I'm sorry, I love you

476 16 6
                                    


Kirk's POV

Tinatawagan ko si Dara pero hindi pa rin siya sumasagot ma-try nga ulit

*ring ring (2x)

"the number you've dialled is not in service"

"Shit ka naman Dara"

Buti na lang talaga at alam ko yung pinuntahan niya. Pi-nark ko na yung kotse ko sa tabi ng bar at pagka-pasok ko nakita ko agad siya sumasayaw at mukhang lulong sa alak

"Dara umuwi na tayo" Hinihila ko siya paalis pero ayaw niyang magpa-awat

"Sino ka ba? Bitawan mo nga ako! Waiter isang bote pa nga!"

"Dara tumigil ka na nga"

"Pwede ba Kirk ano bang pakialam mo? Buhay mo ba to? Lumayas ka na nga hindi kita kailangan dito and please stop acting like you're my boyfriend" At tinalikuran niya na ko

Grabe ngayon ko lang ata naramdaman ko at sa bestfriend ko pa nanggaling ang lahat ng hindi ko ine-expect. Siguro kailangan ko ng space para sa feelings ko sa kanya

*Flashback

Nakikinig ako ng music sa cellphone ko pero malo-lowbat na ako ano bayan :( pero may narinig akong umiiyak kaya nilapitan ko. Isang babaeng naka-upo sa sahig at yakap-yakap ang mga tuhod niya kaya nilapitan ko ito at mukhang bagong lipat lang siya sa school.

"Miss ok ka lang? bat ka umiiyak?" Napansin ko na punit-punit ang uniform niya hahawakan ko sana siya pero bigla siyang napasigaw

"Wag kang matakot hindi kita sasaktan" Niyakap niya ko na para bang sobra ung takot niya

"Ano bang nangyari?"

"Inaway nila ako pinagsa-sampal nila ako at kung ano-ano pa yung ginawa nila sakin" Sinabi niya sakin habang umiiyak

"Sino?"

"Hindi ko sila kilala kasi bago lang ako dito"

"Miss may sugat ka! Dadalhin na kita sa clinic"

"Hindi ok lang"

Wala na kong pake kung anong sabihin niya kaya binuhat ko siya papuntang clinic.

After 20 mins...

"Nurse ok na po ba siya?" Tanong ko sa nurse kasi hindi ko siya nakita kasi my kurtina nung ginamot siya

"Oo pwede mo na siyang puntahan" At umalis na yung nurse kaya pinuntahan ko na siya

"Ano? Ok ka na ba ngayon?

"Oo, salamat"

"Kirk Ayala pala ikaw anong pangalan mo?"

"Sandara Park pero Dara na lang ang itawag mo sakin"

"Nice to meet you" Tiyaka ako nakipag-shake hands sa kanya.

Hindi nag-tagal naging magkaibigan kami di lang magkaibigan best friends pa. Ang dami naming kalokohan na ginagawa at lahat ng kalokohang yun si Dara ang may gawa sana mag-tagal pa ang friendship namin pero mukhang hindi dahil mahal ko na ata siya

*End of flashback

Di ko maiwasang isipin yung araw na una ko siyang nakilala kaya napag-desisyunan kong umalis para makalimutan yung feelings ko.

Nag-aayos nako ng bagahe pero tumunog yung phone kaya binuksan ko at nakita kong may message at galing ito kay Dara

From: BFF

Kirk, sorry sa gnawa ko kgabi npa-rami ksi ako eh pwede ba tayong magkta? :(

Gusto ko sana pero may parte ako nag nagsasabing wag na kaya tinuloy ko na lang ang pag-aayos dahil baka ma-late ako sa flight. Ni-lock ko na yung pinto pero may naka-park na kotse sa harapan ng bahay ko at alam kong kay Dara iyon

"Sandali Kirk, san ka pupunta?"

"Papalayo sayo"

Dara's POV

Pinagsisi-sihan ko talaga yung mga sinabi ko kay Kirk kagabi pero hindi ko naman talaga sinasadya ti-next ko naman siya kanina eh pero bakit ayaw niyang mag-reply? Maka-punta na nga lang sa bahay niya. Lumabas ako ng kotse at nagulat ako sa nakita ko bakit may dala siyang gamit? san naman siya pupunta? Magpa-para na sana siya ng taxi pero pinigilan ko ito

"Sandali Kirk san ka pupunta?"

"Papalayo sayo" cold niyang sinabi

Anong nangyari sa kanya? Bakit ganto siya magsalita sakin? Magpapara ulit siya ng taxi pero pinigilan ko siya ulit

"Kirk kausapin mo naman ako? Bat ganto ka sakin? Kung tungkol to sa nangyari kagabi I'm sorry di ko sinasadya"

"Alam ko kaya please lang din Dara leave me alone" At tuluyan na siyang sumakay

"KIRK!!!!!!" sigaw ko habang hinahabol yung taxi

"Pero mahal kita" Yun na lang ang huling lumabas sa bibig ko at bumuhos na ang mga luha ko

-END-









2NE1 ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon