II

9 2 0
                                    

Story by sanityxxstealer
×××××

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa kawalan.Tuyo na ang aking pisngi ngunit bakas pa rin ang aking pag-iyak kanina. Pinanatili kong mulat ang aking mga mata hanggang sa narinig ko ang siren ng ambulansya.

Kitang kita ang kanilang pagmamadali na ilabas kami ng sasakyan. Hindi ko na maramdaman ang paligid. Tutok lang ang aking paningin sa aking asawa na hindi na gumagalaw. nakita kong inilagay siya sa stretcher ng may pagmamadali. Inenspeksyon siya ng humigit kumulang tatlong katao.

Nahigit ko ang aking hininga at tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang nakita kong iling ang ginawa ng isang medic na hawak-hawak ang palapulsuhan ni Louie.

Hindi. Hindi maari ito. Paano na ako.

×××××

"Shit! Ba't ang liwanag? I always make sure that the thick curtains of my veranda is in its right place. " I murmured with a hoarse voice. Itinalukbong ko agad ang aking sarili at dali-daling tinakpan ang mukha ng unan. As I breath, naamoy ka ang isang panlalaking amoy na nagsusumigaw ng salitang masculinit--Wait, What? Bakit may panlalaking pabango dito sa kwarto ko. Agad akong bumalikwas ng bangon at iginala ang aking paningin sa paligid.

"Good afternoon Sleeping beauty." A man greated me with a jaw dropping smile. Dahil sa mala toothpaste commercial niyang ngisi, mas nabigyang-atensyong ang kanyang malalalim na biloy.

Napaawang ang labi ko sa lalaking nakatayo sa harap ng kamang kinahihigaan ko. Hindi dahil sa gwapo siya o anuman kundi dahil sa pamilyar na mga mata at labi niya lalong lalo na pag ngumingiti. Those smiles. Those stares.

Louie.

Kumabog ng husto ang dibdib ko sa nakikita. I cannot be mistaken. Nag-uunahang tumulo ang aking mga luha. Natatakot akong kumurap dahil baka sa isang kisapmata ay mawala siya bigla sa harap ko. Malamig na namamawis ang aking mga kamay at nuo. Natatakot akong gumalaw at hawakan siya dahil baka tumagos lang sa hangin ang aking haplos.

Louie. My Louie.

Nataranta siya sa aking reaksyon kaya dali-dali niya akong nilapitan at pinatahan. Hinagod-hagod niya ang aking likod upang ako'y mahimasmasan.

"Miss. Miss. Wala akong ginawa sayo. Miss. Tahan na. Hindi talaga kita inaano." pagpapatahan niya sa akin.

"Louie. You're real. My Love." mahinang anas ko habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Mas lumalakas pa ang aking iyak at dali-dali siyang yinakap ng  mahigpit. His body became rigid while I'm hugging him. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon ngunit nangingibabaw ang nag-uumapaw na kasiyahan. He's real, not just an illusion and I'm hugging him now. Akala ko'y hindi 'Niya' dininig ang aking dasal subalit mukhang natagalan lang siya sa pagbibigay ng tugon. Thanks God.

Hinihiwalay niya ang kanyang sarili sa aking mahigpit na yapos at kunot-noong hinarap ako muli.

"Louie? Sorry miss pero mukhang nagkakamali ka. I'm Geom. Geometry Delgado." wika niya habang hawak ako sa dalawang siko ko at hinihiwalay pa rin ang sarili sa akin. My heart shattered into pieces ... again. Hindi pa nakuntento at dinikdik pa ito ng pinung-pino. Ang lahat ng kasiyahang naramdaman ko ay napalis. But then, my hope rises as I stare at his masculine face molded exactly as my husband. No. No. He's lying. Iling ako ng iling habang pinapalis sa aking isipan na hindi siya si Louie. I know deep in my soul that he is my Louie.

"NO! I know you're Louie. Sabihin mo, ikaw si Louie! You're Louie right! Ikaw siya! " Pagdidiin ko sa kanya habang nagpupumiglas sa kanyang hawak para makawala. Umalis ako sa kama at lumapit sa may pintuan bago nagsalita muli.

"YOU ARE MY HUSBAND! Baka --- baka nagka-amnesia o nakalimutan mo lang ako. I DON'T KNOW BUT ONE THING IS FOR SURE. YOU'RE LOUIE! MY LOUIE!"

Then I walk out.

ForlornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon