Alyssa's POVTwo months of Accounting class is killing me.
There are lots of standards to take note of. Plus, highlighting important details does not even help because you'll end up highlighting the whole damn book!
Madali pa naman siya. Journal entries palang naman.
Assets = Liabilities + Equities
'Yan ang foundation ng lahat ng mga ginagawa namin.
"Debit must always be equal to Credit."
Wala na akong ginawa kundi ang magbasa ng magbasa. Araw-araw nalang na may assignment. Pero siyempre minsan, tinatamad din naman ako.
"Psssst. Besh!" Tawag ko kay Ella sa may harapang row. We were arranged alphabetically kaya ayun, nagkaroon kami ng long distance relationship. Lol.
"Ano?" Sagot naman niya.
"May assignment ka ba? Pakopya ako." Tumawa naman ito at tsaka umiling-iling. Tinaas niya ang papel niya at pinakitang pati pala siya ay nangongopya lang. May kahirapan pa kasi para sa'min ang lesson dahil hindi ko mabalance yung bwisit na Trial Balance para sa mga accounts ng business.
"Seryoso?!" Tumawa rin ako dahil sa nakita ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa classroom at lahat sila ay busy din sa pangongopya.
Maliban sa isa.
Aba naman si Lazaro. Nasabi ko nalang sa isip ko. Tumingin siya sa likod at naabutan akong nakatingin sakanya kaya naman mabilis kong nilipat ang paningin ko sa iba.
Nakakahiya 'yun ha. Sabi ko na naman sa sarili ko.
Nasa may pinakalikod akong bahagi ng room. Nakaupo lang ako at nakayuko ng may maramdaman akong nakatayo sa harapan ko at may nilagay siyang papel sa harapan ko. Kaninong penmanship 'to? Tanong ko sa sarili ko.
Nagulat ako ng makita ko ang pangalang nakasulat sa taas ng papel.
Lazaro, Dennise Michelle G. BSA 1A
"What the. . ." Napatingin ako sa taong nasa harapan ko and she gave me a small smirk. "Make it quick, Valdez." Sabi niya at tsaka umupo sa tabi ko.
I didn't answer her and proceeded to copying her answers. Ng matapos na ako ay binigay ko sakanya ang papel and smiled.
"Thanks."
"Sure." Sagot niya at bumalik na sa upuan niya.
The two hours class passed and I kept on looking on Dennise who's serious sa pag-answer sa mga binigay na seatwork ni Professor Rendon.
Nakaupo lang ako sa upuan ko hanggang makalabas na lahat ng kaklase ko. Lumapit si Ella sakin at tsaka hinila na ako palabas ng classroom.
"Kanino ka kumopya ng assignment?" Nagtataka niyang tanong sa'kin. "Kay Dennise." I simply answered.
"Really? E never ko pa kaya kayong nakitang nag-usap." I shrugged.
"Maybe she's just too kind to give me her answers." She nodded na lang as if saying okay.
"Ly!" Biglang may tumawag sa'kin mula sa may hagdan pababa ng students' lounge. Nagulat nalang ako ng makita ko kung sino 'yon. "Dennise?"
Naglakad siya palapit sa'kin at tsaka may inabot na panyo. "I think sa'yo to. Nakita ko sa ilalim ng upuan mo."
Kinuha ko ang panyo at ngumiti sakanya. "Salamat." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo sa amin. Nakita ko namang mag-isa lang siya. Wala ring naghihintay sakanya sa likod. Saan kaya nagpunta yung mga kasama nito? "Umm, Dennise!" Tawag ko ulit sakanya. Lumingon siya sa'kin ng mabilis. "Yeah?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Try Hard(ON HOLD)
FanfictionAccountancy Golden Rule: NEVER ASSUME UNLESS OTHERWISE STATED Alyssa Valdez and Dennise Lazaro in the world of Debit and Credit. A journey to balancing both sides. If we are Accounting, are we the right Journal Entry with the right explanation? Are...