squad pa rin ha?" Tanong ko sakanilang dalawa. Tumango-tango naman si Gretch bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "Hay nako, sis. Ang init sa Vigan! Tingnan mo nga, sunog na sunog na nga ako mas lalo mo pa akong susunugin, bakla ka." Sagot ni Kief sakin na dahilan naman ng pagtawa naming magkakasama.
"Wow! As if namang hindi mainit sa La Union!" Sabi ko sakanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Ang landi talaga ng taong 'to kahit kailan e.
"E ikaw, Jem? Sama ka nalang sakin sa Vigan please?"
"Sa Baguio kasi talaga ang gusto ko e. Tsaka ready na lahat para sa'kin dun." Mahinahong sagot ni Jem. Magkakasama sila nina Gretch at Dzi na kukuhang Pharmacy sa Baguio. Tapos ako lang talaga ang nahiwalay sa kanila. "Kaya mo yan. Sus." Sabi ni Dzi tsaka ako hinampas sa balikat. Brutal lang talaga siya.
Mayo na pero hanggang ngayon wala pa ring result. Nakaupo ako sa kama ko habang nagdodrawing ng portrait ni Jesus Christ na pinapagawa sa'kin ni Mama. I was in the middle of fixing the fine lines in His hair ng biglang sumigaw si Mama mula sa sala. "Alyssa!"
"Po?" Sigaw ko pabalik. "Halika dito! Bilisan mo!" Sabi niya kaya naman nagmadali akong lumabas ng kwarto. Baka kasi kapag diko agad ginawa e mag-ala dragon pa siya. "Ano yun, Ma?" Tanong ko sakanya.
Pinakita niya sa'kin ang envelope na may nakalagay na pangalan ko at pangalan ng school na gusto kong pasukan.
"Alyssa C. Valdez
From: Univesity of Northern Philippines" sabi nung letter.
The letter was already opened, para mas madali ko nalang makuha yung papel sa loob. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang papel at binuklat ng dahan-dahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko tapos yung mga kamay ko namamawis na talaga.
Hindi ko alam kung ano ba ang ineexpect ko, paano kung hindi ako nakapasok? Sana naman nakapasa ako.
Hindi ko na binasa lahat ng nasa liham. Ang nakita ko lang talaga ay yung naka Bold at Underline na entrance rate at yung 'Congratulations!'
85 percent
Hindi man siya ganon kataas pero okay na rin 'yon para sa isang taong basta basta nalang pumunta sa school at nag-exam ng wala ni kakarampot na review. Hindi rin naman kasi ako nageexpect ng mataas na percentage average, dahil hindi naman ganoon kataas ang tingin ko sa sarili ko. Ang importante lang sa'kin ngayon ay nakapasa ako kahit na yung minimum average lang ang nakuha ko. Ngumiti lang ako at nakahinga ng maluwag. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na tatalon-talon at magsisisigaw. Hindi ako ganon ka-showy sa mga nararamdaman ko.
"Well?" Sabi ni Mama at ngumiti ako sakanya. "I guess I'll be in Accountancy. I got in." Sabi ko kay Mama.
Niyakap ako ni Mama and tapped me on my back but I didn't return the tightness of the hug. Nagulat kasi ako dahil hindi naman ganun si Mama. Ramdam ko ang saya sakanya. "I'm sorry I got only 85%." Sabi ko sakanya. "No. It's okay. I'm sure you'll get in. You've got 93% weighted average last term right?" Sabi ni Mama at ngumiti. Tumango ako at ngumiti pabalik.
"Nail that interview next week." Sabi niya at tumalikod na para ipagpatuloy yung mga inuwi niyang papers mula sa office nila.
Tiningnan ko ulit yung papel na hawak-hawak ko at yung numerong nakasulat doon. Alam kong wala ng silbi sa College ang High School grades. Kakayanin ko 'to. Sabi ko sa sarili ko. Pero di ko pa rin talaga maiwasang isipin, "Panginoon, ito po ba talaga ang balak niyo sa'kin? O may iba pa? Ginagawa ko po ba ang gusto niyong mangyari?"
Pero wala na kong ibang panahon pang natitira para aksayahin. I chose this and I will succeed.
BINABASA MO ANG
Try Hard(ON HOLD)
FanfictionAccountancy Golden Rule: NEVER ASSUME UNLESS OTHERWISE STATED Alyssa Valdez and Dennise Lazaro in the world of Debit and Credit. A journey to balancing both sides. If we are Accounting, are we the right Journal Entry with the right explanation? Are...