Chapter 7: WARZONE?

48 1 1
                                    

Chapter 7: WARZONE?

Rohann's POV

*beep*

1 new message

From: Anj^_^

Nandito ako sa may pathway. Ikaw? Nasan ka na?

Hala. Patay. 

T*ngna naman kasi eh. Etong si William, nakipagpustahan pa sakin. Akala ko kasi, mabilis lang matatapos, mas lumakas ngayon si William sa dota. >.< Bwiseeeet!

After 15 mins,tinigil ko muna ang laro, para replyan siya. Ayaw pa kasi ipa-pause ni William kanina. parang tanga lang eh.

RE: Wait.

"Ano na Dre? Game na!!! Tagal eh, maya na yan!"-- William

Leche. 

"oo na. tatapusin na kita!! May lakad ako eh!"

At pinagpatuloy namin ang laro. Di na nagtext si Anj. Baka galit na yun. Mageexplain nalang ako mamaya.

After 20mins, natapos na ang laro namin. Dali dali akong tumakbo sa pathway, kung saan naghihintay si Anj. Pero pagdating ko dun. Wala na siya.

Nalungkot ako bigla at parang naguilty, pinaghintay ko siya ng matagal. Kaya siguro, umalis na lang siya.

"Anj, Sorry." Bulong ko sa sarili ko.

Bumalik nalang ulit ako sa Pixel.

"Oh Dre, akala ko may lakad ka?" -- William

Walangyang to, nagtanong pa. E siya ang may kasalanan kung bakit iniwan na ako ni Anj.

"oo, G*go ka eh, niyaya mo pa kasi ako, umalis tuloy yung kasama ko."

"E sino bang kasama mo? Bagong chicks ba yan?" XD

Tarantadong to.

"Hindi." Nanlulumo kong sagot.

Hindi naman dahil sa gustong gusto ko si Anj. Na parang naiinlove na ako. Nalulungkot lang ako, dahil, nagiguilty ako sa ginawa ko. Ako ang nagyaya, tapos siya, naghintay ng matagal. HAAAAAY >.<

------------------------------------------------------------------------------------------

Anj's POV

"Bahala ka nga sa buhay mo! Alam mo, nakakabuwisit ka na eh! Sabi mo! Pupuntahan mo ako! Talkshit ka naman eh!"

[Anj, Sorry na please? Busy lang talaga ako non. Wag ka na magalit!]

"Paanong di ako magagalet?? Ha? You promised me!! Tapos ngayon? Aatras ka? That's B*llsh*t!!"

 *toot toot*

Binabaan ko nga! Grabeng paasa ng lalaking yon! Nakakainis! Bwisit!!

"BWISIT KA KAHLIL!!!!"

oo. si Kahlil. Kay Kahlil ako nabibwisit. Paano ba naman. Sabi niya pupuntahan niya ako this weekend, tapos di daw pala, dahil busy siya. May gagawin daw. Leche. >___< If I know, may lakwatsa nanaman yan. Mabait naman si Kahlil eh. Lately lang, medyo nakakabwisit siya. HAHA!

Mabuksan na nga lang ang laptop, at patamaan ang Kahlil na yon.

Pagbukas ko ng FB.

What's on your mind?

Alam ko ang nasa isip ko. kaya sinimulan kong magtype.

WALA KA PALA EH! TALKSHIT KA EH!

Click--POST

HAHA! bahala ka! malaman mo sanang galit na galit ako sayo! HMMMP!! >__<

Maya maya pa. 

May nagmessage sakin.

Rohann Paulo Monteverde.

Binasa ko ang message niya at..

at..

at....

NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Laughtrip. Priceless to Men, PRICELESS!! nakakatawa siya Promise. 

Nagreply ako, habang natawa pa rin, di ko alam na ganyan siya maaapektuhan sakin.

Pagtapos kong magreply. Pinatay ko na ang laptop ko. At natulog.

-----------------------------------------------------------------

Rohann's POV

(Rohann Paulo------------->)

Nandito ako ngayon sa computer shop.

Wala pang makalaban ng Dota, kaya naman nagbukas muna ako ng FaceBook.

*News Feed*

Anj Valdez 

     WALA KA PALA EH! TALKSHIT KA EH!                                                                                                          

Hala? Bat ganito status nito? Ako ba pinapatamaan nito?  

Sabi ko na nga ba at galit siya eh! :(

Dali dali akong nagpunta sa profile niya at nagmessage.

To: Anj Valdez

Pupunta naman talaga ako eh, pagdating ko sa pathway, wala ka na dun. Sorry na Anj. Wag ka naman magalit ng ganyan sakin. Babawi nalang ako next time sayo. Di na mauulit. Sorry.

Maya maya. Nagreply na siya.

From: Anj Valdez

HAHAHAHAHAHA!!! Hindi naman ikaw ang pinapatamaan ko sa status ko eh. Hindi ako galit, ayos lang. Sinundo din kasi ako ni Mama nun. Sorry din.

Woooo. Nakahinga ako ng maluwag dun ah! Akala ko talaga, sakin siya galit. hehe. Buti nalang pala at hindi ako. Kaso. napahiya naman ako ng konti dun. Pero ayos lang, atleast, hindi siya galit sakin.

----------------------------------------------------------------

*bahay*

"Oh, Rohann, Nandito ka na pala" -- Daddy

Dere-derecho pa rin ako pagpasok sa bahay.

"Oo nga pala anak, sa December, pupunta dito sila Shermaine ha? Naguusap ba kayo?" -- Daddy

"oo, daddy, pero minsan lang"

"Balita ko nga, Palagi mo siyang inaalisan, kapag nakikipagusap siya sayo,Anak, si shermaine ang gusto ko, para sayo, matagal ko nang kaibigan ang daddy niya. Gagaya ka ba sa kuya mo? Matigas ang ulo. Future niyo lang ang iniisip ko." -- Daddy

Eto nanaman. Siningit nanaman niya yon. E anong magagawa nila, kung ayaw ko? Si Kuya nuon, nireto sa Ate ni Shermaine, pero, di rin naman nagwork, dahil may ibang gusto si Kuya. 

"Tskk. Oo na. E ayoko nga sa kanya. Pinipilit ko naman eh. Kaso masyado siyang malayo"

"Rohann! Anong ayaw mo sa kanya? Kung mag-gigirlfriend ka, ang gusto ko, siya lang. Maganda ang future na naghihintay sayo, kapag siya ang nakatuluyan mo!" -- Daddy

"Tss. may magagawa pa ba ko?"

Ayoko talaga dun. Though, mabait naman siya. Kaya lang. Di ko talaga trip. Masyadong galawgaw kumilos.Eh ayoko sa mga babaeng ganun. Mga mahaharot, lalong ayoko sa malandi, flirty, at sa babaeng akala mo, sasakmalin ka na. 

Makatulog na nga lang.

------------------------------------------------------------------------

Eto na muna. Sorry kung walang kwenta! HAHA.

Dedicated to @mate05

:))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanting More ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon