Goodbye 5

165 5 1
                                    

Neil's POV

Ang tanga ko! Bat ko naisipang saktan si CL ng sobra-sobra! Pinangako ko pa naman na hindi ako magiging katulad nung ex niya pero anong ginawa ko?!

"Babe di na ba natin itutuloy?" malanding sabi ni Jewel sakin

"Pakyu!" at lumabas nako ng kwarto

Umakyat ako sa 2nd floor at nakita ko yung mga employees don na nagku-kumplulan sa may tv at halos lumuwa ang mata ko si C-CL na-aksidente

Headline: Isang kotse bumangga sa isang puno at ang babaeng nakasakay dito critical ang condition na nagngangalang Lee Chaerin

What have I done?

*ring ring ring

"Hello?"

"Uhm good afternoon po sir taga-***** ospital po kami kamag-anak po kayo ni Ms. Lee Chaerin?"

Diko na siya pinatapos at tumakbo nako sa kotse ko para tignan ang kalagayan ni CL don

-ospital-

"Asan po si Chaerin Lee?"

"Nasa ER po"

Pumunta ako sa ER pero sabi ng mga doctor bawal daw pumasok kaya maghi-hintay na lang ako

*after 2 hours

"Kamag-anak po ba kayo ng pasyente?"

"Hindi po pero kaibigan ko siya"

"Maayos na ang kondisyon niya pahinga lang ang kailangan niya" at umalis na yung doktor

Hindi nako nagpa-tumpik tumpik pa at pinuntahan ko yung kwarto ni CL. Hinawakan ko ang kamay niya at nagsituluan ang mga luha ko dahil sa kagaguhan na ginawa ko sa kanya.

CL's POV

Nagising ako dahil may nakita akong lalaking umiiyak sa may gilid ko sino naman kaya to? Tinanggal ko yung pagkakahawak niya at kaya nagulat naman ito

"CL gising kana" sabay yakap sakin habang umiiyak

Teka ano bang nangyari sakin? Bat ba ako andito?

"Uhm kuya sino ka?" curious kong tanong kasi parang ngayon ko lang siya nakita eh

"CL ako to, si Neil" Neil? wala naman akong kakilalang Neil eh

Ilang saglit lang bumukas ang pinto at may babaeng yumakap sakin

"O my god CL akala na namin kung anong nangyari sayo" sabi niya

Sino ba sila?

"Sino ba kayo? Bat kayo nandito? Kilala ko ba kayo?" naguguluhan kong tanong

"Anak, kami to" hahawakan niya na sana yung braso ko pero umiwas ako

Someone's POV

Lahat sila nagulat sa inasta ni CL at napag-pasyahan nilang kausapin ang doktor

"Doc pano pong nagka-amnesia ang anak namin?" tanong ng ina ni CL habang naiiyak

"Masyado pong malakas ang pagkaka-bangga ng ulo niya sa may kotse at nangyari yun"

"Ano ba kasing nangyari? Pano siya nabangga?" hagulgol ng mama ni CL

Nananahimik lamang si Neil sa isang tabi kasi ayaw nilang malaman ang kapestehang ginawa niya sa anak nila

"Neil mag-usap tayo" tawag ng papa ni CL sa kanya

Lumabas na sila ng kwarto at...

*BOOGSSHHH

"Anong ginawa mo sa anak ko?" may halong galit na tanong ng papa ni CL at kwinelyuhan ito

"Sorry po tito pero hindi niyo talaga ako mapapatawad kung malalaman niyo"

Isang suntok uli ang natanggap niya

"Tandaan mo to hinding-hindi mo na makikita si CL kahit kailan" pagba-banta nito at umalis na

Neil's POV

Deserve ko lahat ng mga suntok ni tito kanina at talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko kay CL. Hinintay ko munang umalis sila sa kwarto niya at pumasok ako.

Tinignan ko ang maamong mukha niya ang diko mapigilang umiyak lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo

"Patawad CL hindi ko sinasadyang gawin yun sayo pero eto lang ang tandaan mo mahal na mahal kita magkikita pa tayo ulit" 

Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun humagulgol na rin ako bakla na kung bakla mahal ko siya eh

-super fast forward-

After 3 years.....

Still Neil's POV

Tatlong taon.... tatlong taon ang lumipas simula nung nangyari kay CL

"Sir andiyan na po yung ka-meeting niyo" sabi nung secretary ko at lumabas nako

May babaeng naka-talikod at nung humarap ito..... Damn how I missed this girl. Hindi na siya katulad dati na kung akala mong manamit eh parang pupunta ng lamay pero hindi ang laki ng pinagbago niya.

"Hi Mr. Park" ngiti niya sakin tiyaka nag-alok ng shakehands which is sinabayan ko rin

Kung alam mo lang sana CL

CL's POV

Hello! I'm back at the Philippines again hehe andito ako ngayon sa office ni Mr. Park sabi kasi ni daddy may proposal chu-chu daw yung company namin sa company niya. Nung humarap ako sa kanya kasi ka-text ko si Carla eh parang nakilala ko na siya

"Hi Mr. Park" ngiti ko sabay alok ng shakehands

Bat ganto yung feeling? Haay sana nakilala na kita noon pa man

-END-

Tapos naaaa epic ba yung ending guys? XD Sana nagustuhan niyo bukas naman is yung kay maknae please support komawoyo~~ :)





2NE1 ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon