I Can Live Without You

369 16 0
                                    

Bom's POV

OMGGGGGG!!!! Excited na kong umuwi mamaya ^_^ Sana matuwa si Harry sa surprise ko. *sigh Nasa harap nako ng condo namin at napansin kong bukas yung pinto? Tsk. sabi ko sa kanya laging i-lock to eh

"Babe i'm here na" Tawag ko mula sa living room pero walang sumagot baka naman nasa kwarto siya. Kaya umakyat nako at pagka-bukas ko ng pinto tumigil ang mundo ko si... si... Harry may kahalikang ibang babae 

"Ha-Harry?" Nauutal kong sabi habang tumutulo ang luha ko

"Bom let me explain"

*PAK

"Sapat na yung nakita ko ang kapal ng mukha mong lokohin ako and by the way Happy 3rd Anniversary magpaka-saya ka sana" Tiyaka ako umalis

Lumabas ako ng condo ng umiiyak hindi ko aakalain na magagawa niya sakin yun at sa mismong anniversary pa namin at excited pa naman akong sabihin sa kanya na magkaka-baby na kami. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naglakad na lang ako at napadpad ako sa isang playground umupo ako sa upuan at sumigaw ng malakas habang umiiyak hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko binigay ko naman ang lahat sa kanya pero bakit?

Anthony's POV

Ang lamig naman dito haay nakaka-boring naman magkapag-lakad nga muna. Naglalakad ako sa playground nang may nahagilap yung mata ko isang babaeng naglalakd at biglang natumba

"Miss! Miss! ayos ka lang?"Hindi siya nag-sasalita at duguan siya ano ba naman bihira pa namang dumaan ang mga kotse rito.

Habang buhat-buhat ko siya naghahanap ako ng pwedeng mapag-tanungan kung san ang malapit na sakayan

"Excuse me ho manong san po yung malapit na sakayan?" Tanong ko sa tricycle driver na umiinom ng softdrinks

"Ay iho malayo-layo pa ang sakayan dito at- Anong nangyari diyan sa kasama mo?!"

"Diko po alam manong"

"Nako dalhin na natin siya sa ospital bilis sumakay ka na"

Medyo malayo yung ospital na napuntahan namin at buti na lang andito na kami.

"Manong salamat po"

"Nako ayos lang iho basta ingatan mo na lang siya"

Inayos ko ang pagkaka-buhat sa kanya at tsaka ako tumawag ng nurse para dalhin agad siya sa emergency room

After 1/2 hour...

"Kayo po ba yung asawa ng pasyente?"  Pagka-labas nung doctor pero anong asawa?! Single pako uy!

"Nako hindi po nakita ko lang po siya kanina kaya dinala ko na po dito"

"Ok akala ko ikaw yung asawa niya kasi muntik nang malaglag ang baby niya siguro dahil sa stress but don't worry ligtas yung bata just let her rest for awhile"

Kawawa naman yung babaeng yun sino kaya yung asawa nun? Napaka-walang kwenta naman yang iwan yung asawa niya pinabayaan niya lang. Pumasok nako sa kwarto niya at tinignan siya habang natutulog ang ganda niya pala para siyang anghel at dahil hindi ko mapigilan ang antok ko natulog na lang ako.

Bom's POV

Nasan ako? Anong ginagawa ko sa ospital? Bakit ako nandito? May nangyari ba sakin? Naiirita kong tanong sa sarili ko pero may mas nakaka-irita pala

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH" Gosh sino tong lalaking to?

"AHHHHHH" Nagising rin ata siya sa sigaw ko at talagang ginaya pako

"Anong ginawa mo sakin? Bat ako nandito?"

"Nakita kita sa playground kagabi at nahimatay ka at nung nilapitan kita duguan ka kaya kita dinala dito"

"Ok sorry"

"Bakit wala ka bang maalala?" Tanong niya sakin habang inaayos niya yung tayo niya at ilang saglit lang pumasok yung doctor

"Gising ka na pala Ms. Park buti na lang dinala ka dito ni Mr. Valle and I have a both good news and bad news for you"

"Ano po yun doc?" Nacu-curious nako ah?

"Muntik nang malaglag ang baby mo pero naagapan naman so your baby's safe and eto pala yung mga gamot and check-ups na kailangan mo have a good day" At tiyaka na umalis si Doc

"Pwede ka na nga palang umalis ng ospital bukas pero no offense ha? Anong ginagawa mo sa playground kagabi? At bakit ikaw lang mag-isa?" Tanong niya na para bang hinihintay niya yung sagot ko

Pero tumulo uli ang mga luha ko diko mapigilang hindi alalahanin yung kahayupang ginawa sakin ng boyfriend ko

"Niloko niya ako"

"Nino?"

"Nung boyfriend ko actually 3rd anniversary namin kahapon at nakita ko siyang may kahalikang iba kaya ako pumunta ng playground at balak ko sana yung pagbu-buntis ko yung gift ko sa kanya pero walang nangyari" Napa-hagulgol na lang uli ako at naramdaman kong niyakap niya ko yung tipo ng yakap na andiyan siya lagi sa tabi ko

"Tama na yang pag-iyak mo diyan makaka-sama yan sa baby mo" Pinunasan niya yung luha ko napa-ngiti ako

Simula nung naka-labas ako ng ospital si Anthony na ang nag-alaga samin ng baby ko at siya pa ang nag-suggest kung pwede siya na lang yung magiging ama nung baby ko. Oo nga pala nag-propose siya sakin a year ago at dun na nag-simula ang bagong buhay ko kasama si Anthony at ang baby girl naming si Jenny.

-END-





2NE1 ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon