Chapter 1: New School, New Life

164 3 0
                                    

Chapter 1: New School, New Life

*kriiiiiiing*

Ugh. Pasukan nanaman. Hay. di naman kaso kung pasukan ulit eh. ang kaso dun, Bagong school. Bagong makikilala. bagong pakikisamahan. lahat bago.

Ako nga pala si Anj. Short for Angelita. Ang baho ng pangalan ko noh? Angelita Valdez. 

Nagtataka siguro kayo, kung ano ang tinutukoy kong bago.

Lumipat kasi kami ng bahay, sa ibang lugar. Okay na nga sa Maynila eh. lumipat pa kami dito sa probinsya ng Laguna. Hmp!Nalayo na ako sa Mahal ko, si Kahlil. Nalayo din ako sa mga kaibigan ko..

Sila Prey at Frank,(Lovers din sila kagaya namin ng Kahlil ko).Madalas kaming magdouble date. ^____^ Pero ngayon. wala na. T.T Malayo na ako. huhuhuhuhuhuhuhuhu..

Si Kahlil. We've been together for 3months palang naman. haha! 

Ang layo layo na niya sakin. :( pero di bali. di naman ako nangibang bansa noh, para magdrama ng ganito. Nakakaloka lang talaga ang pagbabago ng lahat.

*Flashback*

"Mga anak, Next Week, maglilipat na tayo ha? Ayusin niyo na nag mga gamit niyo ngayon." -- Mama

O______O

"HA?? Saan? Bakit?" -- Ako

"Sa Laguna, Anj. Naalala mo ba yung nagpunta doon last year? at yung pinakita sa inyo ng Papa niyo na bakanteng lupa, sa atin yun. at nagawa na rin ang bahay."-- Mama

O_____O woa.. agad agad?

Sa Laguna kasi nagtatrabaho si Papa.Dun na kami titira, kasi, kapag nandito kami sa Maynila. weekends lang siya nakakauwi.

"Ma naman. agad agad? kakatapos lang ng school year."

"Exactly my dear. dun na kayo magaaral eh. Tanga much lang, Anak?" -__- -- Mama

Okay. Yan ang Mama ko. para lang kaming magkabarkada. Bhel ang pangalan niya. as in Maribel Valdez, Ang papa ko naman, Si Mhel as in. Melbert Valdez.

Meron akong tatlong kapatid.Ako ang panganay.

Si Mark, kaisa isang lalaki. Sumunod sakin yan. Mas matanda ako. pero mas matangkad siya sakin >.<

Si May, Ang pangatlo, ang pinakamasungit samin. kung makapagsalita. akala mo, mas matanda sakin.

At si Belle, muka siyang princess kaya Princess Belle ang pangalan niya.

Di kami mayaman na inaakala niyo. kung ididescribe ang buhay namin. eh.. ang tamang word ay.. SAKTO LANG. ^____^

" Pero Ma. bakit di nalang ako dito sa Maynila magtapos? Lapit na rin naman eh."

"Anong malapit na? Hoy! Tatlong taon pa. Tska. wala kang titirahan dito. magisa ka lang. Wag mo masyadong damdamin ang paglalayo niyo ni Kahlil. Dadalaw dalaw naman tayo dito. kung magaalala ka, akala mo sa kabilang dulo ka ng mundo pupunta." -- Mama

=_____= Okay. barahan kung barahan.

Kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang.

*End of flashback*

*sigh*

Kaya eto ako ngayon. Nangungulila. TT.TT Che. Drama.

"Anj! Bumangon ka na nga dyan. Unang araw ng klase mo ngayon. baka malate ka." -- Mama

"Eto na ma, babangon na!"

"Osige maligo ka na, tapos magalmusal ka na, ihahatid na kita."-- Mama

Wanting More ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon