Usong-uso ngayon ang puting toga at nagkalat na mascara.
“Congratulations, graduates!”
Sobrang ingay ngayon sa hall kung saan ginanap ang graduation. Ang hirap intindihin ng mga tunog na naririnig ko. Kabi-kabila ang mga estudyanteng nagbabatian, nagyayakapan, at nag-iiyakan. Isa na ako sa mga iyon. Kanina pa ako umiiyak habang kayakap si Micthie. Hindi ako makapaniwalang maaaring ito na ang huling pagkakataong makikita namin ang isa’t isa. Hindi lang pala maaari… kasi alam kong ito na ang huli.
“Girl, walang kalimutan ah!” sabi sa akin ni Mitchie, ang mga mata niya ay namumula na. “Saka sabihin mo sa akin kapag may bago ka nang boyfriend.”
“Oo naman,” sagot ko at muli kaming nagyakap. Hindi nagtagal ay lumapit ang mga magulang namin. Ang mama at papa ni Mitchie, ang mama ko. Sayang nga’t di nakauwi si Papa mula sa Saudi.
Niyaya nila kaming magpicture-an. Ayaw pa nga sana ni Mitchie noong una kasi daw ang pangit na niya. Siyempre, napilit pa rin noong sinabi kong “Last naman na ito eh.” Sa totoo lang, pinipigilan kong umiyak pagkasabi ko ng mga salitang iyon. Kahit anong gawin ko, ito na talaga ang last.
Matapos nun ay pinakiusapan ko si Mama na kuhanan kami ng litrato ni Mitchie.
“One, two, three. Smile!”
Agad kaming lumapit para tignan ang picture, lagi namang gano’n eh. Pero pagkahawak ko palang ng camera, sumakit na ang dibdib ko. Hindi ang mukha ko ang una kong napansin. Hindi rin ang mukha ni Mitchie… kundi mukha niya.
Pinagmasdan kong maigi ang itsura niya sa litrato. Nasa background lang namin siya, di nakatingin sa camera pero halatang meron siyang hinahanap. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso. Nagbadya ring tumulo muli ang mga luha ko. Hindi naman siguro ako ang hinahanap niya.
Maya-maya pa ay nag-aya nang umalis si Mama. Since only child lang ako, di kami sa bahay magcecelebrate. Sabi niya sosorpresahin niya raw ako kaya hanggang ngayon hindi ko alam kung saan niya ako balak i-date. Nagpaalam na ako sa mga kaklase at kaibigan ko, maliban sa kanya.
Habang naglalakad kami pabalik sa kotse, tumigil si Mama at hinarap ako. “Nakita mo na ba ang Tita Louisa mo?”
Umiling ako at nagpatuloy sa paglakad palapit sa kotse. Pero nagulat ako nang makita ko ‘yung katabi naming sasakyan. Kotse nila ito. Anak tapa. Shit just got real. Don’t tell me balak hintayin ni Mama sina Tita?
“Ma, pasok na ‘ko. Nahihilo ako,” pagkukunwari ko. Kahit hindi pa nakasagot si Mama, dali-dali akong pumasok sa kotse at umupo sa front seat. Ipinikit ko ang mga mata ko para mapahinga pero ilang saglit palang ay kinatok ako ni Mama.
“Nak, sa likod ka muna umupo. Sasabay dito sina Tita Louisa mo at si Ace. ‘Yung driver nila ang magmamaneho ng kotse nila.”
Shit times two. Totoo ba ito? Please tell me she’s joking. Ano ito, magkasama kami ni Ace sa likod? Ayokong maging selfish pero ayoko rin naman ng ganoong sitwasyon. Hindi pa yata nasabi ni Ace kay Tita na wala na kami. Erg, well, di ko pa rin naman nasabi kay Mama.
“Congrats, dear,” bati sa akin ni Tita Louisa pagdating nila sa kinaroroonan namin. Nginitian ko siya at niyakap. Nagkatinginan kami saglit ni Ace matapos siyang batiin ni Mama, pero agad ko ring binawi ang tingin ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Kung kailan graduation ko pa.
“Tara na,” aya ni Tita. “We have a celebration to make!”
We? Anong ibig sabihin niya doon? Oh sh—Hindi naman sila siguro nagplanong pagsamahin ang celebration namin sa iisang lugar lang? Triple shit na ito.
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Teen Fiction"Hindi lahat ng istorya may happy ending." Status: Completed © 2013 IskaExclusive. All rights reserved.