Chapter Eight: BamBam
Present
Nandito na nga kami sa Guidance office saktong andito pa ang principal, saklap nga naman oh. Sumama naman yung tatlong bruhitang chismosa para daw mag witness. Tch. Kala mo naman kung anong kalaki ang naging kasalan para magkaroon pa ng witness. Hay nako! *onyok voice*.
"Miss Mortiz, miss Legaspi... Ano ba talaga ang nangyari?" Ani ng principal na nasa harap namin.
"Principal yung totoo po wala po talaga akong ginawang mali sakanya. Kusa nalang ho siyang sumugod sa akin at nanabunot."
Depensa niya sa sarili."diba? Girls?""Opo principal." sabi pa nito.
"Ngayon Miss Mortiz bakit ka nga ba talaga nanabunot ng buhok? Wala naman palang ginagawang masama itong si Miss Legaspi. Ayokong kong sabihin ito pero kailangan. Bago ka pa lang dito pero gumagawa ka na ng bad records."
"Pero ma'am kasi..."
"Shhh. Ngayon magsimula na kayong maglinis ng CR after that sa court then swimming pool at pati narin ang auditorium. Tatlong araw yan."
"Principal diba po absent ako niyan kasi may competition kami sa Cheerdance? ako po leader dun kaya bawal po akong umabsent. Tsaka po practice namin ngayon."
So anong na namang pinapalabas nitong babaeng to? Na ako lang ang maglilinis lahat ng sinabi ng principal? At siya exempted dahil dun? Unfair naman ata nun! Ako na nga ang nasabunutan ako pa tong mali?
"Oh! I forgot. Yeah,I'm sorry.So Miss Mortiz ikaw ang maglilinis ng CR ngayon tsaka ng court."
"Pano po yung auditorium at court?"saad ko.
" Si Miss Legaspi na ang bahala dun. There is no exemption pagdating sa ganito Miss Legaspi. Sa pagbalik mo maglilinis ka."
"Pero principal..."
"No buts. You girls may now go"
"*sigh* K fine" sabi ni Lucy tapos tinapunan pa ako ng masamang tingin bago lumabas. Ginaya rin naman ng tatlo yung ginawa ni Lucy.
*Sigh* Sa Korea pag ganito di ka nanan paglilinisin ah? Wala naman silang pakialam na may mag-away.
Tumayo narin ako at aaktong lalabas na ng biglang nagsalita si principal.
"Miss Jimenez..." Mahina nitong sabi.
"Po?"
"Gusto mo bang iparating ito sa parents mo?"
"Wag na po principal. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Eh sa kuya mo?"
"Wag narin po. Pagtatawanan lang ako nun pag nalaman niya yung nangyari. Alis na po ako principal."
"Okay." Nakangiti nitong sabi.
Dumeretso na ako sa janitors room at kumuha ng kakailanganin.
Buong buhay ko hindi ko pa naranasan ang humawak ng mga panlinis kagaya nito.
Bwisit naman kasi yung Lucy nayon! Humanda talaga yung bruhitang yon pag nagkataon.
Sinimulan ko na ang paglilinis ng bigla namang dumating itong si Lucy.
"Oops, sorry ah? Pakilinisan nalang ulit." Sabi nito na ang ibig sabihin ay ang chocolate syrup na natapon. Nanandya talaga.
"Nga pala,nakiki pagfriend ka ba kay Celine para sumikat or para may magtanggol sa'yo?"
"Excuse me? Hindi ako nakikipagkaibigan sa kahit sino dito,unless sila yung lumalapit sakin para makipagkaibigan. At isa pa hindi ko kailangan gumamit ng tao para sumikat dahil dati palang kilala na ako as ---"
BINABASA MO ANG
Dating the NERD
Teen FictionShe becomes famous not because of she's the twin sister of the gang leader. But because the four gangsters are DATING THE NERD.