I

16 3 0
                                    

Story by flamingredflower
(former sanityxxstealer)
×××××

Madilim. Mainit. Masikip.

Pinakiramdaman ko ang aking paligid. Nanglalagkit ang aking katawan. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Mulat na ang aking pandama pero hindi ko pa rin binubuksan ang aking mga mata. Hindi ko maigalaw ang talukap ng aking mga mata. Para akong dinaganan ng isang truck ng lupa sa bigat ng aking katawan. 'Ni ang dulo ng aking mga daliri ay hindi ko magalaw.

'Anong nangyari?'

Kahit hirap ay pinilit kong ialsa ang talukap ng aking mga mata. Nangmamahid ang aking buong katawan. Sa una ay malabo pa ang aking mga nakikita. Sa tulong ng paunti-unting pagkurap ay unti-unti itong lumilinaw.

Kakahuyan. Iyan ang aking unang nakita. Madilim at masukal na kakahuyan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig doon pero sa pamamagitan nito nakaipon ako ng lakas upang gumalaw ng kaunti. Binaling ko ang aking paningin sa aking kaliwang bahagi.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng  masaganang luha galing sa aking mga mata na humalo na sa tagaktak kong pawis at dugo mula sa sugat sa aking sentido. Gusto kong sumigaw. Gusto kong kumilos. Gusto kong umalis sa kinauupuan ko. Pero lahat ng iyon ay hindi ko magawa. I feel hopeless. Parang tinutusok ng sandamakmak na karayom ang puso ko dahil sa aking nakikita.

My husband.

Ang ulo ng aking asawa ay duguang nakapatong sa manibela ng sasakyan. Matatantong grabe ang kanyang pagkakauntog dito dahil masagana pa rin ang dugo sa kanyang sentido. Napansin kong hindi gumagalaw ang kanyang dibdib para man lang huminga.

Mariin kong ipinikit ang aking mata. Paulit-ulit na huminga ng malalim. Namumuhi ako sa nararamdaman ko ngayon. Ang sitwasyong walang magawa kung hindi ang maghintay ng tulong at huwag mawalan ng pag-asa. Ang pagbabakasakaling magiging maayos din ang lahat pagdatung ng tulong. Samu't saring negatibong emosyon ang nagsisiksikan sa aking kalooban na nagpapasikip ng aking dibdib. Para bang kakaunti nalang ay sasabog na ako sa labis-labis na nararamdaman. Sana isang panaginip lamang 'to. Isang masamang panaginip. Sana. Pero sa sakit na kasalukuyan kong nadadama,pisikal man o emosyonal, hindi ito magiging isang panaginip.

Bakit ako ang napili Niyang makadama ng sakit na ito?

××××××××××

Namamawis ang aking noo dahil sa katahimikan ng aking paligid. Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa aking kama at sinusubukang matulog. Ilang ulit na din akong bumubuntong hininga dahil sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko na gusto kong iwaksi.

Palinga-linga ako sa aking kama. Ang dami ko na nga ring ginawang posisyon subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nang ibaling ko ang aking katawan sa kabilang bahagi ng higaan, my hand unconciously touch the cold satin sheet. Natigil ako sa paggalaw. Dahil sa lamig ng temperatura sa tela ay nakaramdam ako ng kahungkagan. Bumubuka ang butas na nananatili sa puso ko. Sa pagkatao ko. It's spacious, now. It used to be occupied by someone. Not only a 'someone', but a very special someone. My other half.

As I check the clock hanging in the wall, I grimace.

2:00 a.m.

Sinumpa ko ang oras na iyan simula nung----

I want keep my mind occupied when I'm concious that time. Nagmamadali akong magbihis at lumabas ng bahay ko.  I want to forgot.

Ang kirot, ang lungkot, ang paghihirap.

×××××
Nakakabinging tugtog. Agresibong mga napapakasarap. At higit sa lahat sandamakmak na alak.

Ito ang mga naging karamay ko sa lahat ng sakit na pinagdadaanan ko. It makes me forget like no one did even if its only temporary. Nagbibigay ang lugar na ito ng panandaliang pampapamanhid. Nagagawa nitong palisin ang nararamdaman kong unti-unting pumapatay sa akin. Ilang buwan na ba akong ganito?pito? Siyam? I lost count. At wala akong pakialam.

I kept on swaying my hips and accepting drinks from everyone. Kilala na ako ng mga regular bar hoppers dito at yung mga bago o napapadaan lang ay alam kong nangmamata sa akin. They and their accusing eyes. But then, I don't give a shit. Even an ounce of attention. Wala silang alam. Hindi nila alam at hinding hindi nila malalaman ang mga pinagdaanan ko.

Nang tumagal ay  mas naging wild ang mga tao at mas lumakas ang tugtog. Wala sa sariling tumatawa ako habang hawak-hawak ang isang bote ng alak at sumasayak. Matunog na tawa lang din ang aking nailalabas kapag may mararamdaman akong may sumasayaw o humahawak sa akin. Nakaramdam ako ng hilo dahil sa pagsikip ng dance floor kaya napagpasyahan kong lumabas para lumanghap ng sariwang hangin sa labas. Nang nasa labas na ako ay di ko na ginustong bumalik pa sa loob. Dala-dala ko ang bote ng alak sa aking kamay habang binabaybay ang daan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin bukas. Mas pipiliin ko nalang na magpapatay sa mga lasing diyan sa kanto. Sana nga mamatay na nga lang ako. Ang sakit na.

Dinig na dinig ang takong ng aking stiletto sa sementadong kalsada. Napatigil ako sa paglalakad dahil may naramdaman akong natapakan na kung ano.  Isang antigong relo na may kadenang platino. Pinong nakaukit ang mga rumanong pamilang mula 1 hanggang 12. Kumunot ang nuo ko dahil pabaliktad ng andar ang relo. Akin itong pinulot at inilagay sa hidden pocket ng bestidang suot ko. Tumingin tingin ako sa paligid para malaman kung saan na ako napunta. Napagtanto kong nasa harap ako ng malaking simbahan at humaharap sa akin ang malaking krus sa harapan ng simbahan. Mapait akong ngumiti at mas sumilakbo ang poot ng aking kalooban.

Life sucks. People sucks. Love sucks. Cursed everything! My tears fell as I took my last gulp in my drink before losing my sane.

Ang huli ko lang naalala ay ang maingay na tunog ng busina at nakakasilaw na ilaw ng headlights ng isang sasakyan.

---------------------------------
A/n:  how was it?

ForlornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon