"Tsss." Rinig kong sabi niya at umalis na ng room."Anyare dun?" Tanong ni Kelly sakin.
Nagkibit balikat na lang ako.
Natahimik kaming lahat pero naputol ito ng nagsalita si Ma'am.
"Okay Class. That's all for today. I hope na sa pinagawa kong activity sa inyo ay magkakakilala na kayo ng lubusan. See you next meeting. Class dismiss!" At tuluyan na siyang lumabas ng room.
Naglabasan na rin ang mga kaklase ko.
Philosopy ang aming subject. At sobrang saya ko dahil kaklase ko si Kelly, pati na rin si Max.
Kaso nga lang, kaklase din pala namin si Ulysses at Uziel.
Pagdating nung prof namin ay pinatayo niya kaming lahat and arrange us on our seats alphabetically.
At dahil nga sa Ignacio ako at Hernandez si Kelly ay magkatabi nanaman kami.
After nun ay nagpakilala si Ma'am at nagdisscuss ng mga magiging lessons namin sa mga susunod na araw.
She commanded to turned our chairs into circles then isa-isa kaming magpapakilala without even saying our real name. It's either nick name lang or magsshare kami about ourselves.
At habang nagsshare ang bawat isa ng kani-kanilang mga kwento ay may mga ilan na umiiyak, tumatawa at iba't ibang emosyon dahil sa mga kwento na hindi mo aakalain na agad maiiopen-up sa subject na 'to.
It was an amazing experience dahil wala pang isang oras na magkakasama kayo ay parang kilala niyo na ang isa't isa, hindi sa pangalan pero sa iba't ibang personalidad at mga experience nito sa buhay.
At nung umabot na kay Ulysses dahil siya na ang huli ay bigla nalang siyang tumayo at umalis ng room.
He didn't even say a word.
"Problema kaya ng Ulysses na yun no?" Biglang tanong ni Kel.
"Hay naku Kel. Sa itsura nun mukhang hindi nawawalan ng problema." Sabi ko nalang.
"Sabagay." Sagot nalang din ni Kel.
Lumabas na rin kami ng room ni Kel.
Biglang nagvibrate yung phone ko.
Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.
Si Faye..
From:Faye
Sis! Go na kayo dito sa church room. Mag uumpisa na ang meeting..
Nagreply ako.
To: Faye
Sige Sis! Go na. Andyan na ba si Max?
From: Faye
Yup..
***
"So, ano guys. Okay na ba tayo na every thursday and friday ang service natin?" Faye.
Andito na kami ngayon sa church room at nagmemeeting kami about sa magiging service namin weekly dito sa school.
"Oo okay na, atleast fit sa sched nating lahat. Yung problema natin is yung mga estudyante na aattend sa service. Kailangan marami tayong ma-invite." Sagot ni Ian.
"Pagpe-pray natin yan Ian. Don't worry. Sure na yan, God will invite them. He will going to touch their hearts at sarili nilang paa ang magdadala sa kanila dito." Faye.
Nakakablessed talaga itong si Faye. Siya ang pinaka bata sa amin pero committed na siya in serving the Lord.
"E, kelan yung opening natin?" Tanong ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love & Hatred
Spiritual"Hatred stirreth up strifes: but Love covereth all sins." ~Proverbs 10:12