Chapter 3: New Bestfriends

12.3K 332 2
                                    

Natasha's POV

Alone ang peg ko ngayon dahil wala si Zander at sk Amor. Huhuhu, tapos wala pa akong masyadong kakilala dito sa room.

"Natasha diba pangalan mo?" Napatingin ako sa babaeng maganda na tumabi sa 'kin. Teka siya yung Girlfriend ni Antonio ahh!!

"Oo ako nga hehe bakit?" Ang ganda niya talaga. Hihihi

"Ako nga pala si Stephanie Flyne.." Nakangiting pagpapakilala niya tapos nilahad niya ang kamay niya. Nakipag shake hands din ako. Aarte pa ba ako? Huwag na. Hihihi!! Mabait naman siya eh! Gifted, maganda na mabait pa. Sana all!!

"Ikaw yung girlfriend ni Antonio diba?" Tanong ko sakanya. Grabi!! Perfect couple silang dalawa. Gwapo at maganda!!

"Oo Ako nga.." sagot niya ng nakangiti. Pano kaya naging sila? Hihihi.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan? Alone din kasi ang peg ko ngayon eh.." sabi naman niya. Oo nga napapansin ko din minsan. Tahimik lang siya!

"Sige ba, Gusto din kitang maging kaibigan.." pag-sang ayon ko. Woahh!! New friend. *0*

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan about sa buhay, sa lovelife hihihi. Tapos minsan nga, tawa lang namin ang maririnig dito sa room. Kasi naman masayahin siya at medyo kalog kami parehas hehe.!!

Nang recess na namin ay grabi, Pati rin pala siya. Matakaw! Ang dami niya kasing biniling pagkain. Naisipan naming sa room na lang kumain, umupo kami sa likod. Hehehehe. Tapos ayon kwentuhan ulit para bang wala ng katapusang kwentuhan.

"Ay sorry .." napatingin ako sa babaeng nasanggi ang paa ko.

"Okay lang.." sabi ko sabay nginitian siya. Lahat naman ng tao nagkakamali eh! Malay mo di naman niya sinasadya.

"Hehehe. Sorry talaga.. Teka, ako nga pala si Jenny.." nakangiting sabi niya sabay lahat ng kamay niya. Nakipag shake hands din naman ako.

"Ako naman si Natasha.." pagpapakilala ko sa kanya at tumingin ako kay Stephanie "-at siya naman si Stephanie" nakangiti din naman si Stephanie kay Jenny.

"Nice to meet you. Ahm papakilala ko din mga kaibigan ko.." tumingin siya sa gawi ng mga kaibigan niya at lumapit ito sa 'min.

"Siya si Christine.."  sa tingin ko medyo may pagka suplada ang mukha pero mabait naman daw.

"-at siya naman si Joy Ann.." medyo chubby siya. Hihihi pero mabait!!

"Hello sa inyo.." Nakagiting bati naming dalawa ni Stephanie.

"Hello rin sa inyo, so friends na tayo?" Tanong ni Joy Ann. Sa 'min. Yehey! May mga new friends na kami.

"Sure.." pag-sang ayon namin ni Stephanie. Nakakatuwa naman! Hihihi tumabi narin sila sa 'min at sabay-sabay kaming kumakain with kwentuhan syempre. Mawawala ba naman 'yon.

"Natasha boyfriend mo ba yung laging katabi mong lalaki?" Pagtatanong ni jenny sakin. Hehehe. Hindi ba halata? Anong akala nila kuya ko? Hahaha.

"Oo hehe.." sagot ko sa tanong niya

"Sweet niyong dalawa, halatang in love na inlove ka sa kanya, Natasha. Pero gaank na ba kayo katagal?" She asked.

"Siguro mga 5 or 6 months na rin.." I anwered. Nagkwentohan ulit kaming lahat, nung una nakakailang pa kasi kakakilala lang namin lahat.

*FASTFORWARD

Last subject na at dumating na yung teacher namin sa Filipino. Medyo hindi naman ako naboboring ngayon dahil gawa ni Stephanie. Ang daldal kasi tapos tawa pa kami ng tawa!! Patago pa kung mag cellphone, ka chat ang jowa niya hahaha!

"Class may sayaw na magaganap, pinag meetingan na next week ito. Sino gustong sumali? Para maging representative ng section niyo, mag-register na ngayon, then tomorrow will be the first practice.." explain ni mam sa harap.

Wahhhh. Hehehehe Sayaw? Gusto ko sanang sumali kaso, Tinatamad ako sa practice.. hays!

"Natasha sali ka ba sa sayaw?" Tanong ni Stephanie sa 'kin. Umiling naman ako kasi ayoko talaga. Hehehe

"Ikaw?" I asked.

"Tamad nga akong humanap ng iba sa practice pa kaya? Hahahaha.." sagot niya at tumawa. Hanudaw!?

Sila Jenny, Christine at Joy Ann kasi kasali sa sayaw. Dagdag din daw kasi ng grades 'yon.

****

"Nandito na po ako.." sabi ko at pumunta ako sa kwarto ko, si mama naghahain ng pagkain at ang kapatid ko nanunuod ng Oggy and the Coachroches.

Pagpasok ko sa kwarto ko, nagbihis agad ako at tiningnan ang phone ko. Kamusta na kaya ang boyfriend ko? Hihihi.

Pagtingin ko may mga messages na pala siya. Huhu kasi naman naka Off ang phone ko eh..

From: Baby💖

-Baby ko? Sorry kung hindi ako nakapasok. Hayaan mo papasok na ako bukas. Palaging mag-iingat hah! Huwag pabayaan ang sarili. Kumain ka ng marami. Mahal na mahal kita.

Hehehehe. Hindi niya talaga nakakalimutang I-text ako kahit na hindi siya pumasok.

To: Baby

-okay lang kung hindi ka nakapasok. Hehehe Baby marami na akong friends sa room. Basta pasok ka na bukas. Kain ka na din ng marami. Palagi ka ding mag-iingat! Mahal na mahal din kita.. Hehehehe

*sent*

Pagkatapos ko siyang replayan lumabas na rin ako ng kwarto ko. Naamoy ko kaagad ang lutong bahay ni Ina, hahah.. Ang bango talaga ng luto ni Mama. Hihihi

"Kain na tayo.." Aya ni Mama. Umupo naman ako. Nagdasal muna kami pagkatapos nagsimula na kaming kumain.

"Anak kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong sa 'kin ni Mama. Linunok ko muna ang kinakain ko at ngumiti sakanya.

"Okay naman po Ma. Hehehe.."

"Ikaw naman Bunso, Kamusta ang pag-aaral?" Tanong ni Mama kay Nathaniel. Laging Honor student ang kapatid ko. Ang talino kaya niya. hehehehe

"Okay naman po Mama.. " sagot nito, siya lang naman lagi ang nakakapag uwi ng medals, pupunuin na ata niya ang kwarto niya ng medals at certificate, may trophy din yan sa kwarto niya, kaya naman proud na proud kami ni mama sa kanya.

SmWell, kung nagtataka kayo kung nasan ang Papa namin? The answer is I dunno. Hindi ko talaga alam kung nasan si Papa. Huhuhu

Gusto ko sanang magtanong kay Mama kaso, wala namang sagot ang naririnig ko sakanya. Nasan kaya papa namin? Sino kaya siya? Or buhay pa kaya siya? Kelan kaya namin siya makikita? Makakapiling pa kaya namin siya? Hays, sana malaman na namin kung sino ba talaga siya. Ang hirap manghula kung sino ba talaga siya.

Parang may kulang sa pagkatao ko, gusto kong malaman din ang totoo, pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko hays.

The Good Girl In To a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon