Chapter 2

162 16 7
                                    

Nahatulan ako ng kamatayan.

Kung kailan naman masaya na kami, saka pa ako nagkaganito. Leukemia. Isang sakit na kinatatakutan ng lahat, ang sakit na kumuha sa papa ni Ace. Wala pang gumaling mula sa sakit ng leukemia. Lahat, namamatay. May mga chemotherapy sessions nga, wala ring magagawa ‘yun. Prolonged agony, ika nga. Ang tanging makakapagsalba lang sa akin ngayon, himala.

Limang buwan na kami ni Ace, so far, masaya naman. May mga tampuhan at di pagkakaintindihan tulad ng isang normal na relasyon, pero sa huli, nagkakaayos rin. Hindi pa rin niya alam ang tungkol sa sakit ko. Buti nga at hindi niya masyadong napapansin ang napapadalas kong pagliban sa klase. Leche naman kasi itong sakit ko, ang bilis lumala.

Ngayon ang fifth monthsary namin. Ang bilis pala ng panahon. Halos dalawang linggo nalang at gagraduate na kami. May inihanda akong sorpresa para sa kanya. Kasabay na rin ng Christmas at New Year gift ko. Hindi kasi kami nagkasama noon kaya ngayon nalang ako babawi. Matext nga.

Beh, balik ka agad ng classroom after ng TLE mo. Love you .

Hindi kasi kami pareho ng TLE na kinuha. Culinary Arts ang akin, IT naman ang sa kanya. Kahit parehas kami ng oras ng pagpasok, minsan, nahuhuli sila sa pag-uwi.

Nandito lang ako sa room, naghihintay ng oras kahit masama ang pakiramdam ko. Dahil masyado nang common na ang lalaki ang nangsosorpresa sa babae, ako naman ang mangsosorpresa ngayon. Sa limang buwan na pinagsamahan namin, marami na kaming memories.

Hindi naman sorpresa talaga. Kung tutuusin, nagbake lang ako ng cake para sa kanya. Tapos meron ring projector sa may mesa, pictures namin ‘yung pinapalabas. Pagdating niya, may ipeplay akong video message para sa araw naming ito. Oo, alam ko monthsary lang, pero para sa akin kahit buwan palang ang itinagal namin, masaya na ako. Tutal, di ko naman sigurado hanggang kailan ang buhay ko.

5:15 na pero wala pa rin siya. Dapat kanina pa siyang 5 nadismiss. Baka nag-overtime lang ‘yung teacher nila. Ay ayan, nagtext pala.

beh, sorry. kailangan ko na umuwi.

Bigla akong nanlumo. Nakalimutan ata niya na monthsary namin. Di bale, siguro katanggap-tanggap naman ang dahilan niya. Siguro, sa susunod nalang ulit.

Binalot ko ‘yung cake na niluto ko. Iniligpit ko rin ‘yung projector sa cabinet tapos naglinis ako ng konti. Nang matapos ako, lumabas na ako’t nilock ang pintuan.

Kung anu-anong bagay ang pumasok sa isip ko habang naglalakad ako palabas ng school. Papaano kung galit siya sa akin? Papaano kung ayaw niya lang akong makita? Papaano kung—

“Chloe!”

Pagharap ko, nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Mitchie.

“Oh, Mitch—”

Hinila niya ako papunta sa likod ng building malapit sa gate. For some reason, parang may tinataguan siya. Habang busy siyang maghabol ng hininga, pasimple akong sumilip sa may gate para abangan ‘yung tinataguan niya.

“Ikaw ah, sinong tinataguan mo?” pang-aasar ko.

“No! Don’t look!” sigaw niya sa akin pero huli na ang lahat. Nakita ko na. Si Ace, may kasamang babae. Sa totoo lang, hindi ko naman sana iisipin na walang namamagitan sa kanila, kung hindi ko lang nakitang dala niya ‘yung bag ng babae. Pinapayungan niya pa.

Umurong ako ulit para magtago. Sakto namang tumigil sila sa malapit, rinig ko ang usapan nila.

“Di talaga ako makapaniwalang wala ka pang girlfriend,” sabi nung babae kay Ace. Ano daw? Sinabi niyang wala siyang girlfriend? Eh kung ganoon, ano ako?

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon