Promise Me

55.8K 1.6K 262
                                    

Iniwan ko muna si Logan sa living room. Ayaw ko man siyang iwan mag-isa ay wala naman akong nagawa dahil hinila agad ako ng kapatid ko patungong kwarto nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"What is that guy doing here?" Les scowled at me as soon as we entered my room. I may have tolerated my sister's pure dislike of Logan, hindi pa rin ako natutuwa dahil alam kong walang sapat na rason sa pagkainis niya.

"Be nice, Maria Celestine. Walang ginagawa sa'yo yung tao." pagalit ko dito at naalis ang simangot ni Les. Ngumuso siya at parang nagpapaawa pa.

"I don't like him for you."

"Bakit naman? Bakit si Kellan nagustuhan mo dati?" kumunot ang noo ko. I've always wanted to ask her about this. Naalala ko pa ang gabing iyon. She was nice around Kellan.

My sister snorted like she heard something ridiculous. "I didn't like Kellan for you too. Kaya lang ako umarte ng ganoon dati kasi pinagseselos ko si Luke sa inyo. "

Natahimik ako. Biglang humagikgik si Les. Mukhang natutuwa sa naalalang kagagahan niya. Lumapit siya sa kama at nakangising tumingin sa akin. "And it worked, didn't it? Later on ay sumali siya sa soccer team. Yung tattoo na lang kulang." napasimangot siya.

"I should do something about that." ngumuso si Les at mukhang nag-iisip ng paraan para maisagawa ang binabalak niya.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Iniisip ko pa lang ang mga posibleng gawin ni Les para mautakan si Luke Dashiel. "Don't you dare."

"What, ate? I'm just helping him. Ganoon ang type mo. Hot guys with tats who's good at soccer, so I'm making him your type." kumibit balikat si Les.

Bahagyang napanguso ako. Luke Dashiel doesn't need to do anything to be my type. But I can't tell her that. Umirap na lang ako sa kanya. Dumiretso sa drawer para kunin ang make up kit at hair curling wand mula doon.

Hindi ako nagtagal sa pag-aayos sa kanya. I just spent forty-five minutes. Light at natural lang ang ginawa kong make-up sa kanya. habang ang dulo lang ng buhok niya ang kinulot ko. My sister is already beautiful. Hindi niya na kailangan pang mag-ayos ng sobra.

Umalis na si Les sa kwarto ko para isuot ang dress na binili namin nung isang araw sa mall. May text ako na natanggap kay Luke Dashiel kaya binasa ko muna iyon bago ituloy ang planong pagbaba.

Luke Dashiel:
I'm still at Calum's. Wala na si Wendy. Where are you? What are you doing?

Nag-type na agad ako ng isasagot sa kanya.

Me:

Nasa bahay. May family dinner kasama si Sage. I won't bring my phone downstairs, so I an't text you, okay?

Iniwan ko na ang phone ko sa ibabaw ng kama. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at lumabas na ng kwarto para makababa.

Natagpuan ko si Logan sa living room kung saan ko siya iniwan pero hindi na siya nag-iisa. My father was with him and it looks like they were discussing something. There's an unsettled feeling that shifted in my stomach.

Inayos ko muna ang sarili bago naglakad papalapit sa kanila. Mukhang naramdaman nila ang pagdating ko dahil pareho silang napatingin sa akin. Ngumiti ako kay Daddy at lumapit para yumakap at humalik sa pisngi.

"Where's Mom?" tanong ko at matapos ay umupo sa kabilang single-seater.

"She's in the kitchen, checking our dinner."

Napatingin kaming lahat sa hagdan nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto mula sa taas. Si Les na lang ang nandoon kaya sigurado ako na siya iyon. Nakabihis na si Les at may malaking ngiti sa labi nang nagmamadali siyang bumaba sa hagdan.

Conceding Affinity (Affinity #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon