Goodbye (Part 3)

343 8 1
                                    

CL's POV

"Anong ginagawa mo dito?" hawak ko sa braso at ang sarap lang picturan ng mukha because it's so priceless af

"A-Ahh napadaan lang ako" #gasgas line

"Mukha ba akong nakikipag-lokohan sayo?" taas-kilay kong sabi sa kanya

Hindi na naituloy yung sasabihin ko dahil andiyan na naman ang magaling kong bestfriend na may sandamakmak na paperbag

"Oh hi Neil! Anong ginagawa mo dito?" beautiful eyes niya pang sabi ulol Carla lumalandi ka na naman

"Wala may bibilhin sana ako" Pakyu Neil bente sagad

"Tsk" Hinila ko na agad si Carla papasok ng kotse kasi babalik pa kami sa company

-Kotse-

"Langya ka bat mo naman ginanon si Neil?" maktol sakin ni Carla

"Why? Do you expect me that I'll be nice to him? Hell no!" sabi ko 

"Kaya ka iniwan ni, Oops sorry CL"

Gago talaga tong si Carla ipaalala pa naman sakin si GD. Kasi ganto yon, naging kami for 5 years then hindi niya ko sinipot nung 6th anniversary namin at nalaman ko na lang pala na may nabuntis siya at iniwan ako oh diba? Ang ganda ng toy story ko *clap clap

"Hi mom" bumeso ako sa kanya at pumunta sa ref para kumuhang nutella

"Kamusta naman ang first day mo sa company? Maganda ba?" tanong ni mama habang nagbabasa ng fifty shades jk! magazine

"Okay lang naman po pero may demonyong pinakilala sakin si daddy" pagkatapos kong ipahid ang nutella sa tinapay umakyat nako sa kwarto kong kay ganda

*ting

Sino ba to?

From: +639577960652

Pupunta ako sa bahay niyo :)

Fuuuuu sino naman to?

Ilang oras ang nakalipas at may tumawag sakin mula sa baba

"CL may bisita ka" Hell sino naman? si Carla kaya?

Bumaba nako at napakunot ang noo ko sa nakita ko 

"May kailangan ka ba at pumunta ka rito?" walang ganang sabi ko sa kanya

"CL wag mong ganyanin si Neil" sita sakin ni mama

Kumain kaming tatlo sa dining room at mabibingi ka sa sobrang katahimikan

"So Neil bat ka nga pala nandito?" tanong ni mama sa kanya

"Well... Uhm tita pwede ko po bang ligawan ang anak niyo?"

ANO?!

"Sure Neil basta wag mong sasaktan yan ha?" bakit mukhang natutuwa pa si mama? binubugaw niya ba talaga ako dito sa lalakeng to?

-fast forward-

Neil's POV

1 week na nung matapos ang sinabi kong panliligaw kay CL alam kong ayaw niya pero di siya maka-palag sakin. Di ko nga alam kung anong nag-push sakin para ligawan yung babaeng yun kasi ang ideal girl ko talaga eh maganda,mabait at caring pero siya iba kasi to be honest maganda naman talaga yun nga lang sadista at mahilig magmura.

"Oy kupal tara na" nagising ako sa realidad nung pinitik niya yung noo ko

"Masakit yun ah?" sabi ko habang hawak-hawak ko yung noo ko

"Wala akong pake" yun na lang ang sinabi niya at pumasok sa kotse ko

Kumakain kami dito sa isang cafe at napansin kong ang lalim ng iniisip niya

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya pero wala siyang imik

"Wala" tipid niyang sagot sakin

"Neil punta tayo sa beach"

Anong gagawin namin don? Pero dahil ayokong masapok ng wala sa oras sinunod ko na lang siya

"Bat lagi ko na lang siyang naaalala? Magse- seven years na simula nung mag-break kami" malungkot niyang tanong sa sarili niya

"Sino ba yon" Wala kayong pake! curious ako eh

"Yung hinayupak kong ex na iniwan ako" sabi niya at tumawa ng mapait

Grabe naman yung ex niya kahit ganyan ka-demonyo yang si CL alam kong totoo at seryoso siyang magmahal. Pero pagka-tapos ng ilang minuto naririnig ko na siyang humagulgol

"Wag ka nang umiyak sayang mascara at eyeliner mo" biro ko

"Tangina mo" hampas niya sakin habang naiyak

"Joke lang pero wag kang mag-alala tutulungan kitang makalimutan siya" at pinahid ko ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko

Tumayo siya at sumigaw

"HAYUP KA KWON JIYONG! SUBUKAN MONG MAGPAKITA SAKIN AT DI KO TALAGA PIPIGILAN ANG SARILI KO NA IPASAGASA KA SA TEN-WHEELER TRUCK! PUTA KA MAGSAMA KAYO NG NABUNTIS MO LETCHE!"

Habang sinasabi niya yung mga salitang yun ramdam ko kung gaano kasakit at kabigat ang nararamdaman niya pero hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya

Ayieeeee nakapag-ud na ulit huehue mian sa late ud nagka-problema kasi tong laptop na to pisti >.<



2NE1 ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon