Chapter 27: Sungit Blake.

12.6K 303 12
                                    

Saffire's POV

Nagising ako ng may ngiti sa labi. Bumangon ako at nagbihis ng masaya. Nang lumabas ako ng kwarto ko, halos mga mabulunan ang mga kaibigan ko, dahil ba sa masaya ako?

"Lead, Wahhhh!! Bakit ang saya mo ata." bungad sa 'kin ni Flyne at lumapit pa ito, para hipuin ang noo ko.. "-wala ka namang sakit.." Sabi nito. Kaya napangiti na lang ako sa kabaliwan niya.

"Nothing.." Sagot ko na lang at pumunta na sa lamesa, para mag breakfast.

"Anyare kagabe huh?" Curious na tanong ni Stacey nang maka-upo ako. Kumuha ako ng bread tapos tiningnan ko sila.

"Wala nga.." Nakangiti kong sabi sa kanila. Bakit ba masaya ako ngayon? Ewan?

"Wala daw pero, halata namang meron.." Iiling na sabi ni Channel.

"Kagabi kasi nung nasa playground ako, nag sorry sa 'kin si Zander.." Sagot ko na lalong ikinatahimik nila.

"Babalik ka na naman ba sa pagiging Tanga?" Walang emosyon na tanong ni Channel. Nakakatakot pala siyang magseryoso.

"Huwag mong kalimutan na, niloko ka niya at sinaktan.." Sabi naman ni Stacey. Naiintindihan ko naman sila eh kung ganito sila ngayon.

"At mas lalong, Huwag ka ng umasa.." Sabi naman ni Flyne..

Huwag ng umasa? Pero dahil kagabi, Tangna! Umasa na naman ba ako?

Tahimik lang kaming lahat na kumakain. Walang nagsasalita na kahit sino. At hindi ako sanay na tahimik sila.

Napatingin ako kila Channel at Stacey na tumayo at sinukbit na nila ang bag nila.. Galit kaya sila sa 'kin?

"Huwag ka ng mag pakatanga.. Please lang.. Sayang ang ganda.." seryosong sabi ni Stacey bago umalis. Galit nga talaga siya.

Nang makarating kami sa school ni Flyne, walang nagsasalita isa sa aming dalawa..

Pagpasok namin sa room, nakita ko kaagad sila Zander at ngumiti ito sa 'kin. Ngumiti narin ako pabalik, at yung magaling niyang girlfriend. Ang sama ng tingin sa 'kin.

Umupo na lang ako sa tabi ni Flyne na walang kibo padin. Huhuhu hindi ako sanay na ganito sila. Ang mga kaibigan ko.

"Galit ka ba sa 'kin?" Tanong ko kay Flyne.. Hindi padin siya tumitingin sa 'kin. Kaya alam kong galit nga siya sa 'kin.

"Natatakot lang ako Saffire na bumalik ka sa dating pagiging tanga.. At ayoko ng makita ka pang umiiyak, saksi ako sa pagdurusa mo 'nun.. Kaya please lang huwag kang babalik sa pagiging tanga.." Seryosong sabi nito at tumingin na sa 'kin.. Yinakap ko na lang siya. Tama naman siya eh, siya yung saksi sa lahat ng pagdurusa ko nung iniwan ako ni Zander.

"Thank you Flyne.. Promise! Hindi na ako babalik sa pagiging tanga.. Hindi na ako iiyak pa ng dahil lang sa 'kanila.." Sabi ko naman at ngumiti.. Ngumiti nadin siya pabalik. Meaning na Okay na ulit kami. Love na love ko talaga siya.

Nang recess na pumunta na kami ni Flyne sa Canteen.. Gutom na gutom na talaga ako..

Napatingin ako kay Flyne na, nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa 'kin. Antaray ng bestfriend ko.

The Good Girl In To a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon