Chapter 5: First Personal Meeting
Rohann's POV
Monday na. Itutuloy ko ba ang pakikipagkita ko? Kinakabahan kasi ako. Hindi kaya parang ang OA naman yata? Hindi naman to date o ano eh. May ibibigay lang akong importante, bat naman ako kakabahan?
Kasama ko ngayon si William. Kumakain kami sa malapit na kainan dito sa University. 10am. Ang alam ko, may klase siya ngayong 10, hanggang 1pm. Hay naman.. ano bang dapat kong gawin. Di ko talaga kayang harapin pa siya.
"Pare, anong iniisip mo? Kanina ka pa tulala." Sabi sakin ni William, na may halong pagtataka.
Tama siya. kanina pa nga ako nagiisip. Para kasing nahihiya ako na ewan eh. Sana pala di ko nalang sinabi na ibibigay ko sa kanya ngayon itong mga reviewers.
"Ah, wala. Pre, may tatanong ako sayo. Seryoso to ah! walang gaguhan ah!"
"HAHA! Osige Pre. Ano ba yun?"
"Paano kapag halimbawa, may sinabihan ka na babae na pupuntahan mo siya ngayon. Pero ngayon, nagdadalawang isip ka, kung haharap ka o hindi? Anong gagawin mo?"
"pfff..pfff.. HAHAHAHA! Pre, Chicks ba yan? kung chicks yan, siyempre pupuntahan!"
Binatukan ko siya ng malakas, dahil nga sabi ko, seryoso to. pero tumawa pa rin siya.
"Hindi,Pare, Iba to."
"E sino ba kasi yan?"
Parang naalarma naman ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba? O hindi?
"Tsk. Basta Pare, sagutin mo nalang yung tanong ko."
Napatigil naman siya, at naging seryoso ang muka.
"Pre, kung iba lang yan sa chicks na nakikilala natin dito, bat di mo harapin?"
"E kasi nga, kinakabahan ako."
"Naku pare. Iba nga yan."
Walangya naman tong si William. Wala nang naitulong. Bahala na nga.
-------------------------------------------------------------------------------
1pm na. Labasan na nila Anj. nakita ko siyang lumabas ng room nila. Sinundan ko siya.
Tinitingnan ko siya mula sa malayo. Nakaupo siya sa pathway at nagiisa.
Lalapitan ko na sana siya, nang biglang may tumapik sa balikat ko.
"Siya pala yung sinasabi mo ha? Bakit di mo lapitan. Mukang ikaw lang naman ang hinihintay niya eh."
"William."
"Sige na Pare, Lapitan mo na."
"E Pre, Nahihiya kasi ako eh."
"Ano ka ba Pare. Magpaka-lalaki ka nga. Iaabot mo lang naman yang reviewers db?"
*TIING! Lightbulb*
TAMA! XD
Anj's POV
Pagharap ko sa taong humila sa kamay ko.
o__O
Classmate to ni Rohann ha? At alam ko, kaibigan niya rin to. Close Friend.
"Yes?" Sabi ko nang may mataray na tono.
"Hello, ako si William. May pinabibigay lang sayo si Rohann."
May pinabibigay? Ano kaya yun? Gusto kong kiligin. HAHA!
"Ha? Ano daw yun?"
"Eto oh." Inabot niya sa akin ang isang folder.
"Hindi daw niya maibibigay sayo personally, dahil may pupuntahan daw siya."
BINABASA MO ANG
Wanting More ♥
RomanceThis is based on TRUE STORY. Pero yung mga ibang scene, medyo iniba lang ng konti. ^___^ Its about Stra ngers who became Friends, then Best friends. Pero hanggang saan nga ba sila aabutin ng pagiging magbestfriend nila? Sino sa kanila ang unang aam...