Chapter 45:Paghahanap

9.9K 259 1
                                    

Saffire's POV

Pinilit kong imulat ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko ang hapdi ng mga sugat ko sa katawan.

"Si-sino ka?" Nanghihinang tanong ko at pilit na inaaninag ang mga taong may gawa nito sa 'kin.. Pero hindi ko sila makita dahil narin sa sobrang panghihina ko.

"Si kamatayan.." May ngising sabi nito at ramdam ko na lumapit ito sa 'kin at hinawakan ang chin ko..

"A-Ano ba ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya at tiningnan siya, ngayon nakita ko na siya pero sigurado akong ngayon ko lang siya nakita..

"Kailangan?-" ngising sabi nito at inalis ang pagkakahawak niya sa chin ko ngayon naman ay nakatayo siya habang masamang nakatingin sa 'kin.. "-Being a gangster king at para narin makaganti ako sa taong may malaking kasalanan sa 'kin sa oras na mapatay kita.." Sabi nito at medyo tumawa siya na para bang nasisiraan na ng bait.

"Crazy.." Usal ko lang at masama siyang tiningnan.. Para siyang si Cela.. Baliw!

"Crazy na kung crazy.. And? Guess what? I want to kill you right now.. You killed my cousin.. Fuck you." Galit na galit na sabi nito at halos sampalin niya ako pero pinipigilan niya lang sarili niya.. Cousin?

"Cela is your cousin?" Wala sa sariling tanong ko, ngisi naman siyang tumingin sa 'kin at lumuhod sa harap ko para magka pantay kami.. Kaya naman pala e.. Mag pinsan sila.. Parehas na baliw.

"Yah! At may cousin naman ako na may malaking kasalanan sa 'kin.. At gagawin ko lahat mapatay lang siya.. Kasama ka" nakikita ko sa mga mata niya ang galit. "-And I'm not fucking stupid. Kaya nga wala na tayo sa dating bodega dahil alam kong pupuntahan nila yun.." Sabi pa nito at tumayo na ulit.

"Enjoy your life.. I swear you will be dead soon.." Ngising sabi nito at lumakad na palayo sa kinaroroonan ko.. Hindi ko makita ang buong paligid dahil sa dilim at hindi narin ako masyadong makakilos dahil nanghihina na ako.

Kakayanin ko pa 'to.. Para sa mga mahal ko sa buhay.. At para kay Blake.


Blake's POV

FUCK! FUCK! FUCK! Nang makita namin ang picture na minessage kay Flyne. Halos mapamura ako ng paulit-ulit. DAMN IT! Hirap na hirap na si Kaithelyn.. Fuck! I will fucking kill who ever did this to my girl.

Napaka dami niyang sugat sa katawan at puro dugo na din ang suot niya.. DAMN IT!

I fucking love her. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya.. Fuck!

"Blake? What is our plan now?" Tanong sa 'kin ni Liam at hindi ko pa din siya sinasagot dahil, nag-iisip ako ng gagawin para mailigtas si Kaithelyn. Damn it! Hindi na ako makapag hintay.. I want to see her NOW!

Nang alam ko na ang gagawin, hinarap ko silang lahat.."-Where going to that fucking old building.." Seryosong sabi ko sa kanila na ikinatango nila..

"Later, this evening.." Sabi ni Anthony at masama ko siyang tiningnan.."-Why?" Nagtataka nitong tanong..

"I want, NOW.." Sabi ko sa kanila na ikinagulat nila.. Fuck! Gusto ko ng makita si Kaithelyn.. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi ko pa siya nakita..

"Blake? Umaga pa lang.."

"Delikadong pumunta tayo ng may liwanag.."

"Oo nga Blake, alam naming nag-aalala ka, kami rin naman e.."

Kanya-kanya na silang tutol.. Wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag na lang.

"Bring guns and grenade.." Walang emosyon na sabi ko.. At ikinatango na lang nila...

"Blake? War na bukas.. Anong plano?" Napalingon ako kay Brent sa tanong niya.. Fuck! War na bukas tapos wala pa si Kaithelyn.. Pinag-planuhan talaga nila 'to e.

"Bahala na.. As for now, we need to see Kaithelyn.." Malamig na tugon ko sa kanila..


****

"ARE you Ready?" Tanong ko sa kanila at inayos nila ang mga baril na hawak nila.. Lahat gagawin ko, mailigtas lang si Kaithelyn.

"Dito muna kayo.. Safe naman dito e.. Kailangan lang naming puntahan ang bodegang sinasabi niyo." Rinig kong sabi ni Flyne sa mga kaibigan ni Kaithelyn..

"Basta.. Iligtas niyo siya." Sagot naman nung isa.

"Oo Norlyn.. Ililigtas namin siya.." Tugon naman ni Flyne at ngumiti..

"Let's go.." Malamig na sabi ko at sumakay na sa Black Ducati ko. Hindi ko na sila hinintay pa ay agad ko ng pinaandar. Mabilisan ang pagmamaneho ko at agad akong nakarating sa bodega na sinasabi nila..

Bumaba ako sa big bike ko at maya-maya pa ay dumating na din ang mga kasama ko.. Kanya-kanya silang tumabi sa 'kin..

"Weird.. Wala man lang bantay.." Usal ni Stacey habang nakatingin sa paligid..

"Hindi kaya, patibong lang 'to?" Rinig kong sabi naman ni Channel.. Maybe it's a trap but i don't care.. Kailangan kong masigurado.

Lumakad na ako palapit sa gate at ramdam ko naman na nasa likod ko lang sila.. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na binuksan ang gate ng bodega..

"Oh! My god!"

"Is this real?"

"Shit!"

Kanya-kanya silang react sa nakita.. Ako naman ay napa-fist na lamang.. FUCK! FUCK! FUCK!

"Blake? I think Saffire is not here." Rinig kong sabi ni Liam.. Tumingin na lang ako sa kanya.

"Where the hell are you Kaithelyn.." Inis na sabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Makakapatay na ako ng tao, kapag hindi pa kita nakita. Damn!

Umalis kami sa bodega na puro dugo lamang ang nandon. Talagang inuubos nila ang pasensya ko..

Wala kaming nagawa kundi umuwe ng hindi kasama si Kaithelyn.. Dumiretso kami sa Headquarter nila Stacey..

"Nasaan si Natasha?" Sabay-sabay na bungad ng mga kaibigan ni Kaithelyn.. Ako naman ay dire-diretso lang na pumunta sa living room at umupo..

"Hindi namin siya nakita 'dun.." Malungkot na sabi ni Flyne at inakbayan siya ng boyfriend niyang si Lavesque.

Lahat kami ngayon ay nandito na sa living room. Hindi ako susuko.. Hahanapin ko pa din ang babaeng mahal ko..

"Liam, Brent, Anthony.. Ipagpatuloy niyo ang paghahanap ng Informations.. Kahit mga gangsters suriin niyo isa-isa.." Walang emosyon na sabi ko sa tatlo.. Sumaludo na lang sila as a sign na gagawin nila..

"What about us? Ano maitutulong namin?" Tanong sa 'kin ni Channel na nakatingi.n sa 'kin na para bang gusto niyang makatulong sa paghahanap sa kaibigan nila..

"Go to Arena or Underground, Tingnan niyo kung may kahina-hinalang gangsters, alam ko na isa sa mga taong gustong makuha ang pagiging gangster queen at king ang kumuha kay Kaithelyn." Paliwanag ko kina Channel.. Tumango naman sila at nag approve..

"Eh, ikaw? Anong gagawin mo?" Tanong sa 'kin ni Stacey na taas kilay ngayon..

"Pupuntahan ko si Gangster King.. Kakausapin ko siya about sa War bukas.. At tungkol na din sa mga nangyari.. At ibabalita ko din na hindi pa natin nahahanap si Kaithelyn.."

"Let's go to Arena and Underground.. Let's end this shit.." Inis na sabi ni Flyne at tumayo na.. Pumunta na sa labas si Flyne na sinundan naman ni Anthony..

"Sobra na talagang nag-aalala si Flyne and I'm worried too.." Malungkot na sabi ni Channel..

"Yah! Me too." Tugon naman ni Stacey."- Friends of Saffire, dito muna kayo, may pupuntahan ulit kami." Sabi ni Stacey sa mga kaibigan ni Kaithelyn.. Tumango naman ang mga ito.. Kami naman ay lumabas na at pumunta na sa mga sasakyan namin..

"Tawagan niyo na lang ako kapag may nahanap na kayong impormasyon.." Sabi ko sa kanila at sumakay na ako sa ducati ko.. Papaandarin ko na sana ng biglang may sumulpot na tao..

"Hey guys.." Bati nito ng may ngiti.. Ano na naman kaya ginagawa niya dito? tutulong kaya siya?

The Good Girl In To a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon