V

10 1 0
                                    

Story by sanityxxstealer

×××××



Dalawang linggo na simula noong nag-usap kami ni Geometry Delgado. Hindi rin lingid sa kaalaman kong lumalakap siya ng mga impormasyon para makontak ako pero sinisiguro kong hindi niya ako mahahagilap. Mangungulit at mangungulit lang siya sa tahimik kong pamumuhay ngayon.

Kasalukuyan akong nag-iisip ng mga bagong design ng mansyon na planong idugtong sa bagong patayong subdivision sa QC. I need to create atleast 25 blueprints pero malayu-layo pa naman ang palugit. Sinimulan ko lang ng maaga.

Pisil-pisil ko ang stressball na karugtong ng ballpen na hawak ko habang nagmamasid-masid sa bintana ng aking opisina. Ang gusaling ito ay may tatlumpu't dalawang palapag at nasa pang-dalawampu't siyam ako.

Sabado ngayon ng hapon kaya abala ang mga tao. Nagpasya akong maglakad-lakad muna sa labas nang walang dalang sasakyan. Gusto kong maramdaman na maging normal. Iyong walang iniisip na iba kung hindi paano gagastahin ang sweldo at paano magliliwaliw ngayong weekend.

Bumili ako ng tatlong hersheys sa nadaanan kong mini mart at sinimulan kong kainin ang isa sa daan. Sa tagal kong hindi nakakapagliwaliw ay hindi ko na matandaan kung kailan iyon.

Binabaybay ko ang kahabaan ng Luneta habang nagmamasid sa mga tao. Nandito halos lahat ng antas at uri ng tao. Mapa-bata, matanda, mag-asawa, loner at iba pa. Maulap ang panahon ngayon kaya marami ring taong gumagala.

Umupo ako sa malapit na bleacher nang nakaramdam ako ng pagod at nagmasid-masid ulit. Hinintay kong gumabi para mapagmasdan ang mga bituin. Nasaksihan ko ang paglubog ng araw. Many person found it romantic and beautiful but me, I never appreciate it.

Nadismaya akong walang bituwing nagpakita pagkagat ng dilim. Ilang gabi na itong nangyayari. Ang natatanging bagay na nagpapagaan sa loob ko tuwing gabing mag-isa ako ay hindi nagpapakita sa akin.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa building kung saan naroroon ang sasakyan ko. Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong Ice cream shop. May mga naghahagikhikang mga bata na abot hanggang labas ng shop na iyon. Nang silipin ko iyon galing sa labas, kumpol-kumpol ang mga bata na para bang may kinukuha sa kung sino.

Nakatayo lang ako sa labas habang pinagmamasdan sila. Alam kong kita ako mula sa loob ng ice cream shop na ito dahil salamin lamang ang nakapagitan dito. May batang lalaki ang napalingon sa akin mula sa kumpulan at nahigit ko ang aking hininga nang makita ang kanyang napakalawak na ngiti na halos di na makita ang kanyang mapusyaw na kulay-kapeng mga mata dahil sa paniningkit. Lumabas siya ng shop at marahan akong hinila papasok.

"Ate, hihingi ka rin po? Dali! Dali! Shabado ngayon ng hapon po kashi kaya may libreng aysh cream po si Kuyang may Dimple po. 'Lika po." At nagpatiuna na siya sa unahan pagkatapos niya akong isama sa loob. That kid is adorable. Hindi ko mapigilang mamangha. Gusto kong magkaroon ng ganoon kabibong anak sa hinaharap.

Nakita kong may matipunong lalaki ang nagbibigay ng sorbetes sa mga bata at tuwang tuwa naman sila na kumukuha. Hindi ko nakikita ang sinasabi nilang Kuyang may dimple dahil nakayuko siya at may cap sa ulo. Tipikal ang kanyang suot na polo shirt at faded na pantalon.

Nakaupo lang ako sa isa sa mga silya ng shop at nakikipagharutan sa mga cute na batang ito. Nilalasap ko ang pakiramdam na ito. Ang malayang nakakangiti at walang iniintindi. It feels refreshing. Malapit nang matapos sa pagbibigay ang sorbetero at plano ko na sanang umalis nang mapansin ako ng batang lalaki kanina.

"Kuya Dimple! Kuya Dimple! May hihingi pa po ng aysh cream. Shi Mish prinshesh po." Sigaw niya sa sorbetero kaya napalingon siya sa akin.

Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng aking dibdib lkung saan naroroon ang puso ko. Halos kumawala ang puso ko nang lumingon ang sorbeterong iyon. Halata ring nagulat siya na makita ako rito pero mabilis rin niyang nabawi ang kanyang pagkabigla at malawak na ngumiti. Ayan na naman ang kanyang nakakamatay na mga biloy. Makipas ng humigit tatlumpung segundo ay wala pa ring kumilos sa amin at nanatili pa rin ang aming pagtititigan kaya tinulak-tulak na ako ng mga bata patungo sa kanya.

Napkislot ako nang nagdikit ang aming mga braso at mabilis na gumawa ng distansya. Patawa-tawa naman siya sa mga pinaggagawa ng mga bata. Nakakahalina ang kanyang mga halakhak at napakabango ng kanyang pawis na humalo sa kanyang pabango. Agad kong itinuwid ang aking isipan at iwinawaksi ang mga iniisip.

"Hey hey! Easy lang mga bata. Bibigyan ko na ang Miss Princess niyo." Masigla niyang wika kanila na may kasamang halakhak. Pinagsalok niya ako ng sorbetes at hindi ko pinahalatang nagniningning ang mga mata ko nang makitang tsokolate ang flavor na kanyang pinili para sa akin. Nagdikit ang aming mga kamay nang iabot niya ang ice cream sa akin kaya dumating na naman ang sensasyong iyon. Parang mainit na kuryenteng dumadaloy sa kabuuan ko at pilit na sumasakop sa pagkatao ko. Binawi ko agad ang aking kamay kasama ng pagbawi ko ng aking paningin.

"S-Salamat." Wika ko sa kanya bago nilantakan ang ice cream na hawak ko. Namamawis ang aking noo dahil ramdam kong nakatitig pa rin ang nakakaakit niyang mga mata sa akin. Ang kanyang mga mata. Iba ito kay sa kay Louie. Nahiya naman ako bigla kaya dinahan-dahan ko ang aking pagkain.

"So you like kids huh?" Wika niya nang abala na ang mga bata sa paglalaro. Bakit ba siya lagi ang nakakasama ko sa tuwing pinipili kong hubarin ang 'front' ko bilang matapang at mataray na tao? Bakit ba lagi siyang nandyan kung kailan pinipili kong maging mahina?
Bumuntong hininga ako bago sumagot sa kanya. Wala namang masama kung mag-oopen-up ako ng kaunti hindi ba? "They're just adorable." Wika ko habang tumitingin na mga batang naghahabulan.

"Mga bata sila ng St.Mary's Orphanage. At ang ice cream shop rin na ito ay pinatayo ng pinsan ko noon para sa kanila. Nakakasilaw nga makita ang mga ngiti nila kasi napaka-genuine." Aniya sa tabi ko na nakatingin rin sa mga bata. Nilingon ko siya at nakitang may ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan sila. Kumikislap pa ang mga mata sa tuwa at tumatawa kung kung may makakatawang ginagawa ang mga bata.

"Na-iinggit nga ako bigla kaya naghahahanap ako ng qualified na magiging ina ng mga anak ko eh. At nakikita ko namang pasado ka. So, papayag ka ba?" Nilingon niya ako nang may nanunudyong ngiti at pilyong mga mata kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong akala mo sa akin baboy? Palahian lang, ganoon?" Tumawa lamang siya sa akin kaya mas tinaliman ko ang tingin sa kanya.
"You'll surely enjoy it though-- Pero teka ilang araw na kitang kino-contact. Gusto lang naman kitang makilala. Affected ka masyado, may crush ka sa 'kin ano?" Napaawang ang aking labi dahil sa kapreskuhan niya. P-Paano niya naiisip ang mga ganoong bagay kung ang ginagawa ko lamang ay ang umiwas sa kanya.

"You're hopeless." Tugon ko sa kanya at nagsimula nang umalis. Hahabulin niya pa sana ako subalit hindi niya maiwan ang mga bata doon lalo na't gabi na. Mukhang hindi niya mahagilap ang mga nagbabantay na madre kani-kanina lang.

Pinili kong umuwi sa condo ko matapos noon. Nakahilata lang ako sa sofa at nanonood ng Maleficent sa TV. Tumunog ang doorbell pero pinabayaan ko lamang ito. Hindi ko ugali na magbukas ng pintuan kung wala naman akong inaasahang panauhin. Pero pagdaan ng ilang minuto ay hindi pa rin tumitigil ang pagdo-doorbell kaya naiiritang binuksan ko ang pinto.

Tumambad sa akin ang isang petite na babaeng nakasalamin. Hanggang balikat ang buhok at nasa mga 5'1 ang tangkad. May dala siyang sisidlan na sigurado akong adobo ang laman.

"Ano na naman ngayon, Becca?" Bagot kong tanong sa kanya na ipinapakitang wala akong interes sa kung anumang sadya niya.

"Hello France! Kumain ka na ba ng hapunan? May dala ako ditong ulam para sa iyo. Sana naman tanggapin mo na ito. Sinadya ko talagang lutuin to para sa iyo. Tsaka bisita ka naman sa kabilang unit. Gusto kang makilala ng anak ko." Tuloy-tuloy niyang sabi sa akin na may masiglang boses. i just rolled my eyes to her.

Tinabig ko ang dala niya kaya kumalat ito sa sahig. Nangilid naman ang luha sa mata niya. Hindi naman ako natinag sa kaartehan niya.

"You know what? Hindi ko na kasalanan ang mga pagdadrama mo. Ginusto mo yan. So bear with it."
Kinusot niya naman ang kanyang mata at pilit na ngumiti ulit.

"S-siguro pagod ka lang o h-hindi mo siguro gusto ang adobo. Babalik nalang ako sa susunod." Pinilit ning nililinis ang nasa sahig habang nagsasalita.

"Pero I'll make sure na makakapasok din ako sa binuo mong harang sa sarili mo. Sasaya ka ulit, France. Tulad ng dati." Dagdag niya. Maya-maya pa'y ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin at ngumiti ng malawak na para bang walang nangyari. Nagsimula na siyang bumalik sa unit niya.

Pailing iling kong sinara ang pinto.
That girl is full of hope. At ayaw kong madamay siya sa masaklap kong buhay.

×××××

ForlornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon