CHAPTER 1

49 2 0
                                    


This is my prayer in the harvest..
When favor and providence flow..
I know I'm filled to be emptied again..
The seed I've received I will sow....
Yeeaaaaaaahhhhhh!

"O? Ano isang bagsakan pa ba?" Sabi ni Max.

"Pahinga na muna tayo! 30 minutes tapos final practice na." Sagot naman ni Kel.

Andito kami ngayon sa Church. Every Saturday nagpapractice kami ng songs para sa Sunday Worship bukas.

"Kapatids! Meryenda Time!!" biglang sigaw ni Faye.

Naghanda si Faye ng sandwich at juice. At sabay sabay namin itong pinagsaluhan.

"Wow naman Faye! The best ka talaga. Kaya love kita e!!!" Ian.

Napangiti ako..

"Ayiee! Ikaw ha Christian. Feeling ko talaga double meaning na yang love mo kay Faye." Biro ko kay Ian.

Sina Max, Faye, Christian at Kelly. Sila yung mga classmates/ka-churchmates ko.

Si Maximo Patrimonio o mas kilala sa pangalang Max ang drummer namin dito sa Church. Sa apat na taon naming magkaibigan ay kilalang-kilala ko na siya. Ang dami-daming nagkakagusto diyan. Paano? Gwapo kasi. Mabait. At dedicated pa sa Lord. No girlfriend daw siya since birth. At hindi ako naniniwala.

"Uy! Cay! Wag ka nga. Love ko naman kayo lahat e. Lagi lang kasi nagpapameryenda itong si Faye kaya mas love ko siya." Depensa naman ni Ian habang pinandidilatan ako.

Si Christian Perez o Ian for short. Siya naman yung guitarist ng church. Naalala ko nung 3rd year college kami. Inamin niya saking may gusto siya kay Faye. Ewan ko lang kung lumevel up na yung pagkagusto niyang yun. Basta, secret nalang daw namin dalawa.

"So, kapag hindi na nagpapameryenda si Faye e ayaw mo na sa kanya ganun ba?" Kelly.

"Grabe ka Kel! Wala akong sinabing ganun no!" Sabi ulit ni Ian.

"Asus bro! Wag mo na nga kasi ideny. Basang-basa ko na kaya yang mga moves mo. Sakin mo natutunan 'yan e." Pabirong sabi ni Max.

"Ang kapal mo talaga Max!" Ako.

At nagtawanan kami.

"Tumigil na nga kayo, friends lang naman kami ni Ian e. Diba Ian?" Sabi naman ni Faye.

Si Dawn Faye Cuneta. Siya yung Youth President dito sa church. Mahinhin. Palangiti. Mayaman. At napakahumble pa. Ang galing niyan mag-bass guitar dahil sa turo ni Ian.
Anak lang naman siya ng nag iisang Mario Cuneta na siyang Mayor ng bayan na 'to.

"Ahhh! O-o naman Faye!" Namumulang sabi ni Ian.

"E bakit namumula ka Ian?" Singit ko pa.

"Oo nga, parang di ka pa sure sa sagot mo." Dagdag pa ni Kel.

Si Kelly Joy Hernandez o Kel. My bestfriend. Yung dad niya yung Pastor dito sa Church namin. Actually, napakalaki ng utang na loob ko kay Kel. Siya yung naging way kung bakit andito ako sa Church ngayon. At siya din yung dahilan kung bakit nabago ako at yung pananaw ko sa buhay.

Napakamot ng ulo si Ian.

"Ang bully niyo naman. Mahiya naman kayo sa President natin. Siya na nga nagpapalamon sa atin dito. Ganyan pa kayo." Ian.

"Nagpapalamon talaga Ian? Natatawang sabat ni Kel.

"Bro, hindi naman namin kayo binubully e. Ang totoo nga niyan, tinutulungan ka pa namin." Biro ulit ni Max.

Tumingin na sa akin si Ian.

"Okay guys! Tapos na ang 30 minutes. Tara practice na!" Ako habang pumapalakpak.

Alam ko, nagpapatulong na sa akin ang prinsipe ng katorpehan. Hayy. Kawawa naman.

Tumayo na kaming lahat. Except kay Kel.

"Te-ka lang na--man! Di pa ko ta-pos ku-main Cay!" Biglang sabi ni Kel.

"Oo na Kel, salita ka pa! Puno pa nga bunganga mo e. Takaw mo talaga! Bilisan mo nalang!" Sabi ko nalang habang tumatawa.

"Wag ka na muna magback-up, ubusin ko lang 'to." Sabi naman ni Kel.

Oo nga pala, dalawa kami ni Kel ang kumakanta. Madalas siya ang back-up at ako naman ang Worship Leader.

"O game na!" Sabi ni Ian after magset up ng gitara.

"Game!" Sabi ko naman sa harap ng mic.

"A-one, a-two. A- one, two, three, go!" Max.

All of my life, in every season..

***

"Ano dude? Banatan na natin?" Steve.

Andito kami ngayon sa bar. Umiinom, kasama ang tatlong mokong na 'to.

"Easy dude. May oras para diyan. Just wait." Ani Brylle

Ininom ko ang konting alak na natira sa baso ko.

"Tara!" Sabi ko na sa kanila.

"Alright!!! Let's get ready to rumble!" Uziel habang pumapalakpak.

"Ayos ka talaga Ulysses, hindi makapagpigil yang init ng ulo mo!" Pabirong sabi sakin ni Brylle.

"Tssss." Yan nalang ang tangi kong nasagot.

Nauna na kong lumabas ng bar. Luminga-linga saglit at nang mamataan ang kinaroroonan ay dere-deretso kong sinuntok yung lalaki. Nagtakbuhan ang marami ng makita ang pagsugod na ginawa ko.

"Hoy! Ano y--" sigaw sana nung isang lalaki kaso nasuntok na agad ni Brylle.

Pagkasuntok ko sa lalaking ito ay natumba na agad. Tss. Weak.

"Anong ginagawa niyo? Ahhhhh! Stop that!!!!" Sigaw nung isang babae, pero hinawakan siya ni Steve.

"Wag ka ng maingay Miss, baka mas lalong masaktan yang boyfriend mo." Mahinang sabi ni Steve sa babae.

"Anong problema mo?!!" sabi nung lalaki sakin.

Hindi ko siya sinagot. Umamba pa siyang labanan ako, pero hindi niya nagawa. Napigil ko ito at pinaulanan pa lalo ng suntok.

"Ga--g---" sabi niya ulit at sinuntok ko nanaman.

"Dude! Tama na yan!" Sigaw ni Uziel sakin.

Tinignan ko yung kamay ko...

Puno ng dugo..

Galit na galit ako...

At gustong-gusto kong manakit, kaya sinuntok ng sinuntok ko pa ulit yung lalaki hanggang sa mapagod ako.

***

Love & HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon