"Uy! Sige Max. Dito na lang ako, thanks sa paghatid ha?" Paalam ko kay Max.7:00 pm na ng natapos yung practice sa church. Una naming hinahatid si Kel bago kami maghiwa-hiwalay na apat. Si Ian hinahatid si Faye sa Villa nila, at si Max naman ang naghahatid sa akin.
"Sigurado ka bang ayos ka na dito?" Tanong ni Max
"Oo naman Max! Thanks sa paghatid ha? Bye!" Paalam ko sa kanya. Papasok na sana ako sa ng bigla akong nakarinig ng kalabog galing sa loob.
"Ano yun?" Tanong ulit ni Max.
"Ah, yun. Baka ano... baka pusa lang. May natamaan siguro.. Sige uwi ka na! Ingat ha! Godbless!" Pagtutulak ko sa kanya.
Baka si Mama nanaman yung nag-ingay na yun.
"O sige, bye Caeli!" Paalam niya at umalis na.
Nang nakalayo ay patakbo akong pumasok sa loob.
"Lilianaaa! Liliana!!!!!!" Rinig kong sigaw ni Mama.
"Ma, andito na po ako!" Sabi ko sa kanya.
Tumingin ng masama si Mama sa akin.
Naglakad ako papunta sa kanya. Magmamano na sana ako ng bigla niyang tinapik yung kamay ko.
"Saan ka nanaman ba galing ha?" Tanong ni Mama sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko, galit na naman siya sa akin.
"Ma, sa church po." Mahinahon kong sagot.
"Hayy naku Liliana! Tigil-tigilan mo na yang kahibangang ginagawa mo ha! Sinasabi ko sayo!!" Galit niyang usal sa akin.
Napayuko na lang ako. "Ma, tama na po."
"Ano ba Liliana? Kelan ka ba titino? Ilang beses ko ba sasabihin sayo ng paulit-ulit na tigilan mo na kung anong pinaggagawa mo? Kelan ka ba makikinig sa akin ha? Kelan? Puro nalang pasakit binibigay mo sa aking bata ka!" Sigaw niya pa sa akin.
Ma.. hindi mo ba nakikita? Nagbago na po ako. Hindi na po ako tulad ng dati..
"Buti pa si Mia. Masunurin. Bakit hindi mo siya tularan? Ikaw pang mas nakakatanda, ikaw pa tong sakit sa ulo!" Napahawak si Mama sa kanyang noo.
"Teka nga! Asan na ba si Mia? Mia?? Hanapin mo nga yang kapatid mo Liliana." Utos ni Mama sa akin.
"Ma, wala na po si Mia." Malungkot kong sabi.
"Anong wala? Miaa???? Miaaa?????" Paikot ikot na hanap ni Mama kay Mia.
"Ma, wala na si Mia. Hindi na po siya babalik sa atin." Hinila ko na lang si Mama at niyakap ko ito.
Gusto ko nanamang umiyak, pero kailangan kong maging matatag para kay Mama.
"Hindi totoo yan! Kakikita ko lang kay Mia kanina. Nakita ko siya e." Hanap niya pa rin ng biglang tumulo ang mga luha sa mata niya.
Mahigit apat na taon na ang nakakalipas, pero hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon ni Mama. Hindi niya pa rin matanggap na wala na si Mia.
"Miaaa... anak ko..." hagulgol pa ni Mama.
Naaawa na ako sa kanya.. kung pwede ko lang punan ang pagkawala ni Mia.
"Ikaw!" Biglang duro niya sa akin.
"Bakit po Mama?" Tanong ko naman.
"Ikaw ang may kasalanan nito! Ikaw!" Sabay tulak sa akin ng malakas.
Nalaglag ako sa sahig at tumama yung braso ko sa upuan.Ang sakit..
Biglang bumukas ang pinto. "Liliana!" Dali-daling lumapit si Dada at pinatayo ako.
"Marietta! Ano bang ginagawa mo sa anak natin?" Sabi niya kay Mama.
BINABASA MO ANG
Love & Hatred
Spiritual"Hatred stirreth up strifes: but Love covereth all sins." ~Proverbs 10:12