Two: Kings and Queens of the Campus

1.6K 55 5
                                    


Alyssa's POV

Tatlong araw mula ngayon, pasukan na. Bukas, maglilipat na kami ng gamit sa mga tutuluyan naming dorms.

Hindi pa rin ako mapakali. My sister gave me Basic Accounting books para raw basahin ko na. Mag-advance reading na raw ako.

Tangina! Feel na feel ko na ang pressure dre!

Nag-aayos ako ng mga gamit ko para sa paglilipat bukas ng pumasok si Mama sa room ko. "Nandyan na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong niya sa'kin.

"Opo, Ma."

Umupo siya sa tabi ko at tinulungan akong magtupi at mag-ayos ng mga damit ko sa maleta. 'Yon na lang kasi ang mga hindi ko pa naaayos.

Tahimik lang kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Mama. Nasa ibang mundo ang isip ko.

"Aly." Tawag niya sa atensyon ko.

Hindi ko man lang namalayan na natapos na pala siyang magtupi ng mga damit ko at nakasara na rin ang maletang dadalhin ko.

"Po?"

Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan ng maigi sa mata. "'Nak, tandaan mo. Isang beses lang ang sakripisyo." Paalala niya sa akin.

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko at tinanong siya.

"What do you mean, Ma?"

"Mag-aral kang mabuti. Alam kong madali kang nadidistract. Learn to discipline yourself." Tumango ako.

Naiintindihan ko naman e. Tama rin naman si Mama. Mas maganda kung isang beses lang ang sakripisyo. "Ma, paano po kung hindi ko pala kaya ang Accountancy?" Tanong ko sakanya.

Hindi siya agad sumagot. Nilayo niya ang tingin sa'kin at tumingin sa litrato ng Ate kong nakasabit rin sa loob ng kwarto ko. "Kaya mo. Isipin mong kaya mo." Sambit niya at tumingin sa'kin para ngumiti.

Niyakap niya ako para sabihing okay lang ang lahat. Bigla kong namiss si Papa. Kung buhay pa kaya siya, ito rin kaya ang gusto niyang mangyari para sa'kin?

Kung buhay pa kaya siya, sasabihin niyang, "Ly, kahit anong mangyari tandaan mong proud pa rin si Papa sa'yo." Napaiyak ako sa ideyang wala na talaga siya.

Hinigpitan ko ang yakap kay Mama kahit na hindi naman ako ganito. Namimiss ko si Papa, namimiss ko ang mga tawa niyang kasing lakas ng kulog. Ang mga ngiti niyang parang crystal sa tingkad. Namimiss ko ang mga biro niya. Namimiss ko ang mukha niyang unti-unti nang naglalaho at lumalabo sa mga ala-ala ko dahil sa paglipas ng panahon.

"Kakayanin ko po. Para sainyo." Sabi ko kay Mama. Naramdaman ko ang paghalik nito sa noo ko at tumayo na.

Hapon na ng lumuwas kaming tatlo nina Mama at Kuya papuntang Vigan. Umuwi na si Ate sa Maynila dahil may trabaho siya.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at dumungaw sa mga bahay at daan na tinatahak namin.

Ano kaya ang magiging buhay ko doon? May mga magiging kaibigan rin kaya ako? Iniisip ko pa lang kung ano ang magiging buhay ko ngayong college, nararamdaman ko na ang mga paru-paru sa tiyan ko. Para akong masusuka at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ninenerbyos talaga ako.

I will be staying in a dormitory with my brother. Nag-aaral din kasi siya doon ng I.T. at nasa third year palang siya. Ngayon palang, gusto ko na agad umuwi sa bahay namin. Sigurado akong mahohomesick ako.

Although sanay naman akong mag-isa sa bahay dahil palaging out of town si Mama para sa mga conference at seminars, hinahanap-hanap pa rin ng sistema ko ang environment na kinalakihan ko.

Try Hard(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon