Chapter 28: Stay by my side <3

289 10 10
                                    

Oliver's POV

Hello and Good Morning everyone. :) Pero mukhang bad morning si Owy. Nakwento niya na sakin yung nangyari kagabi. Bakit ba kasi ang torpe nito? Well, hindi ko naman siya masisisi e. Mahirap maging lalaki. Ang hirap kayang aminin sa mahal mo na mahal mo siya. Kelangan pang humanap ng timing. Eh pano kung wrong timing ka? Edi wala na?! Kaso baka naman kakahintay mo sa right timing.. Maunahan ka na ng iba. May point naman ako diba? So much for that. Nalaman ko din na umalis na si Francine papuntang States. Kawawa naman si Ranz. Uso na ba ngayon ang maiwanan? Mareject? Kung uso man yun,ayokong sumunod sa uso na yun.. Ayokong masaktan noh. Kaya sana lang wag naman akong saktan ni Reg..

Btw, on the way na ako papunta sa school. Hindi muna pumasok si Owy. Sasabihin ko nalang siguro sa teacher namin na nahihilo kanina. Nakakainis naman oh! Magsisinungaling pa ko. Pero mas mahalaga naman sakin ang nararamdaman ng kapatid ko. After naman ng hindi ko pagsabi ng totoo.. Pwede naman akong mag confess diba?

Pagkarating ko sa school dumeretso naman ako sa room namin. Konti palang ang classmates ko.. Teka! Wala si Ranz? Lagi yung mas maagang pumasok sa akin ah.. Hmmm.. Baka hindi papasok?

Cav: Ui Ver!

Ver: Oh! Asan si Ranz?

Biboy: Si Binyel ba kamo? Nakasalubong ko kanina. Hindi daw sya aattend ng klase.

Ully: Pero pumasok siya. Baka mapagalitan siguro ng parents nya.

Ver: Ah.. Ganon?

Cav: Kawawa naman si Owy at Ranz.. Tsktsktsk!!

Ully: Mga babae talaga oh!!

Jane: Hoi! Ullyses Webb Basa! Wag mong idamay lahat! Hindi ako ganun noh...

Ver: Oh Jane..

Ully: Haixst! Grabe!! Makasigaw naman 'to.. Akala mo isang bundok ang pagitan natin..

Jane: Whatever..

Hay naku! Ni hindi ko alam kung bakit ko naging bestfriend ang babaeng 'to.. Pero enjoy naman siyang kasama e..

Angelique's POV

Hello! :) Yaaay! Nandito na kami sa room. Nagstart na ding magturo ng lesson si Ma'am.. After nun, meryenda timeeeee!

Cav: Baby, tara!

Angelique: Saan naman?!

Cav: Gusto mo sa puso ko?! Wag na pala.. Dati ka pang nandito e.

Angelique: Che! Dun nalang ako kay Diane..

Cav: Joke lang naman.. Sige na. Dun muna ako kay Ully. Ingat ka Baby. ;)

Angelique: >////<

Asan kaya si Ella?! Hindi din papasok? Ano ba?! Feeling nila bakasyon na??!!! Namimiss ko na yun. Hindi pa nya nakwekwento sakin kung sino ba ang pipiliin nya..

Author: Hay Angelique. Buti pa nga sila e.. May pasok na. Kami wala pa. Ang boring tuloy..

Angelique: Okay lang yan Author. Haha :)

Author: Haha :) Sige naaa. :)

Pumunta na ako kay Diane. Bakit kaya di nya kasama si Biboy?

Be Mine, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon