Chapter 34

70 3 1
                                        


Irene's POV

Tapos na ang shoot dito sa Palawan and kailangan na naming umuwi kasi marami pa kaming aasiksuhin.

Kailangan pa naming tignan ang mga pictures.

Napapansin ko rin na tahimik na si Franco hanggang sa nakauwi na kami dito sa Manila.

Pati si Barbie dinideadma niya.

Ewan ko ba kung anong poblema nito.

Pagkatapos ko lang bumili ng ice cream para sa kanya ay nawala na siya sa kinauupuan niya.

Napansin ko rin na parang iniiwasan ako ni Barbie.

Habang kami ni Ylona walang kaalam alam sa nangyari.

Nagtanong din sakin si Ylona kung anong nangyari kay Bailey,Franco,at Barbie pero wala akong masagot.

Napapansin ko na rin kay Franco na palagi siyang matamlay.

Lumalayo na rin siya kay Barbie.

Balita ko nga na umuuwi na si Barbie sa kanila at tanging si Franco nalang mag isa sa condo nila.

Anong nangyari?

Pati si Bailey parang timang minsan ngumingiti mag isa.

May nakain ba sila sa Palawan na iba?

Barbie's POV

May kakaiba ng kinikilos si Franco at Bailey.

Nag away nanaman ba sila?

Bakit ba sa dinadaming babae sa mundo si Ylona pa ang pinag aagawan nila?

Di ko na rin halos maramdaman na mahal pa ako ni Franco. Lalong lalo na pakiramdam ko wala na kaming pag asa ni Bailey na maging kami ulit at maipaglaban na niya ako sa mama niya.

Pati si Ylona,sa tuwing papasok ako sa opisina niya para siyang wala sa mode.

Kaya pinabayaan ko muna si Franco.

Di naman niya ako kinakausap kaya ako nalang muna ang umalis.

Minsan nga lagi nalang ako mag isa sa coffee shop kasi lagi nalang nasa kinauupuan si Franco.

May pagkukulang ba ako?

May nagawa ba ako?

Ang dami kung katanungan na walang makasagot miisa!

Ayoko namang lumapit kay Irene kasi alam ko busy siya.

Minsan napapansin ko na medyo kilala na ni Ylona at Bailey ang isa't isa. They're sweet.

Minsan din nasasaktan ako!

Bakit pa ba namin pinagpatuloy ni Franco ang relasyon namin? Eh alam naman namin na may mahal kaming iba?

Bulag ba kami sa pag ibig?

Ganun na lang ba? Di rin kaya madali ang napag daanan namin ni Franco sa loob ng limang taon.

Maraming nangyari.

Buti nalang at lumaban si Franco.

Ang boung akala ko,ako ang dahilan kung bakit siya lumaban.

Yun pala dahil kay Ylona.

2 years ago may nangyari kay Franco.

Nagka dengue siya.

Di ko alam kung san kami hahanap ng pera para pambili ng mga mamahaling gamot niya at hanggang sa dumating ang araw na bumalik ulit sa dati ang pakiramdam niya. Mabuti nalang at mabait ang diyos. At isang gabi nun bigla siyang umiyak at alam ko na dahil nanaman dun sa nakaraan niya. Ulila siya sa ama niya ng bigla niyang binanggit ang pangalang "Lona" yun lang ang narinig ko "LONA" yun pala YLONA.....

Pero binabalewala ko lang hanggang sa nakalimutan ko na. At ngayon lang ako natauhan na bumalik pa ulit ang mga nangyari noon. Masakit din sakin sobra kasi mahal ko si Bailey at parang ipinagpilitan ko ang sarili ko na mahalin si Franco.

Sana dadating ang panahon na mamahalin ako ulit ni Bailey.

Bailey's POV

Nandito ako ngayon sa opisina ni Ylona.

Nag aya kasi siyang mag coffee dito sa opisina niya.

Chikahan at minsan seryoso.

Medyo nahuhulog na ako sa kanya pero di ko maiwasang maisip si Barbie! Lalong lalo na yung mga masasayang alaala namin noon bago ako umalis ng Pilipinas.

Bakit ba palagi nalang si Barbie?

Ang lakas talagang tumawa ni Ylona kahit kailan.

Minsan napapangiti nalang ako mag isa sa table ko kapag nakikita ko si Ylona sa malayo na masaya at mabait naman pala siya. Mas nakilala ko pa siya. Simple lang pala siya at di siya maarte pati mga fishball diyan sa tabi siya pa ang mag aaya sakin. Minsan nga natatawa ako sa sarili ko dahil naaalala ko nanaman yung mga panahon na iilibre ako ni Barbie sa may kwek kwek nung kami pa. Ayoko mang balikan ang mga alaala namin noon ni Barbie,di ko maiwasang maalala yun dahil parehas sila ng mga ginagawa sakin ni Ylona. Iba lang sila ng pinanggalingan. Masaya na ako para kay Franco at Barbie. Tanggap ko naman na si Franco na at si Barbie,akalain mo yun umabot pala sila ng limang taon sa relasyon nila. Sabi kasi nila na kung aabot kayo bg anim na taon na relasyon sila na talaga para sa isat isa pero di ako naniniwala dahil alam ko na wala yun sa sukat ng pagmamahalan niyo.

Bailey,you're so silent! Is there something wrong? Tanong sakin ni Ylona.

Ahm no,nothing! Balik lang ako sa table ko! Tumango lang siya at unti unti na akong lumabas ng opisina ni Ylona.

Pagbalik ko sa opisina ko may nakita akong sulat dun.

Please take care of her.

_Mr. Astig

Sino to? Sino si Mr. Astig?

Mr. Astig POV

She makes me smile

She's beautiful

She's perfect

Pero ng dahil lang sa nangyari I can't even think na ang daddy pala niya ang master mind sa pagkamatay ng tatay ko.

I'm all grown up now.

Kaya ko na siyang harapin.

Alam ko na si Bailey lang ang makakabantay kay Ylona.

I will show my revenge at di ko kayang may mangyaring masama kay Ylona kapag nakapag higanti na ako.

Nandito lang ako lagi sa gilid.

Binabantayan siya.

My childhood friend,,Ylona!

Dare me to love you. Just for one day.

I will make sure that you can still remember me.

After all what happened in our lives.

Two Steps Behind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon