Chapter 6: MOVIE DATE? :)

36 1 1
                                    

Chapter 6: MOVIE DATE? :)

Kahlil's POV

Di ko na masyadong nakakausap si Anj. Busy ako.. sa barkada. Di ko naman masabi sa kanya. Kasi alam ko namang magagalit yun. Kinuha ko ang cellphone ko. At tinext siya.

To: Honey ko 

Hi Honey, Kamusta ka? Di na tayo nakakapagusap, Sorry ah, Busy lang ako dito sa school. Pati ikaw alam ko, busy rin. Sorry talaga. Babawi ako. osige. I have to go munaMay lakad pa barkada eh. Loveyou. See you soon.

*beep*

1 new message

From: Honey ko

Bahala ka sa buhay mo. Busy pala ha? MUKA MO!

Anla? Sabi na eh. Galit na siya. Yan din ang dahilan bat di ko masabi sa kanya, at di ko rin magawang magpaalam sa kanya. Alam ko kasing magiging monster nanaman siya.

Di naman niya kasi maintindihan na simula ng mawala siya dito, nakakalungkot. Kaya kinailangan ko ang mga kabarkada ko, para malibang naman ako kahit wala siya.

Mahal ko naman si Anj eh. Yun nga lang, pakiramdam ko, ang layo na niya sakin.

Minsan nga, nakakaselos na ang mga kaibigang sinasabi niya, sana ako nalang yung nandun, para lagi ko siyang kasama.

MInsan nga, naiisip ko, baka pinagpapalit na ako nun eh. Pero wag naman sana. Sobrang masasaktan ako kapag ganun.

Tama na nga pagiisip! Punta na ako sa mga kaibigan ko. Mamaya ko nalang siguro itetext si Anj.

**** Sa Party..

"Sige pa pre. Inom pa. Para naman kahit papaano, makalimutan mo yang si Anj." - Nathan.

Si Nathan, ang bestfriend ko.

Tama naman siya, dapat nageenjoy ako. Ngayon ko nalang ulit nakasama tong mga kumag na to. Simula kasi nang maging kami ni Anj, lagi na lang kami ang magkasama. Kaya naman parang nabalewala ko sila.

"Buti pare nakasama ka ngayon?" - Daniel.

Si Daniel, Chickboy yan.

"Oo pare, di na nga ako nagpaalam kay Anj, sinabi ko nalang may lakad, para di na makaangal. haha."

"HAHA! ganyan nga pare, wag under!" - Daniel

"Ulul"

Medyo marami na akong nainom. Maya maya. Uuwi na ako. At baka naguusok na ilong ni Anj sa galit. Pero, di naman niya ako hinahanap. Talagang nagtatampo nga yun ah. Haaaay. Pagnagkita kami, ieexplain ko nalang lahat.

Anj's POV

"Hello? Nasan ka ba? Di kita makita!"

[Nandito nga ako sa gym! Sa may  wall climbing area.]

"tsk. okay okay, akala ko sa banda dito sa lower court. Nakikita na kita,Bye."

Pumunta ako sa wall climbing area para puntahan siya.

"DEEEEBS!!"

"Oh Anj, muntik ka nang malate ha! HAHAHA!"

PE class namin ngayon. Wall Climbing. Hay nako. Makayanan ko kaya yan. Leche.

"Onga teh, anong oras na oh. Napasarap ka nanaman ng tulog!" - Therese

"Sorry naman ah! Kaya nga nandito na eh."

Maya maya pa, nagsimula na ang klase namin. Nagpaakyat akyat kami sa wall, tas baba, tas akyat ulit, tas baba. NAKAKAPAGOD! at nakakagutom!

"Hay salamat, natapos din! Napagod ako dun! Walangya to si Leila, muntikan pang mabitawan ang tali!" - Debs

Wanting More ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon