Chapter 33: Sana.

10.4K 308 1
                                    

Saffire's POV

At dahil wala si Flyne, Ito ako ngayon, mag-isa. Pero okay lang, sanay naman na akong laging nag-iisa eh.

"Bhabess, nagsumbong si Cela at si Jes kila Zander at Nard.." Napatingin ako kay Amor na kakalapit lang sa 'kin.

"And then?" Walang emosyon kong tanong. Baliwala lang sa 'kin kung nagsumbong si Cela.. Alam ko na 'yon, sumbungera si gaga eh.

"Nagalit ang boyfriend ko at si Zander. Lumabas na masama ikaw at ako.." Sabi nito at umupo sa tabi ko na akala mo ang laki ng problema.

Wala ng bago 'don, tingin sa akin ng boyfriend ni Amor ako ang masama at sa Alam ni Zander ako din ang masama, Ano ba bago 'don? Malamang si Cela kakampihan niya siya yung Girlfriend eh!

"And?"

"Bhabes hindi ka ba natatakot? Galit sayo yung magkapatid dahil daw sa nangielam ka.." Natatakot na sabi ni Amor. Masasabi kong Mahal niya talaga ang boyfriend niya.

By the way baka nakalimutan niyo.. Ang boyfriend ni Amor at si Zander ay mag  kapatid at dati close kami nung boyfriend ni Amor pero ngayon hindi na, si Cela na close niya..

Why? Syempre siniraan ako ni Cela 'don! Ang galing diba?

"Scared for what?" Nawala na ang takot ko sa lahat ng bagay. Nasanay na rin siguro ako.

Bakit ako matatakot sa kanila? Ako nga kinakatakutan ng ibang gangsters e sila pa kaya?

"Ihh kasi, galit sila!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Amor.

"Tss. Huwag ka ngang matakot dyan. Huwag mong ipakitang mahina ka.." Seryosong sabi ko kay Amor. Huminga naman siya ng malalim at tumango.

"Goodmorning class.." lahat kami napatingin sa teacher na 'yon. Kaya umayos na kaming lahat sa pagkaka-upo.

Si Cela kanina ko pa napapansin na masama ang tingin sa likod ko. Tss, Patalikod talaga tumira. Ahas eh! About naman kay Zander, ilang araw ng hindi pumapasok ang alam ko, tinatamad na daw mag-aral.

"Natasha? nasan si binata?" Napatingin ako sa teacher namin sa tanong nito sa 'kin. Siya yung teacher namin sa Values na mabait sa 'kin dati pa.

"Sino pong binata?" Magalang na tanong ko pero wala parin akong emosyon. Magalang ako sa kanya dahil mabait siya sa 'kin.

"Si Zander bakit palagi na siyang absent?" Tanong ni ma'am na ikinagulat ko. Si Zander? Teka, bakit niya sa 'kin tinatanong.

"Di ko po alam 'dun.." Sagot ko na lamang, napatingin ako sa gawi ni Cela at mas lalong sumama ang tingin nito sa 'kin. Ngumisi naman ako sa kanya ng maloko.

Sorry siya dahil ako ang napagtanungan ni ma'am. Hahahaha. Epic ang mukha niya.

Nang uwian inayos ko na agad ang gamit ko. Alangan naman kasi mag stay pa ako dito.

"Uuwe ka na ba bhabess?" Napatingin ako kay Amor na kakalapit lang.

"Oo.." sagot ko lang sa kanya at sinukbit ko na ang bag ko.

"Gusto tayong makausap nila Zander at Nard, nasa labas sila ng school.." Sabi ni Amor.

"Why?" Tanong ko at nagalakad na ako palabas ng room. Nakasunod naman sa 'kin si Amor.

The Good Girl In To a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon